Nakakatuwa panoorin yung practice nila, kakaiba pala pag mas malapitan ko silang pinapanood, di tulad nung nasa stage sila na laging center of attraction yung vocalist nila, ang bibilis ng mga daliri nila sa pagtipa ng gitara. Lalo na si Mike na lead guitarist nila, pero ang pinakahinahangaan ko ay si Robert, iniikot-ikot niya pa yung drumstick habang nagdrudrums, ang galing! Parang gusto kong masubukan! Tuloy-tuloy yung ensayo nila, minsan ini-interrupt ni Mike, pinapaulit sa simula pag may nagkamali. Bossy pala siya? Eto namang kasama ko mahuhugis puso na yung mata kakatitig kay Mike, basta para sakin si Robert ang pinakamagaling! Nung nagpahinga na sila, nagsiinom sila ng kanya kanya nilang dalang mga mineral water. Lumapit ako kay Robert na nakaupo pa rin sa drum set, "Ang galing mo Robert! Matagal ka na bang nagdrudrums?" usisa ko sa kanya, "Mula pa nung Grade 6 ako, tinuruan ako ni Tito James, dati ring kasing drummer ng banda yun eh, nakahiligan ko tapos eto, nagagamit ko sa trabaho yung natutunan ko para kumita, paano niyo nga pala nalaman yung studio namin hah Dia?" tanong sakin ni Robert, "Nakita kasi namin si Eulyssis nung naglalakad sa kalsada, binati namin tapos tinanong namin siya kung saan siya pupunta tapos ayun! Sabi niya may practice daw kayo, kaya naging interesado kaming panoorin kayong nagprapractice" dahilan ko. "Alam mo nagulat ako nung makita ko kayong nandirito, napakabihira kasi namin magkaroon ng bisita dito eh, madalas pinupuntahan kami ng ibang mga barkada namin sa bahay namin mismo, kaya salamat hah, pumunta kayo dito kaya mas lalo akong ginanahang tumugtog" sabi niya. "Sus! Wala yun! Kami nga dapat magpasalamat kasi parang nanonood kami ng mini-concert ng libre, hahaha!" biro ko.
Eulyssis POV...
Buti pa tong dalawang to, nandirito yung mga inspirasyon nila, magkaiba kasi pinapasukang trabaho sila Jane at Cris eh kaya ayun! "Uhmm... Dia, nakakasabay niyo rin ba minsan umuwi sila Jane?" tanong ko kay Dia, "Minsan, paiba iba kasi sched nila eh, minsan opening, minsan mid-shift, siguro opening sila ngayon kaya di namin nakasabay? Basta isasama na lang din namin sila dito minsan, bakit? Namiss mo si Cris ano? Ayiiieeee!" tukso ni Dia, pero mali siya, sa totoo lang si Jane talaga yung gusto kong makita, dun lang naman ako nabuburyo kapag lagi na lang si Marvin yung bukang bibig niya eh! "Hala ka! Grabe siya! Si Jane kaya hinahanap ko, di ba nga tanong ko kanina kung nakakasabay niyo rin ba minsan umuwi SILA JANE?" paglinaw ko, naku! Tong bibig ko talagang to oh! "Hala ka! Si Jane pala yung type eh bakit si Cris pinakamatagal mong kausap kagabe?" usisa niya, "Eh kasi naman panay yung tanong niya ng tungkol kay Leonard, kung ano yung tipo ng babae yung gusto niya at kung anu-ano pa" paglilinaw ko, "Hoy! Ano na naman yan hah Eulyssis? Narinig ko na naman yung pangalan ko?" si Leonard. "Wala! Type ka kasi ni Cris kaya panay tanong niya saken kagabi ng tungkol sayo..." eksplikar ko kay Leonard, "Naku po! Patay tayo dyan! Nagkamali siya ng ginustong lalaki, pag ako naging jowa nun, titipirin ko siya sa lahat ng bagay..." patawa niya, nakakatawa yung joke niya noh? Tara tawa tayo, hahahaha! "Oo, alam ko naman yun, samin pa nga lang bihira ka na nga lang manlibre tinipid pa, hahahaha! Kuripot ka kasi! Kuripot! Kuuuuu-rriiiiii-pooootttt!!!! Hahahahaha!" pang-asar ko, "Kuripot na kung kuripot, pero mas pogi pa rin ako sayo, hahahaha!" pang-asar niya.
