Chapter 9: I'll miss you

26 5 2
                                    


Aiden's P.O.V.

-----(.--.)-----

Andito kami ngayon sa room. Walang teacher kaya ayun napagdesisyonan naming lahat na ilagay lahat ng mga upuan sa gilid para lahat kami sa may gitna nakaupo. Normal na section lang kami, may maingay, may tahimik. May bully, may nabubully. May mga mapang-asar so syempre hindi mawawala ang mga pikon no. May mga weirdos, pati book worms. Meron din namang may sariling mundo. May mga pabebe, meron din namang mga breezy.May mga nag-aala clown para lang makakuha ng atensyon. So, syempre hindi mawawala ang mga wagas kung makatawa, pero yung iba naman akala mo si Maria Clara dahil sa hinhin ng pagtawa. Iba't ibang klase ng tao pero nabuo at nagging solid sa loob ng sampung buwan. Ang bilis naman ng panahon. Akalain mong gagraduate na kami? Sobrang dami na naming pinagdaanan. Mga asaran na nagging dahilan ng mga pikunan. Mga PBB teens na makapag PDA pwedeng pwede ng langgamin sa sobrang sweet. May Mga ligawan rin, kaya hinding hindi mawawala ang mga pagpapakipot at mga nabusted. May mga nabuong iba't ibang squad. Syempre mawawala ba don ang mga plastikan? ASA ka naman. HAHAHAHA. Pero syempre meron din namang solid na squad. SQUAD GOALS ika nga. Marami akong mamimiss sa highschool life ko. Simula sa pagpipigil ng antok sa history. Pagiintindi sa symbols ng math. Pagmememorize ng kung ano anong parte ng katawan sa science. Mga salitang halos di mo na mabasa at maintindihan sa English. Yung mga pinagdaanan ni Don Juan at Donya Maria makuha lamang ang happy ending nila. Kasama na si Florante at Laura diyan pati na rin ang Romeo and Juliet. Syempre mawawala ba diyan ang thesis sa Research? Kung pwede lang e. Ilanga raw ka rin hindi maka tulog ng ayos dahil sa paperworks na yan. Isama mo pa ang mga unsuccessful experiments nyo ng grupo mo. Haaaaaaaaaaaay. Mawawala ba ang defense? Kung pwede lang nasana wala na lang talaga. yung mga terror kong teachers, di ka lang makapagpasa agad ng project mo e, deretso guidance na agad. Bait no? Nalate ka lang ng konti sa klase halos maputol na yung ugat niya sa leeg kakasigaw sayo. Pero pag siya nalate okay lang. Haaaaaaaaaaay. Buhay nga naman napaka unfair e. Yung pag pasok niyo ng canteen ng tropa niyo e tawanan ng tawanan kaya ayan si ateng naglalagay ng pagkain ansama ng tingin sainyo. Yung pag uwian na, akala mo pag narinig niyo na yung bell ay yung mga kaklase mo akala mo mga nanalo sa lotto at nakawala sa kani-kanilang hawla sa loob ng mahabang panahon. Partida, magtutulakan pa yan sa pag labas ng room akala mo e may hinahabol na deadline ang bawat isa. Di ko akalaing ang dating kinaiinisan  ko at  gusto ko na agad matapos ay siya mismong ayaw kong mawala sa ngayon. Na sana tumagal pa kahit saglit. 1 week na lang graduation na. 1 week na lang at magkakahiwahiwalay na kami. Kanya kanya na naming tatahakin ang iba't ibang landas. I hope kaya kong ibalik ang oras at gumawa ng mas marami pang happy memories kasama sila.

"Hoy Aiden ang lalim ata ng iniisip mo ah?

Tignan mo tong babaeng to kung saan saan nasulpot parang kabute. Tss. Mga Gonzales nga naman, Hindi mo malaman kung kailan susulpot at kung kailan ka rin iiwan.

"Magsalbabida ka na

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. HAHAHAHAHAHAHA. Ma-joke time nga to.

"huh?

"baka malunod ka sa lalim ng iniisip ko.

"HA-HA-HA nagjojoke ka ba?

