chapter 2 "pusod ng kagubatan."

70 7 1
                                    

Chapter 2

"Pusod ng kagubatan"

Isinulat ni neil dos

Christopher's pov

Nang sumunod na mga araw ay naging malakas ang loob ko na pumasok hanggang sa gitna ng masukal na kagubatan. Marami akong nakitang mga baboy damo doon kaya gumawa ako ng mga patibong.
Naisip kong ayusin ang shot gun na iniwan ng aking tatay upang magamit sa pamamaril ng mga ligaw na ibong puwedeng ulamin at baboy damo. Upang may masarap kaming makain sa loob ng isang linggo.
Tuwing pupunta ako ng kagubatan, dala ko ang aking kalabaw at kariton upang dito ay isakay ang anumang makuha sa loob ng kagubatan.
Pumasok ako sa pusod ng kagubatan, may nakuha akong mga prutas ngpapaya at saging.
Inilagay ko ito sa aking kariton. Habang nangunguha ako ay narinig ko ang pagtahol ni bantay. Ang bantay kong aso, Dahil wala itong tigil sa pagtahol sa di kalayuan. Naantig ang kuryosidad ko at pinuntahan ko ang kinaroroonan ng aking aso.
Namangha ako sa aking nakita nang sumuot ako sa pagitan ng mayabong na mga puno. May nakita akong isang ilog sa kabila ng mga ito. Isang ilog na maitim ang tubig at halatang hindi na umaagos.

"Isang patay na ilog." sabi ko sa sarili.

"Bakit kaya namatay ang ilog naa ito? Eh, malinis naman at walang mga basura sa tubig nito?." sabi ko sa sarili na kinakabahan pa.

Naitanong ko sa sarili kung saan ang hangganan ng ilog at kung bakit tumigil ito sa pag-agos? Kulay lumot ang tubig ng ilog ngunit hindi ito mabaho.
Naglakad ako sa gilid nito. Naitanong ko sa sarili kung may isda kayang nabubuhay sa ganitong ilog? Nagtaka ako nang may nakita akong lumang bangka sa gilid ng pampang ng ilog. Nakatali ito sa isang puno na naroon.

"Kaninong bangka kaya ito? Bakit nakatali na tila naghihintay ng sasakay? Marahil niyan ay buhay ang ilog na ito at may mga naglayag dito."

Kumuha ako ng sanga ng kahoy at isinawsaw ko ito sa kulay lumot na tubig ng ilog. Napansin kong may biglang humablot sa sanga mula sa ilalim ng ilog. Ngunit wala naman akong nakitang lumubog na sanga. Ni hindi nga ito lumutang.
Narinig ko ang kakaibang tunog na mula sa ilalim ng patay na ilog. Parang may sabay-sabay na huminga at lumikha ng ingay na hindi ko maintindihan kung ano.? Parang magkakahalong mga PANAGHOY at ungol.
Bumulwak-bulwak ang kulay lumot na tubig. Halatang may mga kumilos na kung ano sa kalaliman ng ilog.
Yumuko ako at inilapit ang aking tenga sa tubig ng ilog. Lalong lumakas ang narinig kong mga panaghoy at ungol. At pagkilos na tila nagmula sa pusod ng ilog.
Nakaramdam ako ng takot sa aking pagkatao. Dumiretso ako ng tayo at umurong mula sa tabi ng ilog.
Nahiwagaan ako sa nakitang ilog ngunit tila may batubalani ito na kumaway sa akin upang sumakay sa nakataling bangka. At tingnan kung saan ang hangganan ng ilog? Ngunit napansin ko na walang sagwan ang bangkang nakatali.
Hindi ako puwedeng makarating sa gusto kong puntahan kapag walang sagwan ang bangkang nakatali. Dahil kapag walang sagwan hindi aagos ang tubig ng patay na ilog. Hindi maaanod ang bangka patungo sa gusto kong marating.
Patuloy ang tensyonadong pagtahol ng asong si bantay sa ilog na parang may nakita itong kinatatakutan doon.

"Tayo na, Bantay. Tumigil ka na sa katatahol. Aalis na tayo dito." sabi ko.

