CHAPTER 23 - Just a Smile

36 3 0
                                    

CAZE'S

Nang naka balik na ako sa back stage, nakita kong relax na sila Raven. Parang ako  nalang yata ang stress sa lahat, ay nako naman oo.

Naka sunod parin yung pangit sakin, ano bang trip niya? Eh hindi naman kami close. Never!!!

Takot parin akong umakyat sa stage mamaya, pero kakayanin ko ito, para sa grupo at pati sa sarili ko. Aja!! Fighting!!

"Okay kana Cassy?" Baling ni Paigne sa akin nang makita niya ako sa may bukana ng back stage.

"Oo, eh kayo bah?" Ako. Kilangan malakas ang loob ko ngayon, hindi pweding makitaan nila ako na napanghinaan ng loob.

"Kung takot ka, ipakita mo lang, basta andito lang kami ha." Tapik ni Raven sa balikat ko. Well that helped. Supportive sila at alam kong nag aalala sila sakin ngayon.

"Oo nga Cassy, ikaw pa... eh sisiw na sisiw lang yang talent mo kay sa kay Eunice na yun, diba kaya mo naman talunin yun?" Si Odette, hindi na ako umimik kasi ang nasa isip ko, paano kung magka mali ako mamaya eh confident pa naman silang lalampasuhin ko yung Eunice na sinasabi nila, hayz.. napasubo tuloy ako nito.

"That bitch, magugulat nalang siya mamaya...kaya wag kang patatalo dyan kay Eunice Cassy ha..." si Nathalie na napairap nalang, malaki ba talaga ang tiwala nila sa akin?? Huhuhuhu nakaka pressure nah.

"Thanks guys," tipid na sagot ko and smile.

"Ako na bahala sa music video niyo, ako pa...trending yan bukas, panigurado." Hirit ni Tucker na pinangdilatan siya ni Paigne. YABANG.

"Yan ka na naman eh, panggulo ka kuya. Malaki na nga atraso mo kay Cassy..." Sita ni Paigne.

"Baka pangit na naman yang caption, wag na.. salamat nalang." Anas ni Odette na naka pamaywang pa na humarap kay Tucker.

"Babawi ako this time, tika... alam niyo na? Niya?" Sabay lingon sa akin.

"Of course alam na namin, and I think you owe an apology this time," Nathalie smirked at him.

"Fine, Cassy I'm so sorry, it's a big mistake at alam kung malaki ang kasalan ko sayo, I'll promise I'll make it up to guys..." pag amin nito, in all fairness seryoso naman, gwapo sana pangit lang ugali. Kaya tango lang ang ginawa ko at nag sout ng headphone at umupo sa isang chair na katabi si RAVEN. And make a hidden smile, kahit papano he admitted na may mali siya. Binaling ko nalang ang attention ko sa phone ko, baka mahalata niya na gwagwapohan ako sa kanya, Mahirap na lalaki na naman ang ulo.

"Tango lang reply niya? Kuripot sa salita naman yang kaibigan ninyo ha, akala mo kung sinong importante..." Kahit naka headphone ako at nakikinig ng music eh rinig ka parin ang sinasabi niya, bahala nga siya dyan.

"Atleast okay na diba? Ma kontento ka nga..." komento ni Odette.

"Oo na, maka alis na nga... basta mamaya ha...Good luck... kabugin ninyo yung Eunice na yun." sabi sabay alis ni Tucker. "At sabihin niyo sa babaing Nerd na yan... mag smile siya sa camera kasi...kdjdjsjakskdjejeewj" may pa habol pa pero hindi ko na narinig masyado.

Nang maka alis na si Tucker ay bigla nagtawanan ang apat kaya napa hinto ako sa pag lalaro sa phone ko habang nakikinig ng music at tinignan ko sila.

"What???" Tanong ko.

"Kung nakita mo lang ang reaction ng kapatid ko...hahahah" si Paigne.

"Epic girl, damn,  you tamed him..." Si Nathalie na napa tawa na rin.

"Hindi mo ba nakita? Akala niya pag nag sorry siya You'll become one of his bitches, eh walang effect yung pagpapacute niya kanina sayo... " Si Raven.

Heart-Quake Kissed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon