Panaghoy: panimula

122 8 0
                                    

"Panimula ng panaghoy"

Isinulat ni neil dos

Ang mga pangalan ng mga tauhan at lugar ay maaaring kasing tulad ng sa totoong buhay. Maaaring magkapareho nga pero maaaring nagkataon lamang po at ito ay hindi sinasadya ng inyong author. Dahil itoy kathang isip lamang para magkaroon tayo ng mababasa o kaaliwan sa ating pamumuhay. Kung naboboring kayo sa tahanan, trabaho, at paaralan.
Halina't basahin ang isinulat ng inyong author.

* * * * * * *
Simula ng istorya

Christopher's pov

"O, bakit nakasimangot ka na naman?." tanong ko sa asawa ko.

"Bakit may dahilan ba para ako ay maging masaya? Pagkatapos mo kaming alisin sa squatter sa maynila ay dinala mo kami ng mga anak mo dito sa isang liblib na lugar."

"Eh, saan mo gusto tayong magpunta? Alam mo namang nawalan ako ng trabaho sa maynila." sagot ko.

"Eh, di sana naghanap ka ng panibagong trabaho doon. E di sana hanggang ngayon nananatili pa tayo roon."

"Ganun din naman ang ginawa ko aa, pero mauubos na ang kaunti nating pera. Sa kakahanap ko ng trabaho tiyak mauubos ang kaunti nating ipong pera. Dito kahit papano ay may lupang matataniman at sariwa pa ang simoy ng hangin." paliwanag ko sa asawa ko.

"May lupa nga, kapag malapit nang magbunga ang mga pananim, sasalantain naman ng bagyo... Balewala ang pagod natin."

"Pinag-usapan na natin ito ilyn. At kaagad ka namang sumang-ayon na umuwi tayo dito sa nayon namin." sabi ko.

"Eh, wala naman akong choice.? Kung bakit kasi nagpahuli ka sa amo mo na natutulog sa oras ng trabaho.? Di sana hanggang ngayon may trabaho ka pa rin."

"Yan na naman tayo ee, simula na naman tayo sa pagtatalo. Napag-usapan na natin yan.. Pabalik-balik na lang.." Paliwanag ko sa asawa ko.

Hindi kumibo si ilyn. Tumigil siya sa paglalaba at umupo sa kawayang bangko. Pinunasan niya ang kanyang pawis.

"Sa tingin ko lalo tayong maghihirap dito... Christopher."

"Hindi tayo maghihirap. Napapaligiran tayo ng mga kabundukan at may kakahuyan at gubat na malapit dito. Marami tayong makukuhang mga biyaya doon upang maitinda sa bayan."

"Ang layo ng lalakarin bago makarating sa bayan." kaagad na sagot ng aking asawa.

"Ako ang magdadala ng kalakal sa tiangge doon. Kukunin ko ang iniwang dalawang kalabaw at kariton ng tatay ko sa aking tiyuhin sa kabilang nayon upang magamit sa paglalakbay."

"Ewan ko sa iyo... Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin.." sabi ng asawa ko.

"Kahit papano atin na ang bahay at lupang ito na ipinamana sa akin ng mga magulang ko. May kuryente naman dito kahit liblib ang lugar." paliwanag ko.

Naisip ng asawa kong si ilyn na may katuwiran naman ako. Kaya nanahimik siya at tumayo para yakapin ako ng mahigpit.

May anim na taon ng sumakabilang buhay ang aking mga magulang. Una ang aking itay na nagkasakit ng typhoid fever. Pagkalipas ng isang taon sumunod na namatay si inay. Nag-iisang anak lang ako kaya naiwan sa akin ang bahay at lupa. Malaki ang bakuran ng kinatitirikan ng aming bahay. Kaya nagtanim kami ni ilyn ng mga gulay sa bandang likuran ng bahay.

Nung unang dating ko sa aming nayon ay nakisaka muna ako sa mga may bukirin na aming kanayon. Pero hindi nasiyahan ang asawa kong si ilyn dahil naninibago siya sa takbo ng pamumuhay sa aming nayon. Nasanay kasi siya sa siyudad. Naging malungkot at boring para sa kanya ang maliit at walang unlad na nayon. Na karamihan sa mga nakatira ay magsasaka.
Hindi naman kasi kami nakatapos ng kolehiyo. At 29 years old na si ilyn at electronics lamang ang aking alam. At si ilyn naman ay dressmaking lang ang alam. Thirty-seven na ang edad ko, mas matanda ako sa aking asawa.
At kahit nagdaan sa mahirap na pamumuhay ang aking asawa ay maganda pa rin ito. Matangkad, maputi, makinis ang balat, at maayos ang malusog na pangangatawan. May likas na ganda ang asawa kong si ilyn, kahit na walang ano mang bahid ng pampaganda ang mukha maliban sa baby powder.

Labindalawang taong gulang ang anak kong si eugene at sampu naman ang pangalawa kong anak na si a.lo.
Nagkataong summer vacation nang umuwi kami sa nayon ng sitio sibucao. Bago kami umalis sa maynila ay naisanla pa ng aking asawa ang makinang panahi.

"Hayaan mo at kapag nakaalwan-alwan ay ibibili kita ng bagong makinang panahi." sabi ko.

"Naku huwag na. Tila wala namang magpapatahi ng kahit anong kasuotan sa lugar na ito."

"Kunsabagay, mas mahal pa kung bibili sila ng tela at ipapatahi pa.. Mahal daw ang bayad sa tahi." biro ko.

"Pag-ipunan mo na lamang ang pupuhanin ko sa pagluluto ng mga kakanin at iba pang miryenda na pwede kong ilako. Maayos na negosyo ang pagkain dahil talagang kailangan ito ng tao."

Nakatulong naming mag-asawa ang aming anak sa pagtatanim ng mga gulay sa bakuran. Enjoy sina eugene at a.lo sa pagtatanim at pagdidilig... Lumusog sila sa baryo dahil malinis ang kapaligiran at sariwa ang hangin.
Hindi nagtagal, inani na namin ang tanim na mga pechay, mustasa, ampalaya, at okra. Isinakay ko ito sa kariton at dinala sa bayan. Sinuwerte naman ako at naubos ko itong itinda. Masaya akong umuwi at ibinigay ko sa aking asawa ang kalahati ng napagbentahan.

"Kukunin ko na muna angkalahati. Kailangan kong bumili ng ilang mga gamit para makagawa ako ng uling.. At pupunta ako sa kakahuyan upang manguha ng mga kahoy na magagawang panggatong at uling. Ilalako ko kasi ang mga ito sa bayan." sabi ko sa aking asawa.

Nakaramdam ng habag ang aking asawa. Alam niya kasing nagpupursigi ako upang mabawasan ang aming kahirapan at mabigyan siya ng kasiyahan.

Nasiyahan naman ako nang nasa loob na ako ng kakahuyan. Napakaraming kahoy akong nakuha. May dala akong palakol at itak. Doon ko na ginamit sa pagsibak ng mga kahoy. Binugkos ko ang mga kahoy pagkatapos ay isinakay ko sa aking kariton na hila ng dala kong kalabaw.
Kinabukasan, ibinenta ko ang mga kahoy sa palengke ng bayan.

"Masakit ang katawan ko." daing ko sa aking asawa nang kami ay nahiga.

Lumapit si ilyn sa akin.

"Dumapa ka at hihilutin kita sa likod.. Pagkatapos ay tumihaya ka at nang imamasahe ko ang bahagi ng katawan mo."

(End of chapter 1, watch out for chapter 2 on next update)

(Comment, vote, & follow neil dos)

PanaghoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon