Chapter 11:

10 2 1
                                    


Kirsten P.O.V.

Hindi ako mapakali. Bwiset na lalaking yon! Hindi ako pinapatulog. Kahapon ko pa ito pinag-iisipan e. Simula nung nasa kotse niya kami.

"BAKIT BA LAGI MO NA LANG SINISI SARILI MO HA?! HINDI MO BA NAIISIP NA MAY TAONG NASASAKTAN PAG NAGKAKA-GANYAN KA?! NA MAY TAONG HANDANG SALUHIN LAHAT NG KALUNGKUTAN, WAG KA LANG MALUNGKOT. NA MAY TAONG LAGI LANG NANDYAN KUNG KAILANGAN MO NG TAONG MASASANDALAN. NA MAY TAONG HINDING HINDI KA IIWAN KAHIT ANO MANG MANGYARI. NA MAY TAONG NASASAKTAN PAG NAKIKITA KANG GANYAN KAMISERABLE

"Sino naman yung taong yun ha? Yung nag-iisang taong kilala kong ganoon wala na, patay na siya, at dahil iyon saakin. Wala na si ate. Wala na yong taong yon. Wala na siya. Napaka walang kwenta ko kasi.... Bakit ba kasi antanga tanga ko e.

"Kirs......... hindi naman siya yung taong tinutukoy ko e!

Kumunot naman ang noo ko.

"I'm referring to myself. Yung taong tinutukoy ko, andito lang oh. Nasa harapan mo na. Ang problema siyo napaka manhind mo. Nang dahil lang sa nasasaktan ka ng sobra sobra hindi mo na nakikita ang nararamdaman para sa'yo ng ibang tao. Sa sobrang pag protekta mo sa sarili mo, Hindi mo na napapansin yung nararamdaman ng ibang tao para sa'yo. Stoning your heart won't make you strong. It will unconsciously make you weak.

That made me really speechless. Na hanggang sa kotse ay wala ako sa sarili ko. Nawindang ako sa indirect na pag-sabi niya sa akin na gusto niya ako. Or am I just assuming? Hindi talaga ako makatulog ng dahil dyan. Paano ba naman kasi, aamin na nga lang yung sa ganung sitwasyon pa. Haaaaaaaaaaaay.

Naka-harap ako ngayon sa salamin. Kahit na isang araw pa lang akong walang tulog. Halatang-halata na ang eye bags ko dahil sa kutis ko. Tsk.

"Paano ba ito? Kung tanungin ko kaya siya?

"Eh wag na. Pagtatawanan lang ako non e.

"Pero at least nalaman ko kung gusto niya ba talaga ao o hindi.

"eh paano kapag hindi niya ako gusto? Edi nag-mukha akong assumera? Ayoko nga non! Parang na-reject na rin ako kung ganoon nga ang mangyayari.

"eh malay ko naman kung gusto niya ako di ba. Mas mabuti ng masaktan sa katotohanan kaysa maging torpe.

"Eh kasi naman e. Siya ang lalaki kaya dapat siya ang umamin no!

"eh ano namang aaminin niya? Na gusto niya ako? Kapal naman ng mukha ko para umasang gusto niya talaga ako.

"Pero kase wala namang masama kung aasa ka. Yung ibang tao nga hharap harapan ng niloloko at lahat lahat pero na-asa pa rin eh.

"Ibang tao yon! Hindi naman ako yon e. I can't stand being rejected. Ansakit kaya non!

"So anong gusto kong mangyari? Na hanggang kaibigan na lang ganon? At least hindi ka na na-reject, nakakasama mo pa araw-araw.

'"Eh paano naman pag nagkaroon na siya ng girlfriend? For sure maraming mag-kakagusto don. Parang hindi na ata kailangang manligaw ng ungas na yon e.

"Kapag nagkataon na nagkaroon na siya ng girlfriend, bilang best fried niya kailangan ko siyang soportahan at maging masaya para sakanya kahit na labag man sa loob ko.

"Eh paano pag nag-selos ko? Eh wala naman akong karapatan e. Kasi nga bestfriend lang ako. Kaibigan niya lang ako.

"eh ano namang gagawin ko kung ayaw ko nga na ako ang unang umamin? Hintayin siyang magtapat ganoon?

"Jusme. Eh paano naman pag wala naman talaga siyang ipagtatapat? Edi para lang akong naghintay na pumuti ang uwak.

"True love waits no.

'Til the right timeWhere stories live. Discover now