"Ikaw hah, trip mo pala si Jane hah, para sakin, mas ok ka kesa kay Marvin, kasi nakikibonding ka samin, kaya lang pahupain mo muna yung pinagdaraanan niya kasi kakabreak lang nila eh, di pa siya nakakamove-on..." babala ni Dia, "Alam ko naman yun eh, kailangan niya rin kayo, tayo, na mga kaibigan niya para makalimot, sabihin na nating hindi siya totally na makakalimot pero alam ko kahit papano naiibsan yung lungkot niya kasi nakikita ko naman tuwing kasama yung buong barkada, lahat tayo laging nagtatawanan di ba? Makakaya niya yan, may tiwala ako, at pag dumating na yung oras alam kong handa na siyang magmahal ulit, saka ko na siya popormahan, ano ba yan, masyado na tayong nagiging senti, ano ba gusto mo matutunan? Drums o gitara?" tanong ko kay Dia, "Gusto ko yung drums! Hehehe!" sabi ni Dia, "Oy! Robert oh! Gusto ka raw niya!" kantyaw ko kay Robert. "Weh!? Di nga?" pagdududa ni Robert, "Gago ka talaga Eulyssis! Hindi Robert, ang ibig kong sabihin gusto ko matuto magdrums!" paliwanag niya kay Robert, "Aaahhh... Ok sige, halika dito, turuan kita" alok ni Robert. "Ayyyiiiiieeeee!!!!!" sabay-sabay na kantyaw naming lahat. "Mga baliw kayo! Hahahaha!" sabi ni Dia, napuno ng tawanan ang buong studio habang nagre-rehearse kami ng mga tutugtugin namin para kinabukasan.
Hindi ako magsasawang tumugtog at kumanta hangga't may naniniwala samin at hangga't may naniniwala pa samin, hindi ako mapapagod na magtipa at kumaskas ng gitara hangga't may nakikinig sa amin, tumatangkilik, at sumusuporta. Musika ang buhay ko, hindi lang dahil sa ito ang pinagkakakitaan ko para sa mga gastusin ko sa araw-araw, hindi lang dahil sa masaya kasama yung mga kabanda ko, hindi lang dahil sa ito talaga ang hilig ko, kasi ito na yung nasa puso ko at ito na rin yung minahal kong propesiyon ko at hindi ako nagsisisi sa landas na tinahak ko. Hindi ka magiging masaya sa trabaho mo kahit gaano pa kalaki yung kinikita mo diyan, kung hindi naman yan yung talagang ikaw, kung hindi yan yung bumubuo sa pagkatao mo bilang indibidwal. Marami na kong naging trabaho dati, naging crew sa isang fastfood, naging janitor sa isang pampublikong ospital, dishwasher sa isang 5 star restaurant, naging bell boy sa motel, factory worker at sa maniwala ka't hindi, nagtinda na rin ako sa palengke ng sabon kasi laki ako sa hirap at lahat ng mga tinatamasa kong tagumpay ngayon, ay dahil dito sa pagbabanda ko, kahit nangungupahan lang ako sa apartment, marami akong naipundar na gamit dahil dito sa propesiyon ko ngayon, dito talaga ako pinaka naging masaya. Nakakatulong ako sa pamilya ko, tuluy-tuloy kong nahuhulugan ko yung SSS, philhealth at pag-ibig ko, pero parang may kulang pa? Oo, yun na nga! Yung tunay na pag-ibig ko...
BINABASA MO ANG
Strum of my Heart
RomanceMusika ang aking buhay, Mahilig akong makinig, Kumanta, tumugtog At gumawa ng kanta. Sabi nila magaling daw ako mag-gitara at kumanta, Pero para sakin kulang pa yung kaalaman ko, Nang makilala ko siya, parang nakakapanibago, At dating halos paulit-u...