Verse 6: Bagong Pag-ibig ni Robert

16 3 0
                                    

Masaya ako sa ginagawa ko, ang pagiging drummer ko sa 'Music Knights' ay parang naging bahagi na ng buhay ko. Pero mula nung dumating si Dia, yung dating mundo ko na binuo ng mga kabanda ko, parang nadagdagan ng isang milyong amusement park na may ride all you can. Di ko naramdaman yun kay Theresa, masyado lang kasi akong naging atat magkagirlfriend kaya nag-take advantage ako sa kanya nung nalaman kong crush niya ako at lagi niya kong sinusubaybayan sa mga gig namin. Ako ang pinakabata sa banda namin kaya parang bunso yung turing saken ng mga kabanda ko. Marami pa kong gustong matutunan at kailangang matutunan pagdating sa larangan ng pag-ibig. Ayokong maging unfair kay Theresa kaya siguro kailangan ko nang sabihin sa kanya yung totoo. Alam kong masasaktan ko siya, pero gagaguhin ko lang yung sarili ko kung ipagpapatuloy ko yung relasyon ko sa taong hindi ko naman talaga mahal. Pero pano nga ba? Paano ko ba sisimulan yung mga sasabihin ko sa kanya? Naprapraning na ko kakaisip mag-isa!

"Hi Babe! Off mo ngayon di ba? Pwede mo ba kong sunduin sa school ng mga 5:30pm?" text ni Theresa, "Ok sige babe, puntahan na lang kita diyan mamaya, mayang gabi pa naman yung practice namin eh, basta text na lang ako sayo pag malapit na ko" reply ko. "Thank you babe! I love you much much! Hmwuah!" text niya saken, "Ok, love you too..." reply ko ulit. Yun na yung pagkakataon ko para makausap siya, kailangan ko nang tapusin yung kahibangan ko na to! "Hi Robert! Dun ba ulit kayo tutugtog sa Padis Point?" text sakin ni Dia, "Ahhh, oo, sa sabado saka sa linggo sa bulacan naman kami, punta ba ulit kayo?" usisa ko, "Oo, kami kami ulit magkakasama nila Jane, Cris saka Yanna, after work diretso kami dun..." sabi niya. "Sige hah, kita kits na lang tayo bukas! Salamat ulit sa pagbisita, hahaha!" reply ko, "Baliw! Oh siya, text you later, pabalik na ko sa work eh, bye!" paalam niya. Simple lang kamustahan namin, pero tutunog yung phone ko inaasahan kong text niya yung mare-receive ko, pero hindi eh, madalas kay Theresa pa rin. Iidlip na muna ako, maaga pa naman eh, hindi ko trip gumala ngayon kahit nag-aaya si Mike. Sinet ko yung alarm ng 5pm kasi malapit lang naman yung school nila Theresa eh, ok lang ma-late ako, minsan kasi hindi naman agad sila naglalabasan sa school eh. Medyo may hang-over pa kasi ako kaya gusto ko munang magpahinga saglit.

"Tutut! Tutut! Tutut!"

Yung alarm! Shit! 5:30 naaaaa! Napahimbing yung tulog ko! Nagmadali akong bumangon sa kama, nagsuklay lang ako tapos pulbos at sinara ko na mga bintana, nilock ang pinto tapos nagmadali na kong umalis ng bahay... Takbo Robert! Takbo! Sabay para ng Jeep, patay! Puno! Sasabit na lang ako, abot ng bayad, hanggang sa makarating na ko sa school ni Theresa, Asia Pacific College, nakita ko siyang naghihintay sa labas. Nilapitan ko siya na medyo hinihingal pa ko, "Bakit ngayon ka lang? Sabi ko di ba 5:30? Mag-aalas sais na oh!" galit na siya. "Sorry babe, napahimbing yung tulog ko eh, hindi ko namalayan, tunog na pala ng tunog yung alarm sa cp ko, sorry talaga..." paliwanag ko. "Alam mong pinakaayaw ko sa lahat ay yung pinaghihintay ako! Mukha akong timawang naghihintay dito ng kalahating oras tapos natutulog ka lang sa apartment mo? Nag-inom ka na naman ba kagabi hah Robert!" pasigaw na tanong niya. "Ano ka ba? Wag ka ngang sumigaw dyan, pinagtitinginan tayo ng mga tao oh! Sorry na nga eh, tara na, umuwi na tayo..." pagpigil ko sa pagmamaktol niya. "Wag na! Umuwi ka na lang mag-isa! Punyeta! Magtataxi na lang ako!" dabog niya, "Yan ang hirap sa'yo eh, puro ka reklamo eh, kanina pa nga ko nagsosorry nag-iinarte ka pa rin diyan! Konting pagkakamali lang kala mo end of the world na, kung puro ka ganyan maghiwalay na lang tayo!" shit! Di ko napreno bibig ko! Buwiset! Bahala na si Batman... "Eh di maghiwalay, sasayangin ko lang buhay ko kung yung katulad mong patapon ang buhay lang rin naman mapapangasawa ko! Gago!" sabi niya. Ayun na siguro pinakamasakit na insulto na natanggap ko sa buong buhay ko, hindi ko mapigilang maiyak kaya tumalikod na lang ako sa kanya at umalis, "Hoy Robert! Bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos!" pasigaw na sabi niya, hindi ko na siya nilingon at dumire-diretso na lang ako sa paglalakad at sumakay sa Jeep na dumaan habang naglalakad ako.

Pagdating ko sa apartment ko, naglagay ako ng ilang damit ko sa bag ko, pupunta muna ako kay Eulyssis para mag-unwind, kanina pa ring ng ring yung cellphone ko, si Theresa, nakakapitong missed call na siya at may sampung text din mula sa kanya, inoff ko cellphone ko para tigilan na niya muna ako. Umalis agad ako ng bahay, baka puntahan niya ko sa apartment ko eh, tama na siguro yung ginawa ko, saka na lang ako magpapaliwanag kapag malamig na yung ulo niya. Teka! May practice nga pala kami mamayang gabi!? Didiretso na muna ako sa studio! Baka andun na rin sila ngayon, mag-aalas syete na eh! Anak ng kalabaw naman yan oh! Takbo na naman ako papunta sa sakayan ng Jeep! Parang nakapag-treadmill ako sa gym ngayong araw na to kakatakbo ko ah! Galing pa naman sa ukay-ukay tong converse na sapatos ko kaya baka bumigay na to. Pagkababa ko sa Jeep, pumasok agad ako sa studio na madalas naming pagpractisan, hindi kami nagrerent ng studio, may sarili kaming pinatayong studio na naipon namin sa mga kinita namin sa pagtutugtog namin sa mga bar at restaurant kaya di na kami mamomroblema sa upa, kuryente't tubig na lang babayaran namin dito. Pagpasok ko sa loob, andun na silang lahat! Teka! Bakit may mga babae dito? Hala ka! Sila Dia at Yanna yun ah! "Oh, andito na pala si Robert eh! Tara na pre, let's get it on!" yaya ni Mike. "Manonood lang kami sa practice niyo hah, kaka-out lang namin ni Yanna sa work, mid-shift kami ngayon eh..." explain ni Dia. "Aaahhh... Ok, sige, salamat sa pagbisita hah..." nakangiting sagot ko, mukhang gaganahan akong tumugtog ngayon ah!

Strum of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon