Naging magkaibigan kami ni Jane, at palgi niyang bukambibig si Marvin, parang mas kilala niya si Marvin kaysa samin na mga kabanda niya kasi marami-rami na rin akong natutuklasan kay Marvin nang dahil kay Jane. Natawa ako sa kung anong mga ayaw ni Marvin at kung ano ang mga gusto niya, nanonood pa rin siya ng Tom and Jerry, takot siya sa mga naglalakihang gagamba, may alaga siyang scorpion dati na ang pinangalan niya ay Sakuragi, kinuha niya yung pangalan na yun sa isang sikat na anime noong 90's na ang pamagat ay Slam Dunk at nagluluto pala siya ng Chicken Adobo. Madalas nang pumunta si Jane sa mga Gig namin, nanonood, pagkatapos ng isang set, magkakamustahan hanggang sa yung mga barkada ni Jane at ang mga kabanda ko, madalas iisang table na lang kami nagsasama sama. Masaya kasi mga kalog din yung mga kaibigan ni Jane, sila Cris, Yanna at Dia, laging puno ng tawanan yung table namin pag kami kami na yung nagsasama. Kaya di ko inexpect nang dahil dun, may mga masisirang relasyon sa mga kabanda ko. Nagkagusto si Robert kay Dia at si Mike naman kay Yanna kaya unti-unti na silang nanlalamig sa mga girlfriend nila. Expect ko na kay Robert na madali niyang mapapalitan si Theresa kasi dalawang buwan pa lang sila eh, at dahil yung babae yung gumawa ng first move sa kanya, nag-take advantage naman siya, ewan ko ba dun? Pero si Mike, kalahating taon na sila ni Gladys, pero naattract pa rin siya kay Yanna. Di kaya dahil sa mas masaya sila kasama? Mga lalaki nga naman, teka! Lalaki nga rin pala ako noh? Hahaha! Di ko alam, kung bakit bihirang bihira lang ako pumasok sa isang relasyon.
Eto naman ang kakaiba, si Cris ang may gusto kay Leonard, pero ito namang kupal na si Leonard, mas iniisip pa rin ang pagtitipid. Nalaman ko yung lihim na pagtingin niya kay Leonard kasi sakin siya mismo humingi ng advice eh... "Eulyssis, sa tingin mo, ano ba yung mga tipong babae yung gusto ni Leonard?" tanong niya saken, "Alam mo Cris, di ko rin alam eh, kasi samin magbabanda siya pa lang yung hindi nagkaroon sa girlfriend although nakikita mong gwapo siya, saksakan kasi ng kuripot yan, lagi niyang naiisip yung makapagtipid, nag-iipon din sa bangko yan kasi gusto niyang makapagtayo ng sariling negosyo niya eh, minsan nga na inisip namin na baka bakla siya at babae yung gusto niya pero nalaman naming lalaki talaga siya kasi ano, uhmm, di ko alam kung inappropriate bang sabihin to sa isang babae eh..." katwiran ko. "Bakit? Ano ba yun? Nanonood siya ng bold ano? Hahaha!" biro ni Cris. "Hindi yun, may iba pa, basta! Di ko pwedeng sabihin, baka magalit si Leonard eh, sa kanya mo na lang alamin kung ano yun" pambibitin ko kay Cris, "Eeeehhh kasi naman eeehhh, andaya mo!" maktol ni Cris. Napansin ko pana'y ang tingin samin ni Jane habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan kami ni Cris tapos dumikit siya saken. "Eulyssis, para sa'yo ba? Ano yung mga tipo ng babae yung gusto mo?" nagulat ako sa tanong ni Jane, para akong nasa hotseat! "Eulyssis, tara na pre! Tugtog na tayo para sa 2nd set..." yaya ni Mike. Haayyy... Buti na lang, save by the bell, nakita kong nakasimangot si Jane nung paakyat na kami sa stage, bakit kaya?
Naaliw ako sa usapan namin ni Cris, nakakatawa naman kasi na magkakagusto pala siya sa isang lalaking ubod ng kuripot. Di katulad ni Jane na puro na lang Marvin, Marvin, oo nga may nalaman akong nakakatuwa tungkol kay Marvin pero kung puro na lang yun siyempre mauumay ka rin sa kinukwento ng kausap mo di ba? Tinugtog na namin yung mga request para sa 2nd set, karamihan sa mga costumers ngayon mga senti, may nagrequest ng 'Before I Let You Go' ng Freestyle, 'Pangako' ng Kindred Garden, 'I' ng 6cyclemind at kung anu-ano pang puro mga pang bigo. Mukhang tatamaan nito si Jane kasi alam ko namang di pa siya nakakamove-on kay Marvin eh. Nairaos ko na naman yung 2nd set namin, mukhang nasasanay na ko sa bago kong posisyon sa banda, kaya wala na kong problema. Bumalik na ulit kami sa table namin kung saan kasama namin sila Cris, "Galing talaga! Minsan nga turuan mo ko mag-gitara, hahaha!" kantyaw ni Cris, "Ano ba yan, kala ko ba naman yung pagkanta ko yung pinupuri mo? Hahaha!" sabi ko naman. "Ano ka ba!? Joke lang noh, di ka na mabiro, magaling ka talaga kumanta!" papuri sakin ni Cris, "Thank you! Thank you fans! hahaha!" biro ko naman. "Oh pare, may bago ka na namang fans!" si Robert tapos tawanan naman silang lahat, "Teka lang Eulyssis, di mo pa nasagot yung tanong ko sa'yo kanina eh... Ano nga ba gusto mo sa isang babae?" muling tanong sakin ni Jane.
"Simple lang naman yung gusto ko sa isang babae, yung kahit hindi kami parehas ng gusto o hilig, sinusuportahan niya pa rin ako sa kung ano yung gusto ko. Yung laging nakakaappreciate sa mga bagay na ginagawa ko para sa kanya, yung hindi na naghahangad sa kung ano yung wala ako na meron sa iba. Yung yayakapin ko kapag nagtatampo siya saken tapos sisikuin niya ko sa tagiliran ko, parang cute kasi tignan pag ganun magtampo yung isang babae para saken. Yung itetext ako kung nakauwi na ko pagkatapos ko siyang ihatid sa kanila, yung kahit wala akong wheels gusto niya pa rin ako samahan maglakad sa gilid ng kalsada kasi gusto niya kong makasama ng matagal. Yung ipagluluto ko ng pancake sa umaga at ipagtitimpla niya ko ng kape para ipares dun niluto kong pancake para sa almusal namin. Pero sa tingin ko mali yung maghangad ko o mag-expect ng kung anu-ano sa susunod mong magiging karelasyon, kasi kung gusto mo talaga yung isang tao, kahit yung mga negatibo sa mga ugali niya at mga imperfections niya mamahalin mo na rin, yun lang..." paliwanag ko kay Jane. "Ang swerte naman pala ng magiging gf mo, malawak yung pang-unawa mo, eh paano kung topakin yung magiging sunod mong karelasyon?" tanong niya, "Yun nga yung masarap lambingin eh, yung topakin, kasi uulit-ulitin ko siyang yayakapin kahit itulak niya ko, mawala lang yung tampo niya saken" sagot ko, "Ang weird naman nun?" pakamot na pagtataka ni Jane, "Kasi weird ako, hahaha!" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Strum of my Heart
RomanceMusika ang aking buhay, Mahilig akong makinig, Kumanta, tumugtog At gumawa ng kanta. Sabi nila magaling daw ako mag-gitara at kumanta, Pero para sakin kulang pa yung kaalaman ko, Nang makilala ko siya, parang nakakapanibago, At dating halos paulit-u...