chapter 9 "ang pag-amin ni ilyn"

65 6 4
                                    

Chapter 9

"Ang pag-amin ni ilyn"

S.P.G. (striktong patnubay at gabay)

Isinulat ni neil dos

Christopher's pov

Nang nawala si nestor ay naging masaya ako. Wala na ang aking karibal. Sa akin na muli ang aking asawa.

" bakit naman ako maiinggit kay nestor? Balitang-balita na dito sa nayon na may sakit na sa babae si nestor. Mukhang malala na at baka raw mauwi sa "aids". sabi ko kay ilyn.

Pinagmasdan ko ang reaksiyon ng aking asawa. Gusto ko kasing makita kung kikilabutan siya kapag nangyari ito. Tiyak na may namagitan sa kanila ni nestor.

Ngunit parang nabigla lamang si ilyn. Hindi ito makakibo. Ngunit walang takot ang reaksiyon ni ilyn.

Nang humupas ang kasiyahan ko sa pagkawala ng aking karibal. Sumipa ang aking budhi. Naitanong ko sa aking sarili kung talagang hinangad ko bang patayin si nestor? Ngunit hindi ko itinulak si nestor sa patay na ilog. Sumakay si nestor dahil sa kasakiman sa ginto. At ako pa nga ang itinulak niya sa ilog upang patayin. Palibhasa hindi ako likas na masama, may pakiramdam ako na isang kriminal si nestor.

" kung nahihirapan kanang magtinda ng mga kakanin sa bayan, huminto ka na sa negosyong iyan." sabi ko.

"Malaki din ang kinikita ko sa pagtitinda... Sayang naman ito."

"Ako na ang bahala sa ating kabuhayan. Ako ang padre de pamilya, ilyn. Magpahinga kana lamang."

"Mukhang ma-kuwarta kana yata ngayon ."

"Binigyan ako ng kumpare ko sa cavite ng malaking halaga upang mai-puhunan sa negosyo." paliwanag ko.

"Dumating na ang suwerte mo christopher. Nagbunga ang iyong mga pagpupursigi."

"Heto, may regalo nga pala ako sa iyo sa darating mong kaarawan." sabi ko.

Ibinigay ko sa aking asawa ang isang kahitang pelus.

"Naku, ang ganda ng mga ito christopher. Sa palagay ko ay napakamahal ng mga ito... Maraming salamat."

Tinitigan ko si ilyn.

"Noon ko pa sana ibibigay sa iyo yan. Nang sinundo kita sa sabungan at nakita ko kayong lumabas ni nestor. Nakaakbay siya sa iyo."

Napalunok si ilyn. (+_×)

"Christopher..."

"Sinundan ko kayo. Nakita ko kayong pumasok sa isang bahay na walang nakatira." sabi ko.

Naghari ang katahimikan. Pinigil ni ilyn ang kanyang paghinga. Namula siya at nakaramdam ng matinding pagka-pahiya.

"Alam mo ba kung gaano kasakit ang nakita kong iyon ilyn?."

"Patawarin mo sana ako, christopher."

"Ngayon, kung talagang may kaunti ka pang pagtingin sa akin... Magsabi ka ng totoo. May namagitan ba sa inyo ni nestor sa loob ng bahay na iyon? Alam mo ba ang tinutukoy ko ilyn? Mahalagang malaman ko ito."

Huminga ng malalim si ilyn.

"Wala,. saksi ko ang Diyos ngunit walang nangyari sa amin."

"Ano ang dahilan at nagpunta kayo sa bahay na iyon?."

"May kaibigan siyang abogado. Gusto naming ikunsulta kung paano ipapa-walang bisa ang kasal natin, christopher. Upang malaya kaming makapagsama ni nestor. Nang panahong iyon, hindi ko malaman kung ano ang nangyari sa akin at lumayo ang loob ko sa iyo.. Nahumaling ako kay nestor." paliwanag ni ilyn.

"Ano ang sinabi ng abogado?."

"Hindi namin dinatnan. Pinaupo kami ng katulong sa balkonahe. Natagalan kami sa paghihintay hanggang sa nagpaalam na kami."

