chapter 3 "gold bars"

74 5 4
                                    

Chapter 3

"Gold bars".

Isinulat ni neil dos

Christopher's pov

"Mukhang ang sarap ng kinain ninyo." sabi ko sa aking asawa na pagalit.

Hindi ko kasi nagustuhan ang mga nangyayari kahit na alam kong nagmamagandang-loob lamang si kumpareng nestor.

"Nagiging galante kasi si pareng nestor."

"Sa iyo? O sa akin?." sabi ko.

"Christopher, huwag mong sabihing nagseselos ka kay pareng nestor?." natatawang tanong ni ilyn sa akin. (×_•)

"Tawagin mo na yung mga bata at kumain na kayo habang mainit pa ang pagkain."

Dahil nagugutom na talaga ako. Kumain na ako kasabay ng dalawa kong anak.

Nang nakahiga na kami ay gustong-gustu kong sabihin kay ilyn ang natuklasan kong patay na ilog sa gubat. At ang mahiwagang mga tunog at pagkilos na naririnig ko mula sa ilalim ng kulay lumot na tubig ng ilog.
Pero nag-aalala ako na baka pagbawalan ako ni ilyn na bumalik pa doon.
Niyakap ko si ilyn at nilambing ko. Hanggang sa nakatulog ng mahimbing ang aking asawa. Ngunit nanatiling nakadilat ang aking mga mata. Hinding-hindi maaalis sa aking isipan si pareng nestor. Dahil naibigay niya kay ilyn ang mga materyal na bagay na hindi ko kayang ibigay sa aking asawa. Aminado akong nakaramdam ako ng selos kay pareng nestor.

KINABUKASAN, maaga akong nagising. Inihanda ko ang aking kalabaw at kariton.
Hindi ko na isinama ang aso kong si bantay para hindi magkakahol kapag pinuntahan ko ang patay na ilog.
Nagbaon ako ng kanin at ulam para hindi magutom kahit na magtagal ako sa pangangahoy sa gubat.
Natuklasan kong may nabitag na baboy damo sa isa kong patibong na ginawa sa gubat.
Agad kong itinali ang mga paa nito at dadalhin ko na sana sa aking kariton nang mapansin kong wala na doon ang aking kalabaw. Nakaalpas sa pagkakatali nito sa kariton at gumala kong saan?
Hindi ko alam kung bakit agad kung naisip na pumunta sa may patay na ilog.? Bitbit ko ang nakataling baboy damo na panay ang atungal.
Nakita ko ang aking kalabaw na nakalusong sa gilid ng ilog at umiinom. Naligo pa ang kalabaw. Dahil siguro sa matinding init at mataas na ang araw.
Kinakabahan ako nang makita kong parang unti-unting lumulubog ang aking kalabaw. Nagsimula nang umatungal ito at nagpupumiglas na makaalis sa kinalalagyang tubig.
Inilapag ko ang nakataling baboy damo sa damuhan at hinila ko ang tali sa leeg ng kalabaw para hilahin na makaahon mula sa tubig ng ilog. Natakot akong mawalan ng kalabaw kaya pinilit kong makaahon ang kalabaw sa tubig. Natakot din akong mawalan ng kabuhayan dahil kapag nawala ang aking kalabaw ay paano na ang aming kikitain sa araw-araw?
Nang hindi ko mahila-hila ang kalabaw dahil maliwanag na may humihila sa mga paa nito, ay naisip kong ihagis sa ilog ang baboy damo para ito ang mapagbalingan ng atensyon ng kung anomang mga naroon at pakawalan ang mga paa ng aking kalabaw.
Tama nga ang aking naisip, naramdaman kong biglang nakalaya ang mga paa ng aking kalabaw at mabilis kong naiahon mula sa ilog na tila may labis na kinatatakutan.
Nasaksihan ko ang paglapag ng katawan ng baboy damo na lumubog-lumutang sa kulay lumot na tubig ng ilog.
Lumakas ang mga magkakahalong ungol at pahingal na paghinga. Halatang nanlalaban ang baboy damo sa maraming mga kumikilos sa ilalim ng tubig na humihila dito palubog.
Marahan akong umupo sa damuhan at pinagmasdan ang mga pangyayari. Lumayo sa akin ang aking kalabaw at nagtago ito sa tabi ng isang mayabong na puno ng zampalok na malayo-layu sa gilid ng ilog.
Nang wala na ang baboy damo, tumahimik ang ilog. Ngunit napansin kong nakalag ang tali ng bangka mula sa puno at lumubog din ito na parang may humila papunta sa ilalim ng tubig. Parang namalik-mata ako. Hindi ko inalis ang aking paningin sa nilubugan ng bangka. Hinintay ko ang susunod na mga mangyayari. Hindi nagtagal... Biglang bumulwak ang tubig at lumitaw ang bangka. Inanod ito ng hangin sa dating kinalalagyan.
Nakita ko na may kung anong kumikinang at kumikislap sa loob ng bangka nang masinagan ito ng araw. Nilapitan ko ang bangka at hinila ang tali. At itinali ko itong muli sa punong dating kinatalian nito.
Dinampot ko ang DALAWANG PIRASONG KUMISLAP na mga bagay sa loob ng bangka. Mabigat ang mga ito sa aking palad. Napalunok ako nang matanto kung ano iyong hawak ko? "GINTO!" Mga lantay na gold bars na maliliit nga lamang ngunit mabibigat.

