Bakit? Bat mo ko iniwan? Saan ba ko nagkulang Marvin? Pinaasa mo lang ako, pinaibig, pagkatapos ginago, tinarantado! Pero bakit sa kabila ng pagkamuhi ko sa'yo mahal na mahal pa rin kita? Di pa ba sapat ang isang Meghan sa'yo? May iba na ba? Yan ang madalas kong inuusal sa isip ko, tinanong ko siya kung ano ba mas mahalaga sa kanya, ako o ang pagbabanda niya? Pinili niya ang banda, sinampal ko siya ng malakas at dahil sa impact, namula yung pisngi ng kumag na yun... Pero sinuportahan ko pa rin siya sa gusto niya. "Meghan! May tao sa pinto oh! Pakibuksan naman, nagtotoothbrush pa ko eh!" sigaw ni Cris mula sa banyo, "Sandali lang, pupunta naaaa!" sigaw ko rin. Nagulat ako sa pagbukas ko sa pinto, nakita ko si Marvin! "Kukunin ko lang yung gitara ko..." sabi niya, di ko mapigilang maluha, di siya nakatingin sakin, sumisilip siya sa likuran ko na parang hinahanap niya yung gitara niya. Parang wala lang nangyari samin, normal lang yung kilos niya, antipatiko pa rin, "Sandali lang hah, kukunin ko lang sa kwarto. Pagpunta ko sa kwarto, dinamput ko yung gitara niya na nakasandal sa pader at pagbalik ko sa sala kung saan siya naghihintay, ihinampas ko sa pagmumukha niya yung acoustic guitar niya! "Putang ina mo ka! Ang kapal din pala ng mga kalyo sa pagmumukha mo para bumalik dito ano!? Para ano!? Para kunin yang putang inang gitara mo!!!" pasigaw kong sabi sa kanya habang nangingitngit ako sa galit at tumutulo sa gilid ng pisngi ko yung luha ko, tahimik lang siya at dinamput yung gitara niyang nasira yung handle sa lakas ng pagkakahampas ko sa mukha niya. "Jane! Jane! Gising!" habang niyuyugyog ni Cris yung balikat ko, panaginip lang pala? Tinignan ko yung gitara ni Marvin na nakasandal sa pader. Siguro nga ganun yung aktuwal na gagawin ko kapag pumunta siya dito, dahil punung-puno ng galit at poot ang puso ko sa kanya.
"Jane, alam mo ba yung ginawa mo kagabi sa Bar?" tanong saken ni Cris, "Hah!? Anong ginawa? May ginawa ba kong mali kagabe?" pagbalik tanong ko kay Cris, "Oo, para kang praning na nagsisisigaw ka sa table natin tapos sinasabi mo, woooohhooooo! Boyfriend ko yang kumakanta na yan! Samantalang hindi mo pa nagawa yun kay Marvin, ginawa mo dun sa taong di mo kilala" paliwanag niya. "Oh My God! Grabeee!!!! Nakakahiyaaa!! Shiiiittt!!!! Ano ba yan!" pagkadismaya ko, "Pero bago yun, pumasok ka pa sa C.R. ng mga lalaki, at Vocalist pa ng banda na yun yung pinasok mo sa C.R." patuloy niya. "Aaayyyyy!!!!! Ano ba yan! Mas nakakahiya yun! Huhuhu! Sana bes di mo na lang kinwento, nakakadismaya eh!" sabi ko. "Hindi pwedeng hindi ko ikwento sayo yun kasi baka maglasing ka na naman eh, para alam mo yung ginagawa mo pag wala ka sa sarili at di ka na umulit, teka nga pala, kakilala nila si Marvin eh, dati daw nilang bokalista yun, lumapit saken yung pinagtripan mo nung lasing ka,yung bagong Vocalist ng dating banda ni Marvin, Eulyssis yung pangalan, binigay nya nga saken yung number niya eh kung sakaling may balita daw tayo kay Marvin" pinakita ni Cris yung cellphone niya kung saan nakasave yung number ni Eulyssis. "Akina bes, ako na mismo hihingi ng pasensiya sa kanya, grabe! Nakakahiya talaga!".
Eulyssis POV...