"Totoo ba ang mga sinasabi mo?."

"Oo, kahit naman kailan, wala namang nangyari o namagitan sa amin ni nestor kung sex ang gusto mong malaman. Inaamin kung nayakap niya ako at nahalikan. Pero hanggang doon lamang. Hindi kami nagtalik ni nestor."

Naramdaman ko ang ginhawa. Hindi ko kasi alam kung paano ko matatanggap ang aking asawa kung nagalaw na ito ng ibang lalaki. Natakot din ako na baka nahawa si ilyn sa sinabi nilang sakit sa babae ni nestor.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako nagkasala nang ganoon katindi sa iyo, christopher. Ang tanging kasalanan ko lang ay ang atraksyong nadama ko kay nestor. Na akin namang pinagsisihan."

"Alang-alang sa mga bata, hindi tayo maghihiwalay ilyn. Ngunit malaki na ang pagkakaiba ng ating pagsa-sama. Baka magsama tayo sa pangalan na lamang. Nawalan na ako ng gana sa iyo mula nang nalaman kong handa mo akong iwan dahil sa ibang lalaki."

Pumatak ang luha sa mga mata ni ilyn. Dahil alam niyang may katuwiran ako para magalit kanya.

"Naiintindihan ko christopher. Sapat na sa akin na mapatawad mo ako kahit na wala ka nang pagmamahal sa akin."

Nang minsang nagtungo ako sa cavite upang bumili ng ilang kailangan, may nakita akong malaking bahay at lupa na ibinibenta sa labas ng siyudad.

Maganda ang bahay kahit na may pagka-antigo ang pagkakayari.. Ngunit maaliwalas at apat ang lahat ng kuwarto. Dalawang palapag ito, may malawak na bakuran na puwedeng paglaruan ng aking mga anak.

Ipinagtanong ko ito kung sino ang may-ari ng bahay. Nang makausap ko ito. Nagtawaran kami sa presyo at agad ko itong binili ang lupa at bahay. Nailipat sa aking pangalan ang titulo nito sa pamamagitan ng isang abogado.

Kapag bumuti na ang relasyon namin ni ilyn, baka isama ko ang asawa sa paglipat namin doon kasama ng dalawa kong anak.

Sa ngayon, hindi pa bumabalik ang dati kong damdamin kay ilyn.

Tinabangan ako kay ilyn lalo na kapag naisip ko na handa niya akong iwan. At sumama sa isang lalaking higit na marami ang pera kaysa sa akin. Ito ang masakit sa lahat. Ang gawing sukatan sa pagmamahal at sa pagsasama ang salapi.

* * * * * * * * *
Ilang gabing maalinsangan ang panahon, naramdaman ko na lumapit sa aking kama si ilyn.
Buong pagsuyong humaplos ang kanyang kamay sa aking mukha.

Matagal na kaming hindi nakakapagtalik na mag-asawa. Mula nang gabing tanggihan ni ilyn ang paglalambing ko dahil sa paghumaling niya sa aking kumpare na si nestor.

"Christopher, natutulog ka na ba?." banayad na tanong ni ilyn.

"Hindi pa. Bakit?.".

Idinantay ni ilyn ang mukha sa akin.

" hindi kasi ako makatulog."

Hindi ako kumibo o kumilos. Hinayaan kong ipagpatuloy ni ilyn ang paglalambing. Gusto kong maramdaman kung babalik na ang paghahangad kong pagmamahal ni ilyn sa akin.

"Gusto mo ba ng masahe?." pakisuyong na tanong ni ilyn.

"Bakit hindi? Kung sinisipag ka ba eh. Masakit nga nang kaunti ang katawan ko."

"Dumapa ka at nang mahilot ko ang likod mo."

Sumunod ako. Ilang sandali pa, humahagod na sa buo kong katawan ang kamay ni ilyn nang buong pagsuyo.

(End of chapter 9, watch out for chapter 10 on next update.)

(Comment, vote, & follow neil dos)

PanaghoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon