Chapter 6: His side

26 5 3
                                    

Aiden's P.O.V.

She's acting weird right now. I know there's something wrong.
Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Ikaw ah! Naninibago na talaga ako sayo. May paholding-holding hands ka pang nalalaman ah! Yieeee♥♥♥ sabihin mo lang kung gusto mo ko.

Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Grabe ka! Hinawakan ko lang ang kamay mo andami ng pumasok sa isip mo! Pakshet ka!

Bibitawan na sana niya ang kamay ko kaso hinila ko siya.

"Oh bat mo tatanggalin?

"Oh bat mo ko hinila? Andami mo pang reklamo mo kanina. gusto mo rin naman pala. Sabihin mo lang rin kung gusto mo ko.

Banat naman niya. Loko to ah. Tinatanong mo ng maayos tas tanong din isasagot sayo.

"Alam ko naman kasing gustong gusto mong hawakan ang kamay ko. Pakipot ka pa. Hahahaha

Biro ko sakanya.

*PAAAAAAAAAAAAAAK*

"OUCH! grabe ansakit noon!

Sadista talaga nito. Ansakit manapak. Hinimas himas ko naman ang ulo ko sabay pout sakanya.

"Andami mo pa kasing sinasabi eh! Kesyo gusto ko at Pakipot ako. Pero gusto mo rin namang hawakan ang kamay ko! Walanya ka talaga!

*PAK*

*PAK*

*PAK*

*PAK*

*PAK*

"Aray! Grabe ka naman oo na ! Gusto ko ng hawakan ang kamay mo. Happy now? Satisfied?

Tumigal naman siya kakapalo sa akin.

"Oh bakit ka natahimik? Ikaw ah. May secret desire ka talaga sa akin no. Hahahaha.

Kaso natahimik rin ako nung biglang naging seryoso ang mukha niya.

"I just want this day to be so special to the both of us. I want us to try the things we are not use to do so. So please just for once, don't be childish.

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Seryosong seryoso siya. Ano ba talagang meron sakanya?
"Ok fine.

Ayun na lang ang nasagot ko sa kanya. Magkahawak kami ng kamay habang nililibot ang park. Walang nagsasalita pero sobrang calming ng atmosphere. Habang tinignan ko siya habang naglalakad, di ko maiwasang makita sa kanya si christine. Magka mukhang mag ka mukha sila. Lalo na kapag tahimik lang si kirsten. Hindi kasi pala salita si christine di katulad ni kirs na sobrang daldal. Pero ni all fairness I think I like kirsten more.

"Aiden.........

"Hmmmm???

"After this day, promise me walang magbabago sayo ah?

Huh? Ano ba talagang meron?
Bakit parang-------

"Hala, bat ka naiyak?

Pinunasan niya naman agad yung mga luha niya.

"Ha? Nako. Wala lang to. Napuwing kasi ako bigla. Hahaha.

Nginitian niya naman ako after. Pero bakit parang hindi lang siya Napuwing? I know may problema siya, But there's something na naghohold back sakanya para sabihin iyon.

"Really?

I ask sounding so Sarcastic about it.

"Yeah. Tara, upo tayo doon sa may swing.

'Til the right timeWhere stories live. Discover now