CHAPTER 19 - Strange Magic

37 3 1
                                    

CAZE'S

4pm

It's already 4 pm, when I checked my phone, naka tulog pala ako.

Bumangon ako, at pumunta sa kusina.

Amoy ulam na kasi, hahahah for sure dumating na si Nana Mila.

"Hi.. Nan..." natigilan ako, kasi hindi si Nana Mila ang nag luluto at mukhang mayaman para maging kasambahay namin.. Isang lalaki, sino siya? Ang gwapo naman niya para maging cook sa bahay namin.

"Hello there, you must be Cassodie, I'm Stephen... Aunt Mila's nephew. Your nana is not here, she went to the market... so I decided to cook, so sorry if I ..." 

"Oh...no... its okay..... hi... nice to meet you...pppooo?" Nakangiting sabi ....bago ko pinutol ang pag sasalita niya..ayaw ko sa lalaking ma explain parang ang dating sa akin guilty agad.... pero.... ang gwapo.... parang si Kevin Love... yong malinis version niya.  Hala, why na bobolol ako, dahil ba ang gwapo nyang naka apron or hindi ako sure kung kuy9a ba tawag ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at nakipag kamay.

"Your cute,  kuya Stephen nalang tawag mo sa akin...hahahah" ang lalaki maka tawa confirm hindi siya bakla. Inabot naman niya ang kamay ko at nakipag shake hands.

Tumawa nalang din ako umupo sa stool ng counter top namin, habang naka masid sa pag luluto niya.

"Ngayon lang kasi ako nakakita ng lalaking nag luluto sa bahay na ito, my two brothers are not into kitchen thing, mahilig lang silang kumain... hahahah so sorry kuya if am like a fangirl... na amaze lang ako." Habang nanunuod.

"Hahahaha tama nga si Elizze... your frank and madaldal, and friendly too..." natuwa na sana ako pero did he mention my Izzie? Nag frown ako at nahalata naman niya.

"I'm Elizze's fiance... and I heard you and her are not in good terms... " he faced me and smile.

"Small world... tadhana nga naman..." isang malalim na hinga ang pinakawalan ko. "Please take good care for her... ang ingot kasi nun minsan, at pilitin mo siyang wag masyadong workaholic pag kasal na kaayo... baka kasi makalimutan ka niya na may asawa siya. At baka nasa 40s na kaayo bago mag ka anak nyan eh.. " Litanya ko. Ewan ko ba... bat ganito nalang nararamdaman ko. Naiinis ako na masaya para sa kanya.

"Kahit halatang nag tatampo ka, eh alam kong nag mamalasakit ka parin sa kanya.... mahal na mahal mo parin" ngiti ni Kuya Stephen at bumalik sa pag luluto.

"Kaya ka ba nandito para si Nana Mila ang maghatid sayo sa simbahan pag kinasal na kayo? At kaya ka nag luto ng chicken curry na madaming siling labuyo kasi sinabi ni Elizze na favorite ko yan... pang ba lubag loob niya sa tampo ko sa kanya."

"Hahahahahah Tama nga si Elizze ... matalino ka rin... at kin observer...akalain mo kakilala lang natin pero dami mo nang tanong na nasagot mo rin." Tumawa siya ng malakas.

"Ang daya niya... bakit ba kasi di siya magpakita at umuwi dito... nagka lovelife lang... nag ka amnesia na." Tampo ko.

"Hahahaha she will in 4 days, inasikaso lang niya ang leave niya." Natahimik ako bigla. Di ko alam kung ano mararamdaman ko. Matutuwa ba o malulungkot.

"Good... dito naman kasi ang family niya... dito ba kayo mag papakasal? Kailan ba?"

"Sa December pa ang kasal, mag babakasyon lang kami dito at para narin ipaalam sa mga kamag anak namin ang wedding. Dito rin kami mag papakasal."

"Ang lapit na Pala... September na ngayon... ilang buwan nalang." Ngiti ko, kahit pilit.

"Gustong gusto ko na nga next month na eh, kaso si Elizze sabi niya may kakausapin lang syang isang lalaking nasaktan niya, bago mag pa kasal." Nalungot na sabi ni Kuya Stephen.

Heart-Quake Kissed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon