Chapter 1: Sana♚

107 10 2
                                    

Nakakapagod pala magmahal ng taong hindi mo alam kung para sa iyo ba talaga. Sobrang hirap magmahal ng wala ka namang kasiguraduhan sa dulo na magiging kayo. Pero bakit sobrang hirap bumitaw? Ang hirap mag give up sa taong sobrang mahal mo. Sa taong inaasahan mo nang makakasama mo habang nabubuhay ka. Sa taong ginawa mo na ng mundo mo.

Ahh..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Eto pala yung tinatawag nilang katangahan. Stupidity in english. Pero kahit anong lengguwahe pa man yan iisa pa rin naman ang meaning eh.

"Sana lahat ng tao may sign no? Nakalagay dun sa sign na yun kung para kanino siya meant forever. Para kahit papaano may assurance ka na para kayo sa isa't isa. Na pagbalibaliktarin mo man ang mundo, kayo pa rin. Walang eepal kasi bawat tao meron ng tao na nakatakda na makasama nila forever. Kaya wala ng kailangan pang mangaagaw di ba? Sana ganun na lang talaga....

'Sana.

"Pinagsasabi mo diyan? Nababaliw ka na ba ng tuluyan dahil sa math?!

ay potek. Nasabi ko na pala yung nasa isip ko. Math class kasi namin ngayon. At nagdidiscuss yung prof namin about something. At dahil wala nga akong ganang makinig kung ano-ano tuloy pumapasok sa utak ko. (Face palm)

"Tange. Di ako nababaliw dahil sa math no. Sa pag-ibig pwede pa.

"Sira ka talaga. Mas malala pala yang kinababaliwan mo eh. Hahaha.

Matagal na akong sira. Love ruined me. And still ruining me.

"Tss. Makinig ka nga lang kay sir. Pag ikaw walang naintindihan dyan tignan mo parehas tayong babagsak nyan eh.

"So gusto mong makinig ako para may magturo sa iyo?

"You got it.

"Ano ka chix?!

"Don't state the obvious. Nakakaflatter.

"Ahahahaha. Ay grabe bigla atang lumamig sa room mas lalo pa atang lumakas ang aircon?

Walanya talaga to. Ngayon na nga lang nagiging over confident ayaw pa akong suportahan. Bestfriend ko ba talaga to? Haha

"Whatever

"Hahahaha. Taloooo! Bleh! Di mo talaga magawang manalo sa asaran saakin ano? Pikon kasi! Pikon! Belat!

"MR. FONTANILLA AND MS. GONZALES GET OUT OF THE CLASSROOM NOW!!!

what the hell?!

*pagkalabas ng room*

Todo palo ako sa mga braso ng fontanilla na to.

"Hoy ikaw Aiden Fontanilla napaka daldal mo talaga. Pwede naman kasing dumaldal eh kaso sadyang nakalunok ka talaga ata ng megaphone at sobrang lakas ng walanghiya mong bunganga.!

Pinapalo ko pa rin siya. Bwiset na to.

"Arayy! Ouch! Napaka amazona mo naman. Grabe! Pag lang talaga nabali braso ko sa pinaggagawa mo ah.

"Nagapatawa ka ba? Mababali? Ano ka barbie doll? Bwiset ka talaga. You and your big mouth! Alam mo bang first time kong mapalabas ng room ha?!

Pasalamat siya nasa klase pa ang ibang mga estudyante kaya walang masyadong nakakakita sa eskandalong ginagawa ko. Kahit na naglalakad na kami papuntang cafeteria di ko pa rin itinitigil ang paghamas sakanya. Aba! Kulang pa kaya yan.

"Grabe ka naman makareact akala mo naman running for valedictorian ka. Atsaka wala ng ipinagbago kahit andun ka sa room o wala kasi di ka rin naman makikinig no. So nonsense din ang pag iistay dun no. Kaya pasalamat ka na lang saakin. I save you from the depths of hell.

'Til the right timeWhere stories live. Discover now