Verse 8: Text ni Theresa

15 1 0
                                    

Pagkabukas ko ng cellphone ko, sangkatutak na text na ang nakatambak sa inbox ko, nanggaling sa iisang tao, si Theresa. Pagkatapos kong mainis sa kanya sa mga sinabi niya, nakaramdam naman ako ng awa, I feel sorry for her na hindi ko pala talaga siya kayang mahalin, napakasama ko, walang ibang pwedeng sisishin kung nasasaktan siya ngayon kundi ako lang. Isa-isa ko nang binasa yung mga text mula nung inoff ko yung cellphone ko....

"Babe, sorry sa mga sinabi ko kanina, nadala lang ako sa init ng ulo ko, sorry talaga..."

"Babe, magreply ka naman, sabi ko sorry na"

"Babe, ano ba!? Naiinis na ko hah! Pupuntahan kita diyan sa apartment mo!"

"Bat nakapatay yung phone mo?  Tumatawag ako out of coverage area ka, sigurado pinatay mo cellphone mo ano!? Galit ka ba saken?"

"Tang ina naman eh! Bat di kita makontak? Pasalamat ka wala akong number ng mga kabanda mo kundi ewan ko lang!"

"Babe, bakit wala ka sa apartment mo? Sarado? Nakakandado..."

"Asan ka na ba? Pinapatawad na kita, mag-usap naman tayo oh! Sige na please?"

"Babe, please naman oh! Kausapin mo naman ako, wag mo naman akong ganituhin..."

"Babe, mahal na mahal kita kahit putang ina ka! KAUSPIN MO NGA KONG HAYOP KA!"

"Pabubugbog kita sa mga pinsan ko, sige ka!"

"Ano ba naman yan! Sorry na kasi! Nakakainis ka naman eh!"

"Bakit? May iba na ba? May kinahuhumalingan ka na bang iba diyan? Magtapat ka nga!"

"Wag mo ako iiwan please! Saktan mo na ko ng pisikal wag lang ganito, please naman!"

"Umuwi lang ako sa bahay para magbihis, nandito ako ngayon sa labas ng apartment mo, hihintayin kita kahit gaano katagal, umuwi ka na please!"

"Dito lang ako sa gilid ng apartment mo, pinagtitinginan kasi ako kanina nung andun ako sa tapat ng pintuan eh..."

"Hihintayin kita kahit gaano katagal..."

Nagulat ako sa mga huling text niya, nasa labas daw siya ng apartment ko, nabahala ako kasi baka may magtrip sa kanyang adik dun eh, kargo de konsensiya ko pa, nasa bahay na ko nila Eulyssis kaya nagpaalam ako sa kanya. "Eulyssis, pare may pupuntahan lang ako saglit hah.." sabi ko "Robert, anong oras na oh! Alas diyes na, disioras na ng gabi eh..." sabi niya. "Yun nga eh, disioras na ng gabi nasa labas pa si Theresa, hinihintay niya ko sa labas ng apartment ko, mahirap na baka may masamang mangyari sa kanya, "Ok sige pre, text ka na lang pag pabalik ka na hah.." paalala niya "Ok sige pre salamat!" pasalamat ko. Nagmadali ako, tumakbo, naghabol ng jeep, sumakay, hanggang sa makarating ako sa paroroonan ko, exercise na naman, may exercise na ko kaninang umaga pati ba namana sa gabi? Pagdating ko sa apartment tinignan ko sa gilid ng bahay kung andun nga siya, andun nga siya! Nakaupo sa sementadong parte ng sahig, sa may gutter, habang nakatingin sa mga itinanim kong halaman ng talong na lagi kong dinidiligan sa umaga at kapag may bunga na, ginagawa kong tortang talong. Nung lumapit ako sa kanya, ngumiti siya saken, "May bunga na yung itinanim mo oh, gusto mo bang taniman mo rin ako para magbunga yung pagmamahalan natin?" tukso niya. "Baliw ka ba? Hindi mo ba inisip kung anong oras na? Alas diyes pasado na! Alam mo bang may mga adik dito? Paano kung ma-rape ka? Holdapin ka o kung ano pa? Nag-iisip ka ba?" galit na sinabi ko. "Alam mo Robert, wala na kong inisip kundi ikaw lang, kahit dalawang buwan pa lang relasyon natin sobrang attached na ko sayo, di ko nga alam kung anong meron ka bakit patay na patay ako sayo" paliwanag niya.

"Makinig ka sakin Theresa, ayokong maging unfair sa'yo, tapusin na natin to.." di pa tapos yung sinasabi ko biglang siyang sumagot "Putang ina naman yan eh, wala namang ganyanan, ikaw na lang yung natitira saken, wag mo naman akong ganituhin Robert!" sabat niya. "Sandali lang naman, patapusin mo muna ako pwede ba yon?" tumahimik siya sa pakiusap kong yon. "Kilala mo naman ako nung umpisa pa lang di ba? Ang totoo niyan, nagtake advantage ako sa'yo nung nalaman kong may gusto ka saken, nung time na yun madalas ka pa lang manood ng gig namin, kaya dahil sa kagustuhan kong magkagirlfriend agad, niligawan kita. Hindi ako nagkamali sa inexpect ko nasasagutin mo agad ako, no buts and maybes, kaya tuwang-tuwa naman ako na effective yung pagiging popular ng banda namin para magkaroon ako ng lovelife, sa ngayon nagmamahal na ko ng totoo at hindi ko naramdaman yun sayo mula nung nagsimula yung relasyon natin. Mabait ka, maganda at mayaman, pero yung pagmamahal hindi nabibili ng pera, hindi nakukuha sa pisikal na anyo, hindi yung mata yung tumitibok kundi ang puso, ang pagmamahal kusang nararamdaman hindi natututunan. Kaya patawarin mo ko Theresa, let's end this up..." paliwanag ko sa kanya. Hindi na siya sumagot, inilagay niya na lang yung dalawang palad niya sa mukha niya habang umiiyak siya.

Alam kong masakit yung ginawa ko pero kung ipagpapatuloy namin ito, hindi ako magiging masaya, at kung hahayaan ko lang siya na mahalin niya ko, para lang siyang yumayakap sa isang cactus na habang hinihigpitan niya yung pagyakap niya sakin, lalo lang siyang masasaktan. Ayoko nang pekein yung mga katagang "I Love You" sa text, sa tawag o kahit personal pa, gusto ko nang magpakatotoo at ayoko nang mabuhay sa kasinungalingan. Tama man o mali yung naging desisyon ko, wala akong pinagsisisihan, gusto ko nang magmahal ng totoo at hindi yung laru-laro lang at kung masaktan man ako, at least I try... I try it with all of my guts, I want to grow up very well at kahit masaktan pa ako, magiging handa ako sa anumang consequences at hindi ako natatakot na mabugbog ng mga pinsan ni Theresa kung ipabugbog man niya ako, ok lang, tatanggapin kong punishment yun dahil nga sa nasaktan ko si Theresa. Niyakap ko na lang siya para patahanin "Tara na, iuuwi na kita sa inyo para siguradong ligtas ka hanggang sa makarating ka sa inyo". Nahihiya man ako dahil pinagtitinginan kami habang umiiyak siya tiniis ko na lang yun maihatid ko lang siya sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strum of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon