Chapter 3: When past encounters.

44 7 0
                                    

Ang aga ko nagising. Walang pasok ngayon kaya napag-desisyonan kong mag jogging muna. Matagal-tagal na rin simula nung nalibot ko itong subdivision namin.

Na ka sports bra lang ako tas jogging shorts. Sinuot ko na rin yung skechers na running shoes ko. Ni ready ko na din yung earphones ko. At bago ako umalis ng kwarto ko tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Minsan talaga nahanga pa rin ako sa mukha ko. Lalong lalo na sa drop dead gorgeous body ko. Well sexy naman ako kaya ayos lang kahit ganito suot ko. Huminga ako ng malalim atsaka ngumiti sa harap ng salamin. Ready to go na.

Mga 1 hour na akong na takbo kaya na pag desisyonan ko na umupo muna sa mga upuan na nasa park ng subdivision namin. Antagal na rin pala simula nung nagpunta ako dito. It's good to be back. Napangiti ako sa mga naalala ko. Andaming maganda at masamang bagay ang nangyari sa lugar na ito. Dito ako natutong magbike. Dito din ako unang nasugatan dahil sa pagbabike. Masakit pero alam kong worth it. Dito rin ako unang nakakain ng street foods. Dito ako natutong maglaro ng mga larong kagaya ng piko,patintero,tumbang preso, tagutaguan, at marami pang iba. at higit sa lahat dito siya namatay. And I'll surely never forget that day of my life. That was suppose to be. Yung isang tao na yun na naging dahilan rin upang kamunghian ko ang lugar na ito. I smiled bitterly. Tss. And tanga tanga ko kasi eh. Kung sana Hindi ko na siya inaya noong araw na iyon Hindi na sana nangyari iyon sakanya. Saamin. Masaya pa din siguro kami hanggang ngayon.

"Kirsten?

Andito pa rin pala siya. I smiled at that thought.

"Hi kuyang nagbebenta ng pinaka masarap na ice cream!

cheerful kong bati kay  manong

"Hahaha. Ilang taon na rin ayan pa rin ang tawag mo saakin. Antagal mong nawala ah?

"Ah opo. Naging busy na rin po kasi sa mga school works.

"Ah ganun ba? Asan na pala yung boyfriend mo ha? Lagi ko yung nakikita na nandito kaso ibang babae ang kasama niya.

Mukhang na ka move on na talaga siya ah? I smiled bitterly. Ano bang sinasabi ko? Move on? Pano mag momove on yun eh hindi niya nga pala ako minahal. It's all just part of the act. Stupid act.

"Ah matagal na po kaming break eh. Mag waone year na rin po. Atsaka yung babaeng kasama niya baka naman bagong girlfriend niya

"Ay ganun ba iha? Pasensiya ka na hindi ko alam. Pero bagay talaga kayong dalawa. Mas maganda pa rin kita. Mas maganda ka nga dun sa babae eh. Mukha ngang maarte di tulad mo simple lang.

Natouch naman ako sa sinabi ni manong. Sana ganyan din ang iniisip niya. Ngumiti na lang ako kay manong atsaka nag paalam na mag jojogging pa ako. Natutuwa akong wala halos ipinagbago si manong. Buti pa siya di pa nagbabago.

Malapit na rin akong matapos sa pagjojogging ko ng nakita ko siya. Sigurado akong siya yun kahit na medyo pumayat siya. Totoo nga yung sinabi ni manong mas maganda ako sa babae. Tss. Di man lang pumili ng mas maganda kaysa sa akin. Sa bagay love is BLIND nga naman. Tatalikod na sana ako ng tinawag niya ako. Ok. Inhale. Exhale. Where your famous poker face Kirs.

"Yes?

Sabi ko and gave him the-anong-kailangan-mo-look.

"Remember me?

"Of course. Paano ko naman makakalimutan ang isang Bryle Montenegro?

Tinignan ko naman yung babae. Tss. Mukhang bisugo. Mas lalo lang umiinit ang ulo ko nang mas lalo pa niyang ikinapit ang braso niya kay bryle. Tss. Akala mo naman aagawin ko. Tss. Ahas na mukhang bisugo. Napansin naman ni Bryle na tinitignan ko yung kasama niya kaya ipinakilala niya

'Til the right timeWhere stories live. Discover now