"obvious ba?

"ay ganon. Nagjojoke ka pala. Next time bago ka magjoke, inform mo muna ako ha? Para naman matawanan ko yung tinatawag mong joke.

Grabe talaga tong babaeng to. minsan na nga lang ako magjoke ayaw pa akong soportahan. Kahit babae to sasapukin ko na ito.

"grabe siya oh. Gagraduate na tayo e ganyan ka pa rin.

"wow ah. Nagsalita ang gagraduate na rin. Gagraduate ka rin pala no? akalain mo yun, gagraduate ka na e waley pa rin mga jokes mo.

"wow rin ah. Gagraduate ka na rin pero di ka pa rin nagiging mabait sa BESTFRIEND MO.

"Neknek mo, mabait na nga ako sa lagay na to e. Kapal mo. Ikaw nga diyan e

"ako nanaman. Ako na lang lagi.

"wala pa akong sinasabi andami mo ng nasabi. Buti nga ikaw. Ikaw na lang lagi. E ako? Kailan magiging ako?

"ay naks. Hugot yun ah e ako? Kailan naman magiging ako? Iba ka na! san site mo yan nakuha?

"nyemas ka! Saakin galling yon.

"aay. Akala ko naman sa twitter. HAHAHAAHA.

*PAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK*

"aray! Grabe ka! Bakit ka ba nananappok ah?

"kailan ka ba magiging matino? Lagging tagalid pag-iisip mo ah.

"at least yung akin tagalid, yung sayo baluktot.

"Litsi ka.

"huh? Di ako bigas ah! Kagwapo ko namang bigas. HAHAHAHAHAHAHA

"Corny mo talaga! MAKATAWA ka dyan.

"nakakatawa naman kasi talaga.

"Ay. Nakakatawa na pala yon sa lagay na yon? Sabi ko naman kasi sayo e i-inform mo muna ako bago ka magjoke para naman maiready ko na yung sarili ko sa pag tawa. Mukha ka kasing tanga dyan e, natawang magisa

"At least ako kaya kong maging masaya ng mag-isa

"oo nga e. buti ka pa. Sa pagiging masaya mo ng mag-isa ka lang nag mumukha ka ng lokaloka. Ano pa-mental na ba kita?

"Hindi porket masaya baliw na

"Ay oh. Wala akong sinasabing baliw ka ah. Ikaw may sabi niyan.

Minsan napipikon na rin talaga ako sa babaeng to. Ang galling mangbara mga tsong! Sa sobrang galling gusting gusto ko na siyang sakalin. Pigilan niyo ko. Pigilan niyo ko. Haaaaaaaaaaaay malay ko ba sa babaeng to kung saan nagmana. Yung mama naman niya mahinhin at mabait same as Christine, yung papa naman niya bagama't seryoso mabait rin naman. E bat ito? Naubusan na ng bait ganon? Nung nagpaulan ang diyos ng kabaitin tulog na tulog siguro to no? Jusme sa kung anong ikinahinhin ni Christine ayun ang ikina ingay ni Kirsten. At kung sobrang supportive si Christine saakin noon, ito naman kulang na lang i-down na talaga ko. Grabe ang bad bad Bestfriend talaga nito.

"Alam mo ikaw, di ko na malaman kung kanino ka ba talaga nag mana, lahat naman kasi sila mabait saakin e.

"well, unique ako kaya ganon!

Tignan mo tong babaeng to. kung ano anong nalalaman na salita may unique unique pang nalalaman. Take note binelatan pa niya ako ng parang bata ah! Haist! Ang childish talaga niya kahit kailan! Well, What do I expect? Ganyan na ata talaga yan since birth. Pero masaya ako para sakanya. Slowly bumabalik na siya sa kung sino talaga siya dati.


~


A/N: ang sabaw ng chapter natooooooooo. HAHAHAHA. Sorna. Pinilit ko lang kasing tapusin itong chap na to. mal na mal ko nagbabasa nito :************ HAHAHAHAHA. Yun lang. Ciao!


'Til the right timeWhere stories live. Discover now