chapter 8 "ang kumpare"

85 4 2
                                    

Chapter 8

"Ang kumpare"

Isinulat ni neil dos

Christopher's pov

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni nestor. Hanggang sa nakarating kami sa masukal na daan papunta sa patay na ilog.

"Saan tayo pupunta? Baka naman balak mo akong payayin?."

"Hindi ako papasok sa kulungan dahil lamang sa isang basurang kagaya mo." sabi ko kay nestor.

Namangha si nestor nang makita ang patay na ilog.

"Bakit ganyan ang ilog na iyan? Hindi umaagos ang tubig? At kulay lumot pa ang tubig?".

" may mga bagay na mahirap paniwalaan hanggang hindi nakikita. Kung minsan nakita mo na pero hindi ka pa rin maniwala."

"Anong ibig mo sabihin christopher?."

"Nakikita mo ba ang bangkang iyon? Sasakay tayo diyan papunta sa kinaroroonan ng nahukay kong mga ginto."

"Saan? Dito sa lugar na ito?".

"Naroon sa banda roon. Nasa pampang sa kabila ng dulo ng ilog na ito."

Maingat na sumakay si nestor sa bangka.

"Walang sagwan ang bangkang ito. Kaya isagwan natin ang ating mga kamay." sabi ko.

Nagsimula na nga kaming sumagwan. Naramdaman ko na may masamang binabalak si nestor.
Nasa kalagitnaan na kami ng ilog nang magtanong si nestor.

"Malapit na ba dito yung sinasabi mo?."

"Hayun o, Sa ilalim ng punong iyon ng mangga. Naroon ang kayamanan."

Naging mabilis ang mga pangyayari. Tumayong bigla si nestor at itinulak ako sa tubig. Nawalan ako ng panimbang at nahulog ako mula sa bangka.

"Mamatay ka! Mamamatay ka christopher...! Kailangang masolo ko ang itinuturo mong kayamanan....! Isa kang hangal..!." sigaw ni nestor na may kasamang malakas na pagtawa. Na akala mo ay tawa ng demonyo.

Nagimbal ako. Nasa tubig ako at sa isang saglit, alam kong sasalakay na ang mga kung anong nilalang na nasa pusod ng ilog. Hihilahin ako ng mga ito papalubog sa ilog.
Pero nagmadali ako at kumilos ng mabilis. Sinikap kong lumangoy ng mabilis habang wala pang nangyayari. Hanggang sa umabot ako sa pampang at nakaahon. Salamat at walang anumang nangyari sa akin.

"Nestor?!." tawag ko nang makita kong may mga kumikilos patungo sa bangkang sinasakyan ni nestor.

Hindi napansin ni nestor ang mga kumikilos dahil nasa pook na ng puno ng mangga ang atensyon nito.
May mga kung anong bumundol sa bangkang sinasakyan ni nestor at gumewang ito. May mga yumugyog dito hanggang sa mawalan ng panimbang si nestor at nahulog ito sa tubig.
Nagsisigaw si nestor nang maramdamang may mga kung anong humawak sa kanyang mga paa at hinila siya palubog sa maitim na tubig ng patay na ilog.

"Tulungan mo ako christopher..!!!." Tili ni nestor habang nakataas ang kanang kamay. Ngunit wala akong magagawa kundi'y magmasid na lamang.

Alam kong wala akong magagawang tulong sa aking kumpare. Sa aking naging karanasan sa mga nilalang na nasa ilalim ng tubig ng ilog, kapag nahawakan ka ng mga ito, wala ka ng ligtas.
Matagal na nanlaban si nestor dahil sa malakas na bulwak ng tubig
Ang lakas din ng mga panaghoy at mga ungol ng mga sumasalakay dito.
Halos hindi ako humihinga ng nakatingin na lamang ako sa magaganap. Hindi rin ako tumitinag sa kinaroroonan at naghintay na lang ako. Alam kong may malagim na mangyayari.
Naramdaman ko na pinag-aagawan ng mga nilalang sa patay na ilog ang katawan ni nestor.
May narinig ako na mga ngumasab na ngipin. Sumabay sa pag-ngasab ang malakas na panaghoy at ungol.
Patuloy na lumubog si nestor hanggang tuluyang mawala ito sa paningin ko. Alam kong nasa kailaliman na ng patay na ilog ang lalaking gustong umagaw sa aking asawa. At gustong magwasak sa aking pamilya at sa aking buhay.
Kanina, tinangka pa ni nestor na patayin ako nang itulak niya ako sa ilog. Inakala marahil ni nestor na malulunod ako sa malumot na tubig ng ilog.
Hanggang sa mawala ang pagbulwak ng tubig sa ilog. Muling naging kalmante ang kulay lumot na tubig ilog.
Dahang-dahang bumalik ang bangka sa gilid ng ilog. May malaking supot ng ginto! Sa kaso ni nestor, kinuha ko ang supot. Nasabi ko sa aking sarili na iyon na ang huling pagpunta ko sa kagubatan. Sa kinaroroonan ng patay na ilog.
Wala akong nadamang konsensiya. Si nestor ang nagtangkang pumatay sa akin kanina. Isang aksidente lamang ang lahat. Parang alam ng mga nasa ilalim ng patay na ilog na may utang na loob ang mga ito sa akin. Dahil hindi ako hinila at kinain. Si nestor ang kanilang napagbalingan ng atensyon at ito ang kanilang hinila pailalim.

* * * * * * * * * *
Muling naulit ang pagbibenta ko ng mga ginto sa aking mga suki sa maynila. Napaka-laki na ng naipon kong pera sa aking mga bank accounts. Hindi ako nahahalata ng kahit sino sa kanila dahil walang nagbago sa sa akin. Nananatili akong simple na tulad nang dati.
Kapansin-pansin ang katamlayan ni ilyn mula ng hindi na nito nakita si nestor. Walang nakakita sa kay nestor na nagpunta sa gubat para ako ay kausapin.
Walang naghanap o nagtaka sa pagkawala ni nestor sa aming barangay. Sanay na ang mga tao.
Madalas na nawawala nang matagal si nestor kapag may nakukursanadahang babae sa ibang lugar. Tinututukan niya kasi ang babae kahit na nasa ibang planeta pa ito. At saka lamang ito babalik sa nayon kapag pinagsasawaan na ang babaeng kinasama.

"Bakit ba para kang nalugi sa negosyo?." tanong ko na nakakaloko sa asawa kong si ilyn nang minsan siyang naghuhugas ng pinggan.

"Talagang nalugi na ako dahil lagi akong huli kung dumating sa sabungan. Wala kasi akong masakyan papunta doon. Kailangan pa akong maglakad hanggang sa bukana ng nayon bago ako makasakay ng tricycle patungong bayan."

"Bakit? Nasaan si pareng nestor? Bakit hindi kana yata sinusundo? Kay dali naman niyang magsawa."

Sumimangot si ilyn. =(

"Ewan ko ba naman doon. Hindi ko nakikita tila wala siya dito ngayon sa ating nayon."

"Hindi ba siya nagpaalam sa iyo? Tsk! Tsk! Baka naman ay may iba nang nakursunadahang babae. Manyakis kasi iyon." sabi ko.

Inirapan ako ni ilyn.

"Hindi naman ganoon si pareng nestor. Inggit ka lang kasi sa kanya."

Parang gusto kong sakalin ang aking asawa. Pero nakapagpigil ako. Alam kong nakakalamang na ako. Wala na ang aking karibal. Akin na muli ang aking asawa.

(End of chapter 8, watch out for chapter 9 on next update)

(Comment, vote, & follow neil dos.)

PanaghoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon