CHAPTER 13 - ANXIETY

37 3 0
                                    

CAZE'S

Nang makita ko ang imahe ko salamin kanina sa salon, nagulat ako kung sarili ko ba talagang mukha ang nakita ko o guni guni ko lang?

Aaminin ko, sa tanang buhay ko ngayon lang ako naka punta sa salon para mag ayos, usually kasi gupit lang ayos na ako... pero ito? Nakaka boost ng confident daw kapag ma ganda ang inyong buhok, sabi nila... its your crowning glory...,

Ang gaan ng feeling ng pinuri ako kanina ng hair stylist first time ko rin pong ma puri ng ganon, yung opinion ng ibang tao, hindi galing sa kakilala mo kung di sa isang total stranger talaga.

Flashback....

"Miss, sa lahat ng inayusan ko ng buhok. Ikaw tong may gandang di mo inakala..." ngiting ngiti sabi nung stylist, wow parang rejoice commercial lang.

"Po? Anong ibig mong sabihin." Takang tanong ko habang pinagmasdan ko sya mula sa salamin.

"Di mo ba alam na maganda ka? Makinis ang mukha, angel face, maaliwalas ang aura, matangos ang ilong, mapungay na mga mata at natural na curve ng eyelashes, yung tipong tinatago mo ang ganda mo sa ibang tao, sa likod ng salamin mo at sa bonet mo."

"Grabe si ate oh, " nagulat ako actually, binibiro lang siguro niya ako. Ganun talaga... customer ako eh.

"Totoo yun, nako bata ka, pag maayos na natin tong buhok mo, wag kang mag susuot ng bonet, sumbrero or hood pero ok lang ang hood, i lugay mo lang yan... at higit sa lahat taas noong mag lakad, confident teh, sayang oh, total make over sana gagawin ko sayo, kaso parang di ka comfortable, buti nalang at nag paayos ka ng buhok, unti untiin natin yan makeover mo. "

"Ngayon lang po ko nag paayos ate, para matakpan tong sa noo ko." Ngiti ko.

"Nakakaganda ang ngumiti, kaya wag mong itago yang mala perlas mong ngipin sa braces mo miss. Ang cute mo lalo pag ngumiti ka." Dagdag niya pa, habang abalang abala sa buhok ko.

"Ate talaga.. nang bobola pa eh..." if I know tactics nya yon para di mabagot ang mga customers nila sales talk kung baga.

"Bata ka, ang hirap mong paniwalain...."

Flashback end....

Habang papalapit at binabaybay namin ang daan pauwi kasama sila Chippy at Kuya Xavi,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang papalapit at binabaybay namin ang daan pauwi kasama sila Chippy at Kuya Xavi,

kinabahan ako bigla, di ko alam kung bakit,

Pero gusto ko muna lumanghap ng hangin na presko, sumisikip ang dibdib ko.

"Can we stop for awhile...please kuya" anas ko habang nilingon naman ako ni Chippy mula sa harapan ng kotse.

"Why?" Si Chippy.

"Di ako maka hingga..."sabi ko bigla ng biglang ng preno si Kuya Xavi.

"Ano?" Si kuya Xavi sumigaw bigla.

Heart-Quake Kissed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon