Verse 2: My Drunk Fan Girl

19 3 0
                                    

Ayos na ang lahat, dumadami na rin yung mga tao, ready na kami para sa first set! "Pagdilat, ikaw agad ang hinahanap sa umaga, nasaan ka na? Malayo ka pa ba? Kay tagal ng yong pagbabalik... Minsan, nahuhuli ko ang sariling nakangiti, malayo ang tingin, malalim ang isip, kailangang magkitang muli" hanggang sa natapos ko ang first song ng first set namin, "Whoooo!!!! I love you baby! Boyfriend ko yan! Yung kumakantaaaaa!!!!!" sigaw ng isang babae dun sa gilid, "May girlfriend ka na pala pre! Di mo sinasabi, hahaha!" kantyaw ni Robert sakin. "Di ko kilala yun pre, wala pa kong girlfriend! Lasing lang yun! Grabe ka hah, lagi kang pumupunta sa bahay dapat alam mo yun..." depensa ko sa kanya. "Hahaha!" tawanan sila, "Tara na nga, tugtog na ulit tayo.." yaya ko, "I'm only one call away, I'll be here to save the day, superman got nothing on me, I'm only one call away" natapos ko na naman yung 2nd song song sa 1st set ng maayos, "Wooohhoooo!!! Boyfriend ko yan! Ang galing talaga ng baby koooo! I love yooouuuu!!!!" sumigaw ulit yung babae kanina. Teka!? Parang namumukhaan ko yun ah! Parang yun yung Jane na nakita ko sa C.R. kanina! 

May lumapit na bouncer sa lamesa nila, alam kong sinita yung kasama nilang si Jane, lasing na kasi yun, kaya sa tuwing mag-aatemp ulit siyang sumigaw, tinatakpan na ni Cris yung bibig ni Jane. After ng first set namin, lumapit ako sa table nila Jane, nakasubsob na siya sa lamesa kaya yung kinausap ko na lang yung kasama niya kanina na si Cris, "Uhm, Cris, I'm Eulyssis nga pala, salamat nga pala kanina sa pagpigil mo kay Jane hah... Sa totoo lang nahihiya na ko kanina eh, kasi kinakantyawan na ko ng mga kasama ko nung sinabi niyang boyfriend niya raw ako" pasalamat ko kay Cris. "Sorry ulit hah! Ako na humihingi ng pasensiya para sa kasama ko, kanina sa C.R. at ngayon dito naman, sandamukal na pasensiya talaga Eulyssis, ang galing mo pa naman kumanta" pumalakpak yung tenga ko sa narinig ko. Effective nga kong vocalist sa mga viewers, kaya lang awkward pa rin yung nangyari kanina nung sumigaw si Jane. Siguro may pinagdadaanan siya ngayon kaya siya naglalasing ng ganito, maraming tanong sa isip ko, kaya gusto kong makausap si Jane na hindi na siya lasing, alam kong mali mangialam sa buhay ng ibang tao pero hindi ko alam kung bakit sa kanya lang ako naging ganito kainteresado.

"Eulyssis, kakabreak lang kasi nila ng boyfriend niya eh, dati kasing vocalist din ng banda yun at lagi siyang nanonood sa mga gig ni Marvin" nagulat ako nang sabihin niyang pangalan na Marvin, "Si Marvin Asuna ba yung tinutukoy mo?" tanong ko agad sa kanya. "Oo, bakit? Kakilala mo ba siya?" tinanong din ni Cris saken, "Oo, dati namin siyang kabanda, siya talaga yung vocalist namin, tapos nagpaalam siyang aalis na siya sa banda kasi may aasikasuhin lang daw siyang importante pero di sinabi samin kung ano yun, after niyang umalis biglang di na namin siya ma-contact, eto number ko, pwede ba sabihan mo ko pag nagkaroon ka ng balita sa kanya?" inabot ko sa kanya yung kinuha kong tissue sa lamesa nila kung saan sinulat ko yung cellphone number ko. "Ok sige, babalitaan na lang kita pag may nalaman ako, sa ngayon kasi wala rin akong contact sa kanya eh, baka nagpalit na ng number yun" paliwanag niya, "Sige, salamat Cris..." pasalamat ko sa kanya. Malihim si Marvin sa amin, wala siyang pinakilalang girlfriend sa amin, pagkatapos kasi ng bawat gig namin bigla na lang siyang nawawala, pag nagkakaroon nga ng kasiyahan ang buong banda tahimik lang siya, hindi gaanong nagsasalita. Parang ugali niya na yata yun kaya siguro wala siyang ibang mga kaibigan bukod sa amin, pero parang hindi kaibigan ang turing niya sa amin kasi puro trabaho lang importante sa kanya, yung kumita lang siya ng pera, ewan ko ba dun, para siyang may sariling mundo. Pero kahit ganun siya, gusto ko pa rin siya bumalik sa banda namin, kakausapin ko na lang sila Leonard tungkol dito, bahala na.

Pagkatapos ng break, bumalik na ulit kami ng stage, 2nd set na! Kapag 2nd set na, bumabaha na ng request sa stand ng lyrics sheet namin, kalakip ng request na yun na nakasulat sa tissue na galing sa table ng mga costumer, nandirito na rin yung tip nila, iba't ibang kulay ng pera. Kada buklat ko, kakantahin ko isa dun sa mga request sa nakasulat sa tissue, di kasi pwedeng kantahin lahat yun sabi ni manager kasi konsumo sa oras at pagod. Kung ano yung kaya namin at alam namin, yun yung tinutugtog namin. At bawat kanta ko, binubulsa ko na yung tip, at paghahati-hatian na lang namin sa backstage, nagulat ako sa isang request ng costumer na may nakasulat pang dedication, [Set You Free by Side A dedicated to Marvin from Jane] binasa ko yun sa Mic at hiyawan naman yung mga tao, lasing na siya pero nakapagsulat pa rin siya ng request. "We often fool our-self and say, that it's love only cause when it's gone we end up, being lonely, so how are we to know, that it just isn't so? That we just have to let each other go, there were many times, when we share, precious moments but later realized that they were only stolen moments, so how are we to know, that it just wasn't so, that we just have to let each other go, if loving you is all that means to me, for being happy is all I hope you'd be, if loving you must mean, i really have to set you free" ramdam ko yung meaning ng kanta, kaya inisip ko nasaktan siya ng husto sa paghihiwalay nila ni Marvin. Naramdaman ko na rin kasi masaktan dati, kaya ramdam ko pinagdaraanan ni Jane ngayon.

Strum of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon