Chapter 12

33 3 1
                                        

Thea POV

Nandito kami ngayon sa clinic, habang binabantayan si kisha. Two days na kasi syang walang malay simula nung may nangyari sa kanya sa room.



"Hmmmm"



"Girls, si kisha! Mukang magigising na, umungol eh" sigaw ni clair sa amin



"Oo narinig namin, hindi kami bingi" asar kong sabi.


" Kisha, ano nararamdaman mo?" Pag-aalalang tanong ni kath Kay kisha ng makalapit kami rito.


"Okay kana ba? Wala bang masakit sayo?" Pag aalalang tanong ko sa kanya.


" nasaan ako? " tanong ni kisha sa amin.



"Asa clinic ka sis, two days kanang walang Malay." Claudith


"What!? Two days? Ano bang nangyari?" Naguguluhang tanong nya.



"Hindi mo ba naaalala? " tanong ko rito


"OMG! Hindi nya maalala, teka. Kisha naaalala mo ba kami? Remember, clair" sabay turo sa sarili nya.



Ayan nanaman sya-.- nagiging konyo  nanaman. Hayst.



"Ang OA, clair" PokerFace Kong sabi sa kanya.



Aba, inirapan pa ako? -.-



"Ahh, oo n-naalala ko na" habang nakahawak sa ulo nya.



"Tara uwi na tayo?" Kisha



Nagulat naman kami sa sinabi nya.



"Teka, kaya mo ba?" Kath



"Oo, nakakahiya kasi, two days na ako dito. Please" sabay pout nya



Waahhhh.. *o* ang cute nya pag naka pout... Para syang bata na gustong mabilhan ng candy.^^



"O-osige tara na?" Ako
















- - - - - - - -

Akisha POV



Monday ngayon and time for school nanaman. Sa Thursday na pala gaganapin young bond season^^



"Sis, sure ka bang papasok ka?" Claudith



"Wag kana kayang pumasok sis?" Pagpupumilit ni clair



Kanina pa kasi nila ako pinipilit na wag ng pumasok, may meeting kasi sila kaya hindi ko sila makakasama sa pagpasok. Natatakot sila na baka pag pumasok akong magisa, baka ulitin ulit nila Airine ang ginawa nila sa akin.



"No, nakakahiya na, 2 days akong hindi nakapasok, baka ano pang sabihin nila." Sabi ko habang nag aayos.



"Girls, tayo nalang raw ang kulang" kath na parang may kinakausap sa utak nya.



"Ano pa nga bang magagawa namin, basta hintayin mo kami kisha, mabilis lang kami ha." Thea



"And by the way kisha, kung makita mo naman sila Airine, umiwas ka nalang ha? Para walang gulo" kath



Tumango nalang ako sa kanila, at saka lumabas na sila ng dorm. Lumabas narin ako ng matapos ko ng mag ayos sa sarili ko.


*inhale*


*exhale*


"Wohh, kaya mo yan kisha. AJA!" Para akong timang rito mag isa, habang nag sasalita.


Dragonchoi AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon