chapter 7 "ang paghaharap"

68 6 4
                                    

chapter 7

"Ang paghaharap"

Isinulat ni neil dos

Christopher's pov

"Walang hiya ka nestor! Pagbabayaran mo ang ginawa mong pang-aahas sa akin." bulong ko.

Bigla akong napaisip, naalala ko ang patay na ilog sa gubat.

"Bakit nga ba hindi?." sabi ko na napapangiti ng bahagya.

Marahil ay may dahilan kung bakit ko natagpuan ang ilog sa kagubatan?
Ito ang magliligtas sa akin sa napipintong pagkawasak ng aking pamilya dahil sa kataksilan ng aking asawa.
Naramdaman ko nang dumating si ilyn. Malalim na ang gabi, ngunit hindi ako bumangon para mag-usisa. Nagtulog-tulugan ako nang maramdaman kong sumilip si ilyn sa kwarto ng aming mga anak.
Hindi alam ni ilyn na buko ko na sa pinaggagawa niya. Naramdaman ko na naupo si ilyn sa gilid ng kama at hinaplos nito ang buhok ng aming mga anak.
Gustung-gusto kong bumangon upang bigwasan ng sampal ang taksil kong asawa.

"Nakunsensiya kaya ito sa ginawang kataksilan sa akin?." naitanong ko sa aking sarili.

Pilit kong inunawa si ilyn. Baka masyado na siyang naging bored sa malungkot na buhay namin ngayon. Ninais ni ilyn na magpakasaya at si pareng nestor ang napili niya para siya ay sumaya. Pero ako pa rin ang mahal ng aking asawa. Kaya kong unawain ang aking asawa. Kaya kong patawarin alang-alang sa aming mga anak.
Ngunit kahit kailan ay hindi ko mapapatawad si nestor sa pagyurak nito sa aking karangalan. Kailangang mawala ang isa man sa amin sa mundong ito. Matira ang matibay.
Hindi ko na ibinigay ang mga alahas na inilaan ko para sa aking asawa. Itatago ko na lamang ang mga ito at ibibenta kung kinakailangan.
Napansin ni ilyn ang mga bagong laruan at mga gamit ng aming mga anak.
Hinaplos niya ang pang-itaas kung bisig kaya kunwari ay nagising ako.

"Ipinamili mo pala ng mga gamit ang mga bata. At mukhang kumita ka ng malaki." may panghihinakit na sabi ni ilyn.

"May kaunti akong naipundar na negosyo. Kaya madalas ang aking pag-alis. Kumikita naman ito kaya pinamili ko ng gamit ang mga bata."

"Ganoon ba?! Ako ba walang pasalubong?!".

" wala eh. Akala ko kasi ibibili ka ni pareng nestor. Lagi kayong magkasama, hindi ba?."

"Nanghinala ka na naman ng hindi tama?."

"Mali nga ba ang iniisip ko ilyn? Marami ng nakakakita sa inyong dalawa ni nestor. Pinagtatawanan na ako ng mga kapuwa ko lalaki."

Hindi kumibo si ilyn, nagtuloy na ito sa aming kwarto. Hindi ako sumunod, nananatili ako sa tabi ng aming mga anak.

* * * * * * * *
LINGGO. nangahoy ako uli sa gubat. Pinag-balakan ko na ng masama si nestor pero hindi ko ito itinuloy. Ayaw ko na kasing makunsensiya pang muli. Magtitiis na lang ako hangga't kaya ko. Kapag sumusobra na ang aking pasensiya, maghihiwalay na lamang kami ni ilyn. Pero kukuhanin ko ang aking mga anak.
Naubos ko ang pagkaing binaon ko sa gubat. Inantok ako pagkatapos ay sumandal ako sa isang malaking puno. Balak ko kasing umidlip kahit na sandali lang bago ko ituloy ang pangangahoy.
Kahit malaking pera na ang aking naipon ay nagpatuloy pa rin ako sa dati ko ng ginagawa. Para hindi makahalata ang aking mga kanayon. Kailangang maging maingat ako.
Napansin kong may lalaking parating at sa kinaroroonan ko ang tungo. Sinipat ko ng mabuti kung sino ang dumarating? Napamaang ako nang makita kong si nestor pala ang parating. Hindi ko inaasahan ang pagsunod niya sa akin sa gubat na isang kalaguyo ng aking asawa. Naging alerto ako. Naisip ko na baka may balak si nestor na patayin ako.

