CAZE'S
Gustong gusto ko nang sapakin yung unggoy na yon pero may dumating na namang isa sa mga kampon niya para ipag tanggol siya, akala mo kung sinong sinasamba ng mga kababaehan, tse!
Nakaka gulat lang, anong meron siya para ipag tangol ng ganon? Eh hiniwalayan na nga at pinagpalit o pinagsabay... playboy talaga. Ang ingot ingot nila, mga bobo talaga.
Mabuti na rin dahil kanina pa masakit ang kamay ko. Namamaga talaga, mahirap igalaw, bakit ko pa kasi tinangal yun, masakit pala.
Nag lakad na ako papalayo sa kanila ng may humatak sa kamay ko.
"Kanina ka pa namimilipit sa sakit dyan, halika ka sumama ka..." shit hinawaKan niya kamay ko? Seriously? Saan niya ako dadalhin? Hila hila niya ako ngayon, parang nag hoholding hands while walking kami sa lagay na 'to, DAMN IT... YUNG FIRST HOLDING HANDS KO... NINAKAW NIYA!!! Hala... gusto ko sa first boyfriend ko yun, at hindi ganito.. gusto sa beach.... ano ba yan.
"Oi, tika... Tucker... " oh my, his name, nasabi ko ba talaga yon? Damn it. Sabay hila ng kamay ko pero ang higpit talaga ng pagkakahawak niya.
"Ano sabi mo? Your calling my Name Nerd..." ngumiti siya na parang nakakaloko, praning siya, at kumindat pa. Bakit ganon? Ang gwapo niya sa lagay na yun? I hate this!!! Focus girl. "Coming from you, was different...naiiba ka sa ibang babae..." sabi pa niya.
"Bitawan mo ako, " pilit kong kumakawala sa mahigpit na hawak niya. Pero hindi talaga siya bibitaw.
"I heard your calling my name, that was sweet... its for the first time.. magandang pakinggan...hindi nakaka irita." he is teasing me right now, obvious naman sa ngiti palang and it kills me inside with disgust.
"You just misheard it, assuming ka..." gosh sana maka lusot, di ako maka tingin ng diritso sa kanya.
"Di ako bingi Nerd..." nilingon niya ako at ngumiti... hala... bakit ganito na naman? natulala ako bigla habang hilahila niya. Parang isa nalang akong sarangolang nag papatangay sa hangin.
Maraming nakakita kaya di na ako mag tataka kung kalat naman to sa social media.
Nasa clinic kami ngayon, pina check niya ang maga kung kamay.
"Kailan pa ito? Na hospital ka? Parang sa dextrose to eh." Sabi ng doctor.
"Last week, di sinasadyang matanggal ang dextrose sa kamay ko."
"Na hospital ka? What happened?" Kung maka react tong si Tucker, wagas.
"Ako ang doctor, boyfriend ka lang, kaya tumahimik ka." React ng doctor.
" Iba yong natangal lang sa pwersahang tinanggal... hindi kana bata para ma dislodge yung IV ng dextrose mo" sabi pa niya na mas lalong may pag ka wierd na tingin ngayon si Tucker sa akin.
"Hindi po, / Im not" Ako at Siya sabay.
"Hindi ko po siya boyfriend... malabong mangyari po iyon, at yang kamay ko, aksidenting na hila ko po, kaya ganon.." paglilinaw ko, pero ang totoo sinadya ko talaga yon para takasan sila kuya.
"Yan kalma, in denial kayo eh. Minsa ang hindi mo inaasahang malabo ay siya ring bobuo nang puso mo." Ang doctor, nakikipag biroan pa, may hugot pa talaga.
"Doc, hindi po ito talk show, walang showbiz dito... kaya gamutin nyo na po ako..at tsaka sa puso puso na yan... saging lang po ang may puso. " banat ko... akala mo ha maiisahan niya ako.
"Whahahaah Nerd? may pag ka krungkrung ka din pala ha... hahahaha wow. Dami kung tawa sayo..." Tawa ni Tucker, ano ba yan, pati pag tawa niya may iba eh. Erase erase erase.
BINABASA MO ANG
Heart-Quake Kissed
General FictionCaze "Cassy" Skye Wertheimer is a brilliant student and talented drummer who wants to prove she can excel in school and her band without help from her brothers. Despite her intelligence, she's often bullied and called names like "nerd" and "weird" b...