"Mahabaging Diyos.. Tunay kaya ang mga ito?." naitanong ko sa aking sarili.

Inilabas ko agad ang aking panyo at ibinalot sa dalawang gold bars. Inilagay ko sa aking bulsa. Parang tambol ang pagtibok ng aking puso sa nadamang excitement. Kung ginto ang mga nakuha ko, tiyak na malaking pera ito kung maibenta ko.
Noon pa man, ipinasiya ko na huwag sasabihin kay ilyn ang tungkol sa ginto at sa anomang may kaugnayan sa patay na ilog. May nararamdaman akong kakaibang kilos kay ilyn mula nang sumasama siya kay pareng nestor. Matalas ang pakiramdam ko pagdating sa ganoong bagay.
Ayaw kung husgahan si ilyn o ang aking kumpare pero hindi ko rin itong ipag-walang bahala. Hindi pa nagmintis sa ganitong bagay.
Kakaunti lang ang nakuha kong kahoy dahil sa pagkakuha ko ng dalawang gold bars. Kaya dali-dali akong umuwi sa amin.

"Maaga ka yata ngayon? tanong sa akin ni ilyn na kasalukuyang nagbabalot ng suman na ilalako sa palengke kinabukasan.

" masama ang aking pakiramdam.." Masyado siguro akong napagod.. Gusto kong magpahinga.." pagsisinungaling kong sagot.

"May niluto akong sinigang na baboy. Gusto mo bang humigop ng mainit na sabaw bago ka magpahinga?." tanong ni ilyn na naninibago sa kilos ko.

Namumutla ako at tila wala sa sarili. Na ngayon lang ako nagkakaganito.

"Huwag na.. Wala akong ganang kumain. Mahihiga na muna ako at nang makapagpahinga."

KINABUKASAN, humiram ako ng kaunting pera kay ilyn.

"Kailangan kong pumunta sa cavite city.. May kakausapin akong tao na makakapagbigay sa akin ng trabaho." sabi ko.

Agad namang pinahiram ako ng aking asawa ng isang libong piso.

"Ibalik mo yan dahil ipanghulog natin iyan sa utang natin kay pareng nestor.''

Ngumiti lang ako. (×_×)

" sinisingil ka pa ba ni pare? Akala ko ba ibinigay na sa iyo yung balanse ng utang natin.?".

"Bakit naman niya ibibigay iyon sa akin?." tanong ni ilyn.

"Napapansin ko kasing nagkakakursunada na yata si nestor sa iyo."

"Christopher, huwag kang mag-isip ng ganyan!? Walang malisya ang mga pagtulong ni pareng nestor sa akin.."

Kinibit ko na lamang ang aking balikat.

"Sana nga ay ganoon na lamang... At huwag niyang sirain ang aming pagkakaibigan... Ang aming pagkukumpare.. Sige, aalis na muna ako.."

Agad na nagtuloy ako sa isang jewelry store. Nang makarating ako sa cavite city. Ipinakita ko ang alahero ang dalawang maliit na gold bars. Kasin-laki ng mga ito ng isang bala ng baril na kalibre 45.

(End of chapter 3, watch out for chapter 4 on next udate)

(Comment, vote, & follow neil dos)

PanaghoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon