Verse 3: Text

22 3 0
                                    

Di naman ganun kalaki yung sinasahod namin bilang banda pero bawing-bawi naman yung pagod namin dahil dun sa mga tip. Overnight lang ang trabaho pero malaking pera agad pumapasok samin at nag-eenjoy pa kami sa pagtugtog kasi pare-parehas kaming hilig ang pagtugtog di tulad sa mga ibang kompanya na walo hanggang dose oras ng trabaho, pagod at stress. Masaya ako kasi tanggap ako ng mga tao bilang bagong bokalista ng banda tulad nang pagtanggap nila kay Marvin nung siya pa yung Vocalist namin. MWF [Monday, Wednesday and Friday] schedule namin sa isang bar sa Makati, at Saturday and Sunday naman sa isang bar sa Bulacan. May dalawang araw na off, na ang madalas ko lang gawin ay matulog at kumain di tulad nila Mike at Robert na palaging nasa galaan, si Leonard? Sus! Saksakan ng kuripot yun! Bihira lang sumama sa mga gala yan kasi iniisip niya agad yung gastos. Nag-iipon siya sa banko kasi gusto niyang magtayo ng sariling negosyo at hindi niya sinasabi samin kung anong klaseng negosyo yung binabalak niya at ang paghahawakin niya nun, yung bunso niyang kapatid na lalaki na katulad niyang kuripot din. Ayaw niya raw iwanan yung banda, masaya daw siya na lagi niya kaming kasama pwera na lang sa mga gastusang galaan. Halos kilalang kilala ko na mga kabanda ko, si Robert, praning yun! Mahilig siya sa mga kasiyahan, masayahing tao, isip bata at mahilig mangolekta ng mga action figure at mga comic books. Si Mike naman, siya na yung tumatayong manager namin, bossy yung taong yun. Madalas idea niya yung nasusunod tapos add-ons na lang yung sa amin, parang ama na rin namin siya kasi siya yung may pinakamaraming words of wisdom. Magaling siya magpayo, mayaman siya sa payo, pero pag siya na yung nasa sitwasyon, dun siya nagiging tanga.

Si Robert saka si Mike lang yung may mga may girlfriend sa'min, wala pa sa planong manligaw ng kung sinuman si Leonard kasi wala pa naman daw siyang napupusuan, kalakip na dun yung dahilan niyang magastos din daw kapag may girlfriend ka. Alam ko yun, kasama rin naman talaga kasi ng effort yung gastos, nagkaroon na ko ng girlfriend eh... Pag monthsary niyo, ide-date mo siya, gagala kayo, pagsundo at paghatid pauwi pa lang gastos pamasahe na yun eh. Ireregalo mo pa sa kanya, tapos kakain kayo sa labas, at kapag inatake pa isa sa inyo ng libog siyempre magla-lodge kayo o kaya motel. Tapos iiwan ka rin pala pag nakakita ng mas gwapo sayo, anak ng teteng naman oh! Nagiging bitter na naman ako wooohhh! Off ko ngayon, araw ng martes, mag-aalas onse na pero nakahiga pa rin ako sa kama, di na ko nakapag-almusal bale yung iluluto ko ngayon agatang na, agahan + tanghalian = agatang! Cellphone agad dinampot ko paggising ko, nagtext si Robert, "Pre, sama ka? Punta kami MOA ni Mike kasama mga gf namin, text ka na lang hah..." sabi ko na nga ba eh, gagala na naman kayo, mareplyan nga muna, "Pasensiya na mga pre, tinatamad ako eh, next time na lang, may aasikasuhin pa kasi ako eh... [kahit wala]" reply ko sa text niya. Oh! Si Leonard, nagtext din! "Pre, punta ako dyan sa inyo hah, dala ako ng mga bala ng X-Box 360, boring dito sa bahay eh, wala akong kasama" paalam ni Leonard. "Sige pre, dito lang naman ako sa bahay eh,  nasa galaan na naman sila Mike, di ako sumama, tinatamad ako" oh ayan! Message sent! Si Mama, nagtext din "Anak, kamusta ka na dyan? Bihira ka lang pumasyal dito ah? Lagi ka hinahanap ng lolo mo, sumilip ka naman minsan" sumisilip naman ako eh, yung nga lang minsan lang. May isa pa! Number lang? "Hi Eulyssis! Gusto sanang humingi ng pasensiya yung tungkol sa kagabi, nakuha ko yung number mo kay Cris, si Jane to...". Natameme ako sa huling text na nabasa ko! Si Cris yung pinagbigyan ko ng number ko pero si Jane yung nagtext, yung taong gusto ko talagang makausap tungkol kay Marvin.

"Pre, may balita na ko kay Marvin" sabi ko kay Leonard, nasa bahay na siya, naglalaro kami Marvel vs Capcom 3 sa sa X-Box 360 ko. "Pare, hayaan mo na si Marvin, posible lang naman na dahilan niya sa pag-alis niya sa banda natin eh malamang magsolo artist yun, marunong din yun mag-gitara kahit papano" paliwanag ni Leonard. "Yun nga rin unang inisip ko eh, pero siyempre may pinagsamahan pa rin naman tayo nun noh? Saka wala siyang valid reason kung bakit ba talaga siya umalis"  depensa ko. "Alam mo pre, sa tingin mo ba masaya pa siya sa ginagawa niya kasama tayo? Pag nag-iinuman tayo, nagtatawanan nagbibiruan nag-gagaguhan pero yung pagmumukha nun parang pinaglihi sa sama ng loob, laging nakasimangot, kaya pabayaan mo na siya pre, respetuhin na lang natin yung desisyon niya, babalik at babalik naman siya kapag namiss niya tayo eh, ayun ay kung mamimiss niya ba tayo?" mahinahon na eksplikar ni Leonard. May point siya, masyadong bihira yung mga katulad ni Leonard eh... Yung man of few words, yung tahimik at di gaanong nagsasalita, yung hindi sumasakay sa mga biruan, pero nababahala pa rin ako kung gaano ba talaga kalalim yung samahan nila ni Jane at nagpakalunod yun sa alak after ng break up nila.

"Teka pre! Naaalala mo ba yung kagabi? Yung may isang costumer na nagsisisigaw na boyfriend niya raw ako?" tanong ko Leonard. "Aaahhh... Oo, yung lasing? Wag kang mag-alaala, kinakantyawan ka lang namin kagabe na may lasenggera kang girlfriend, hahahahaha!" biro niya, "Baliw! Hindi ganito kasi yun, alam mo ba yung babae na yun, ex-girlfriend ni Marvin yun at kaya siya lasing na lasing kagabe, kakabreak lang daw nila, yun yung sabi ng kasama niya" paliwanag ko. "Aaannnooooo!!!!!???? Nag-girlfriend siya ng ganung klaseng babae? Gumagawa ng eksena pag lasing!? Hahaha! Alam mo pare, yan na yung pinakanakakatawa mong joke" sabi niya, "Gagsti! Seryoso, di to joke ano ka ba!? Gusto mo kausapin mo pa si Jane" sabi ko naman. "Di ako interesado pre, hayaan mo na nga sila, problema nila yan, labas na tayo dyan, tara maglaro na lang tayo, tignan mo oh! Natatalo ka na, puro ka kasi kwento eh" pagputol niya sa usapan. Siguro nga di ko dapat problemahin yung break-up nila at wala na rin ako magagawa kung iyon na talaga yung desisyon ni Marvin, na ayaw niya na magbanda, pero di ko alam, bakit parang yung simpatya ko na kay Jane, marami pa rin tanong na gumugulo sa isip ko.

Strum of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon