NEON'S
"Look... what happened to you earlier was not usual, so may pag babago kaming rules para sayo bunsoy."si kuya Scott, anong plano niya? Di ko sya masabayan, sana effective.
"Kuya, kasalanan ko, sorry talaga... nakausap ko na rin ang mga ..." malungkot na saad ni Caze.
"Stop. Payag na kami sa pag sali mo sa music club...at..." pero bigla napawi at napalitan ng saya sa narinig mula kay Kuya Scott.
"Talaga kuya!!! Wow subrang saya ko... salamat...." biglang tayo niya at napa yakap kay Scott. Di ko man alam anong plano ni Kuya Scott pero masaya ako nakita kong masaya si Caze.. sana nga lang wag niyang bawiin ito.
"Oi, tika lang bunsoy baka mabinat ka nyan eh..." sita ko. "Pero dapat let us know kung anong mga lakad mo...same rules parin... hatid sundo ka kung saan ka pupuntA ha." Anas ko.
"Promise po, kuya Neon... salamat talaga..." yakap niya rin sakin na subrang higpit.
"Aaaahhhheeemmm Guys... may bisita kayo oh.."si Ate Aly turo sa sarili niya.
"Hi ate Aly, sorry po, subrang tuwa ko lang..." ngiti ni Caze
"Buti naman at okay kana Caze, sana matauhan din itong mga kapatid mo sa pag hihigpit sayo." Sinamaan naman siya agad ni Kuya Scott ng tingin.
"Ate, mabuti pa samahan mo nalang kaya ako sa canteen, bibili lang ng pagkain." Aya ko sa kanya, sabay hatak ko palabas ng kwarto ni Caze.
"Balik kami agad..." si ate Aly.
---------------
Canteen
"Anong sinasabi ng kuya mo? Ano na plano niya? Nakakagulat..." Anas agad ni Ate Aly sa akin habang namimili ng pagkain sa counter.
"Di ko rin alam, sumasabay nalang ako sa kanya, sa tingin ko, okay naman ang sinasabi niya kay Caze kanina."
"Di okay yun...sa tingin nyo di makakahalata ang kapatid mo sa biglaang pag payag nyo? Matalino ang kapatid ninyo, kaya humanda kayo sa mga tanong niya." Hayz as always may comment siyang negatibo, ok na sana yun eh.
"So ano gagawin namin?"
"Still the same, wag masyadong maluwang sa kanya, kilalanin ang mga ka grupo niya."
"Exactly... should we invite them?" Ngumiti ako at biglang naningkit ang mata ni Ate Aly.
"Hoi, tika.. I smell like something shit on your brain... wag kang gagawa ng kahit anong kalokohan,"
"Kailan pa ako nag loko? Eh good boy ito noh...di gaya nila Mike and Ruslan..." I know she will reacted that way... knowing her... ayaw niyang may mag loko sa aming lahat sa mga babae.
"Good to know...pero yong pag lalandi ng dalawa ay may kataposan na rin yon...lets go na... para maabutan naman natin si Scott sa mga pinag sasabi niya, naturingang matalino pero di parin nag iisip." Hay... magka tulad nga sila ng babaing yon kung mag isip. May tinutukoy siyang parang kilala ko rin... nakakamiss din siya minsan.
Matapos mag bayad ay bumalik na kami sa kwarto ni Caze. At ito na ang eksena pagka pasok namin sa kwarto.
Ang kalat ng sahig, at maiingay na sa loob....
"No!!! I dont want any help kuya!!! Kaya ko ang sarili ko!!!" Sigaw ni Caze sabay tapon ng flower vase sa sahig. I was so shocked, kasi hindi nagtatapon ng bagay si Caze kung magagalit, parang ibang iba siya ngayon.
"Caze!!! Stop that! you need help this time, andito naman kami ni Neon." Pigil ni Kuya Scott.
"Wala kang alam, wala kayong alam... ! Wala akong problema... walang akong sakit...." Sigaw nito habang umiiyak. Bigla nalang niyang hinablot ang naka kabit sa kanyang kamay na dextrose at pilit na lumalabas sa kwarto. Masakit yon ha,, bakit parang wala lang sa kanya? Kahit dumudugo di parin niya ininda ang sakit.
BINABASA MO ANG
Heart-Quake Kissed
General FictionCaze "Cassy" Skye Wertheimer is a brilliant student and talented drummer who wants to prove she can excel in school and her band without help from her brothers. Despite her intelligence, she's often bullied and called names like "nerd" and "weird" b...