"Pare, gusto makipagkita ni Jane saken, gusto niya raw ako makausap ng personal" sabi ko kay Leonard, "Eh di puntahan mo pre, gusto lang naman siguro humingi ng despensa sayo yun ng personal saka posibleng magtanong din siya sa'yo tungkol kay Marvin, tignan mo nga yan! Isa na yan sa dahilan ko kung bakit ok lang saken na umalis siya sa banda, ni hindi niya pinakilala saten yung girlfriend niya at ang sabi niya single daw siya nung nag-audition siya satin pagka-vocalist" paliwanag ni Leonard. "Baka naman di siya sana'y na kinukwento niya yung buhay niya?" teyorya ko lang, "Malay naten? Walang nakakaalam? Oh siya, lumakad ka na, hintayin na lang kita dito, tapusin ko lang tong nilalaro ko" si Leonard na nakaharap pa rin sa Xbox 360 ko habang naglalaro ng Resident Evil 6. "Aaahhh... Kaya pala pumunta ka dito, para makatipid ka sa kuryente mo ano?" pahapyaw ko, "Eh mag-isa nga lang ako dun eh, ang boring kaya kapag mag-isa ka sa bahay, kaya lumalabas labas din ako sa lungga ko kahit papano..." depensa niya saken. "Asus! Eh iiwan din naman kita mag-isa dito ngayon ah!" kantyaw ko, "Babalik ka naman siguro agad dito di ba? Bahala ka! Pag hindi ka bumalik agad dito magbababad ako sa Xbox 360 mo, hahahaha!" biro niya. "Oh siya sige, bahala ka sa buhay mo, basta babalik din agad ako kaya stay put ka lang dyan!" paalam ko, "Ok sige, ingat na lang pre!" sagot niya.
Sa isang Coffee Shop, kung saan usapan naming magkikita kami ni Jane, naghintay ako, umorder ako ng isang Cafe Latte at isang slice Sans Rival cake habang naghihintay sa kanya. "Teka lang miss, gawin mo nang dalawa, may hinihintay kasi ako eh..." sabi ko sa dining crew, "Ok po sir!" sabi nung waitress. About 20 minutes na kong naghihintay, nang may lumapit sakin, "Hi Eulyssis! It's me Jane..." napatingala ako sa kanya, ibang iba sa lasing na Jane na nakita ko sa bar nung tumugtog kami, yung halos buhaghag na yung buhok sa kalasingan at puro pawis yung noo at leeg, ang ganda niya pala pag nag-ayos siya. "Kanina ka pa ba dito?" tanong niya saken, "Ahm, hindi naman kani-kanina lang, maupo ka, umorder na ko ng para sayo, di ko lang alam kung gusto mo yan?" sabi ko naman sa kanya. "Uy! Favorite ko to! Sans Rival cake! Thanks hah..." pasalamat niya, "Sure, your welcome..." sabi ko naman. "Alam mo gusto ko talaga humingi ng pasensiya sayo ng personal, saka gusto ko talaga kayong makilala lahat na kabanda ni Marvin, pero ayaw niya, ewan ko ba dun kung bakit? Dun kami nagkakilala sa Makati kung saan kayo madalas tumutugtog, ayaw niya na chinicheer ko siya at ayaw niya rin pag-usapan yung tungkol sa inyo na mga kabanda niya, kaya naisip ko, wala ba siyang kaclose sa inyo?" tanong niya, "Meron naman, si Robert, yung drummer namin, pero ganun talaga siya, madalang magsalita, madalang umimik saka laging tahimik, akala ko mababago yun pag nagtagal siya sa banda, pero hindi eh, kumbaga siguro inborn na yung ugali niyang yun?" paliwanag ko. "Pero alam mo ba, bago kami nagbreak minsan naging usap namin kung ano yung mas importante sa kanya, ako o yung banda niya, ang pinili niya kayo, kaya nasaktan ako ng husto at unti-unti niyang pinapadama na mas importante sa kanya yung pagtugtog kaysa saken kaya nagtataka ako kung bakit umalis siya sa banda ninyo" nagulat ako sa nalaman ko, sabi ko na nga ba, hindi niya talaga gustong iwanan ang pagbabanda, kaya kailangan ko siyang hanapin!
BINABASA MO ANG
Strum of my Heart
RomanceMusika ang aking buhay, Mahilig akong makinig, Kumanta, tumugtog At gumawa ng kanta. Sabi nila magaling daw ako mag-gitara at kumanta, Pero para sakin kulang pa yung kaalaman ko, Nang makilala ko siya, parang nakakapanibago, At dating halos paulit-u...