"Pareng lando...."

"Ikaw pala, nestor anong kailangan mo sa akin?." pormal at malamig kong tanong.

"Gusto kasi kitang makausap".

Ngumiti lang ang tanging sagot ko kay nestor.

" mukhang naligaw ka. Walang babae dito sa kagubatan!?."

"Ikaw naman.. Nagpunta ako rito dahil mahalaga ang ating pag-uusapan pare....".

" tungkol ba sa misis ko ang pag-uusapan natin nestor?."

"Alam mo na pala pare."

"Hindi ako tanga, nestor. Nagbulag-bulagan lang ako kaya hindi ako kumibo. Hinintay ko na baka makunsensiya kayo. Pero napatunayan kong ang kapal ng mukha mo pare ".

" hindi ko rin ginusto ang mga nangyari, pare. Ngunit bigla na lamang kami nagkagustuhan ni ilyn."

"Kailan pa?".

" hindi ko alam, noong una, katuwaan lamang para mag-aliw. Ngunit na-developed ang pagmamahalan sa pagitan naming dalawa."

Parang gustong sumipa ng paa ko upang tadyakan sa mukha ang nasa harap kong si nestor. Pero may higit na kakila-kilabot na kaparusahang naghihintay sa lalaking dumungis sa aking pagkalalaki.

"Bakit naman ang asawa ko pa at kumare mo pa ang pinatulan mo nestor? Kung sa iyo ko kaya ginawa iyon, ano ang mararamdaman mo?."

"Tulad ng sinabi ko. Hindi ko sinasadya ang lahat... Pare." sabi ni nestor.

"Isa kang makamandag na ahas, NESTOR!".

" CHRISTOPHER.."

"hindi mo man lang inisip ang ating mag-kumpare at pagkakaibigan. Hindi mo inisip ang lahat pare."

"Noon pa man ay may gusto na ako kay ilyn. Pero ikaw ang kanyang pinakasalan. Nang humiram siya sa akin ng pera para ipuhunan sa negosyo. Muling nagising ang pag-ibig na iyon."

"Wala ka naman talagang patawad, nestor. Pati ang may asawa ay pinapatos mo."

"Ipaubaya mo na sa akin si ilyn. Lalayo kami dito para walang magtatawa sa iyo. Hindi mo kayang ibigay ang kanyang mga luho na kaya kong ibigay."

Sa sinabing iyon ni nestor ay nag-iba ang tono ng aking pananalita.

"Pero kaya ko nang ibigay ang lahat kay ilyn ngayon nestor."

"Sa pamamagitan ba ng pangangahoy pareng christopher?"

"Hindi..... Dahil dito." inilabas ko mula sa aking bulsa ang maraming ginto.

Marunong kumilatis ng ginto si nestor kaya nanlaki ang kanyang mga mata.

"Tunay ngang ginto ito ah!." sabi ni nestor.

"Kung ituturo ko ba sa iyo ito. At ibahagi sa iyo ang isang kayamanan, maipangangako mo ba sa akin na kakalasan mo si ilyn?."

Nag-isip si nestor. Mukhang nataranta ito.

"OO, ipinapangako kong lalayuan kong lalayuan ko na ang asawa mo."

"Ulol! Pagkatapos kong malaman ang kinaroroonan ng gintong iyan, papatayin kita christopher... Ibabaon ko ang iyong bangkay dito sa gubat."

Authors pov

Baka malito po kayo. Yang nasa taas na pangungusap ay salitang isip ni nestor kay christopher. Nagkunwaring pumayag na layuan si ilyn para makuha ang kayamanang ginto. At kapag nakuha na niya ay papatayin niya si christopher.

Ituloy na natin ang istorya: (×_×)

* * * * * * * *
Christopher's pov

"Isumpa mong lalayuan mo si ilyn." sabi ko kay nestor.

"Isinusumpa ko.."

"Kung gayon, sumunod ka sa akin." sabi ko

Sumunod sa akin si nestor. Excited ito na malaman kung totoong may natuklasan nga akong kayamanan sa gubat.

(End of chapter 7, watch out for chapter 8 on next update)

(Comment, vote, & follow neil dos)

PanaghoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon