Chapter 14: goodbye for now

10 2 0
                                    

Kirsten P.O.V.

Pagkatapos ng mga rebelasyon na nalaman ko kahapon,

Buo na ang desisyon ko na pumunta na lang sa New York at makasama ang papa. Baka nga sakali sa pagsama ko kay papa ay masagot na ang iba pang mga tanong sa sarili ko. Doon ko na rin siguro ipagpapatuloy ang pag-aaral ko.

I held my pride for too long. Alam kong independent na ako at sanay nang mamuhay ng wala ng patnubay ni papa. Pero baka nga kinumbinsi ko lang ang sarili ko na independent talaga ako. Because deep down inside me, I still wanted to be taken care of, to be pampered, to not live alone. I still need a guidance of a father after all.

Baka nga totoo na immature pa talaga ako sa pag-dedesisyon, sa pag-iisip, sa pag-sasalita, sa pag-hahandle ng mga sitwasyon.

"Masaya ako na binigyan mo ng pagkakataon ang papa mo.

Bahagya akong napangiti. Sinasamahan ako ni Manang fely na mag-impake ngayon.

"Well, something's telling me that I'll find myself again when I start from the very beginning.

At saan ba ako magsisimula? Syempre sa pamilya ko. Baka sakaling matutunan kong ibalik ang dating ako.

"Kailan pala ang alis niyo?

"Anytime.

Paano ba naman kasi, nang sinabi ko kay papa na pumapayag na akong sumama sakanya papuntang New York ay bigla nitong sinabi na matagal na palang nilalakad ang mga papers ko. Matagal na akong may passport at may interview na lang ako sa embassy bukas para ma-approve ang visa ko.

Now, I can feel how much my papa wanted me to be with him again. Ayusin ba naman ang papeles ko nang hindi ko alam?

It's my advantage though, hindi na hassle para sa akin. I can't deny, natutuwa ako sa pag-aasikasong ginagawa ni papa para sa akin. I missed that feeling.

"Kailan ang plano niyo?

"Kapag naayos agad ang visa within a month, I'll go.

"Nakapag-paalam ka na ba kay Aiden?

Napabuntong hininga ako nang maramdaman ko ang kaunting pagpiga sa puso ko. Dahil bigla kong naisip ang kaisa-isang taong maiiwan ko si Pilipinas.

Si Aiden.

Ni hindi pa nga ako nakakapag-paalam sakanya. I love him. I always do. Pero siguro kailangan ko lang mag-mature talaga para matutunang ilugar ang mga dapat ilugar sa buhay.

Pero sa pagdating kaya ng panahong iyon, nandyan pa rin si Aiden? Kahit paaano umaasa ako ng kaunting-kaunti, sana pagdating ng oras na naayos ko na ang lahat sa sarili ko ay nandyan pa rin si Aiden na naghihintay saakin like he used to do.

"Hindi pa po e.

"Kailan mo naman balak mag-paalam ha?

Nagbuntong hininga na lamang ako.

"Siguro po, ngayon na din. Pupuntahan ko po siya sa bahay nila. Medyo malapit lang naman ang bahay nila e.

"Pero paano mo sasabihin na aalis kana? Sa pagkaka-alam ko ang huli niyong pag-uusap ay mag-kaaway kayo ah.

Tama si manang, how? E kahit pag-amin hindi ko pa nagagawa e. Dahil na rin siguro sa galit ko sakanya nung mga oras na yun ay nakalimutan ko kahit sandali na may nararamdaman pala ako sa lalaking yon.

"Bahala na po si Wonder woman

Kumunot naman ang noo ni manang

"huh? Di ba dapat batman yoon?

'Til the right timeWhere stories live. Discover now