Isinakay ko na ang nakuhang mga prutas at kahoy sa aking kariton. Sumakay na rin ang aking aso at lumakad na ang kalabaw pabalik sa nayon.

Nang dumating ako sa amin ay kaagad kong tinawag si ilyn.

"Wala po ang nanay, itay." sabi ni eugene na sumalubong sa akin upang tulungan akong ibaba ng mga karga ng kariton.

"Saan siya nagpunta?."

"Sinundo po ni ninong nestor. Bibili daw sila ng mga gamit sa paggawa ng kakanin."

Dumilim ang aking mukha. Nakaramdam ako ng ligaw na panibugho. Dati ay nagpapaalam muna sa akin ang aking asawa bago sumama kay nestor o bago pumunta kahit saan?
Payag akong sumama si ilyn kay nestor sa sabungan para magtinda ng kakanin. Ngunit tila hindi na tama na sunduin pa ito ng kumpare ko upang samahan sa pamimili ng mga gagamitin sa pagluluto ng kakanin.
Katungkulan ko iyon bilang asawa ni ilyn. Pero kaagad kong pinawi ang mga iniisip.
Kumpare ko namin si nestor. At hindi magtataksil sa akin si ilyn. Mahal ako ng aking asawa. Kaya lamang hindi ko magawang mainis nang husto dahil nasa isipan ko pa rin ang nakitang mahiwagang patay na ilog sa pusod ng kagubatan.
Naalaala ko na madalas kaming magawi sa pusod ng gubat ng aking tatay nang binatilyo pa ako upang mangahoy. Ngunit kahit kailan ay wala kaming nakitang ilog doon.

Pormal kong sinalubong si ilyn na aking asawa na inihatid ni pareng nestor. Ibinaba ko ang mga pinamili nila.

"Takipsilim na ah." Malamig na sabi ko.

"Napaka-tagal naman ninyong mamili ng mga gagamitin sa pagluluto ng kakanin. Kaunti lamang naman pala ang pinamili niyo."

Napansin nila ang pagka-sarkastiko sa aking pananalita.

"Pasensiya kana, pareng christopher." paghingi ng paumanhin ni nestor. "Inabot kami ng gutom ni kumare kaya niyaya ko siyang kumain sa pansiterya sa bayan. Hindi na mauulit ito."

"Talagang hindi na dahil ako ang sasama sa kanya sa pamimili ng mga kailangan sa pagluluto." pormal kong sabi.

"Baka kasi kung ano na ang iisipin ng ating mga kanayon kapag ganito nang ganito ang mangyayari."

Hindi ko niyaya ang aking kumpare na tumuloy sa bahay o magkape. Nanatili sa may paanan ng hagdanan si pareng nestor.

"Sige, aalis na ako, pareng christopher.?" sabi nito.

Hindi na ako sumagot. Pumasok na ako sa loob ng bahay.
Tumingin si ilyn sa aking kumpare at lihim na ipinahiwatig ang paghingi ng paumanhin sa aking inasal.

"Bakit mo naman pinakitaan ng ganoon si pareng nestor? tanong ni ilyn. " siya na nga itong nagmamagandang-loob na samahan akong mamili ng mga kailangan sa bayan dahil ang tagal mong dumating."

"Alam mo namang nasa gubat ako eh, paano ako makakarating dito nang maaga eh ang layo noon?."

"Kaya nga eh, nag-alok si pareng nestor na samahan ako kaya sumama na ako. Huwag mong sabihing nagseselos ka?."

"Hindi ako nagseselos, ilyn. Masama ang hitsura nung siya ang kasa-kasama mo at hindi ako. Matsismis ang mga tao dito sa baryo natin. Kailangan kang mag-ingat para hindi ako pagtawanan ng mga kapuwa ko lalaki.!".

Hindi na kumibo si ilyn dahil naramdaman niyang mainit ang aking ulo. Inihanda nito ang mga pagkaing binili ni nestor para ipasalubong nito sa amin. Pancit canton gisado, chopsuey, at fried rice.

(End of chapter 2, watch out chapter 3 on next update)

(Comment, vote, & follow neil dos)

PanaghoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon