chapter 4 "kapalit"

74 7 2
                                    

Author's pov

Salamat po sa suporta ninyo. (×_×). Lalo na sa pagsusubaybay sa mga sulat ko.
Sana po suportahan din ninyo ang ibang isinulat ko kagaya ng mga sumusunod:
"My boyfriend's secret"
"Babaerong payat"
"Magulang"
"Agimat ng kwentas"
at marami pang iba. (×_×)
Maraming salamat po (×_×)

* * * * * * * * * * * * * * * * * *

Chapter 4

"Kapalit"

Isinulat ni neil dos

Christopher's pov

"Magkano ang halaga ng dalawang pirasong gintong ito?." tanong ko sa alahero.

Napatingin ang alahero sa akin na para bang nagulat sa dala-dala kong gold bars. Sinuri niya ang ipinakita kong mga gold bars. Namangha siya at para bang ngayon lang siya nakaranas na dalhan ng mga ganitong ginto.

"Lantay na ginto ang mga ito Pare?".

" ibinayad sa akin yan ng isang arabong naisakay ko sa taksing minaneho ko nang isauli ko sa kanya ang naiwan niyang attache case sa taksi ko." pagsisinungaling ko.

"Ganun ba!".

" Magkano mo babayaran ang mga ito sa akin?." kaagad kong tanong.

"Mga dalawangpung libong piso." sabi ng alahero.

"Abay baka naman puwede mo pang dagdagan ng tatlong libo? Gawin mo na sanang twenty three thousand pesos."

"Sige twenty two thousand na lang pare para magka-bilihan na tayo." sagot ng alahero.

"Si-sige kung ayaw mo ng twenty three thousand ibabalik ko na lang doon sa kausap ko kahapon. Kasi nagkasundo na kami nun kahapon."

Nung handa na akong paalis ay inawat ako ng alahero na para bang nanghihinayang sa dala kong ginto.

"Sa-sandali pare.. Okey-okey kukuhanin ko na yan sa halagang twenty three thousand. Ang bilis mo namang magtampo...(×_×).hehehe". awat ng alahero na napatayo sa kinauupuan niya.

Ibinigay ko na ang mga ginto sa kausap kung alahero. Hindi na rin masama ang presyo.

" kapag nagkaroon ka pa uli ng ganitong uri ng ginto, dito mo na ibenta sa akin.. (×_•). Ito yung calling card ko." sabi ng alahero.

Nang mabayaran ako ng alahero ay naglulundag ako sa tuwa. First time ko kasing humawak ng ganito kalaking pera.

Gusto ko sanang mamili ng maraming bagay para ipasalubong sa aking pamilya. Kaya lang baka magtaka si ilyn. Alam niya kasing naghihirap kaming mag-asawa. Magtataka ang aking pamilya kung bigla akong bibili ng mga appliances na mamahalin.
Kaya ibinili ko na lang sila ng tig-isang damit. At isang pares na step-in para kay ilyn. At bumili din ako ng isang jeans ng levis at shirt.

Nang makabalik na ako sa amin ay kaagad akong pumunta sa bangko na malapit sa bayan. Nagbukas ako ng savings account. At nagtira din ako ng pera sa aking wallet para pang-gastos sa aking pamilya.

GANOON na lamang ang tuwa ni ilyn nang ibigay ko sa kanya at sa dalawa kong anak ang aking pasalubong.

"Saan ka kumuha ng perang ipinamili mo sa mga ito?." tanong ni ilyn.

"May ipinagawa sa akin ang kaibigan ko na electrical connections sa bagong bahay niya at binayaran ako. Mayaman na siya kaya binayaran niya ako ng malaki."

"Mukhang sinuswerte ang mga kaibigan mo ah.. Ikaw lang ang hindi.. Hanggang ngayon mahirap pa rin tayo." sabi ni ilyn na natatawa.

"Ito na nga pala yung inutang kong isang libong piso kanina."

Dahil sa natuklasan kong hiwaga sa gubat. Nasentro doon ang aking atensyon. Ni hindi ko na napapansin ang madalas na pag-alis ng aking asawa. Narito ngayon ang aking atensyon sa pusod ng gubat. Ang makakuha na naman ng ilang butil na ginto. Hanggang sa naisip ko ang baboy damo na inihagis ko sa ilog na pinalitan ng ginto. Parang kailangan ng mga nasa ilalim ng tubig ng pagkain. At ang baboy damo na inihagis ko ay kinain nila. Samakatuwid nagugutom ang mga nasa ilalim ng ilog. At kaagad naman nilang ibinibigay ang KAPALIT.

Dala ko ang aking shotgun. Namaril ako ng dalawang bayawak na nakita kong umuusad patungo sa ilalim ng mga bato. Inilagay ko ang mga ito sa plastic bag at kaagad akong nagpunta sa kinaroroonan ng patay na ilog.
Naroon pa rin ang bangkang nakatali sa punong nasa tabi ng ilog.
Nakiramdam muna ako. Kailangang mag-isa lamang ako sa ilog para walang sinomang makakita sa natuklasan kong mina.
Inihagis ko ang plastic bag na kinaroroonan ng binaril kong dalawang bayawak.
Tulad ng dati, narinig ko ang mga PANAGHOY, mga ungol at malalim na paghinga. May mga nagkilusan sa ilalim ng tubig ngunit wala akong makita kundi ang pagbulwak ng kulay lumot na tubig ng ilog.
Nawala ang supot na pinaglagyan ng dalawang bayawak, lumubog ang mga ito.
Maya-maya'y, may parang ilang pirasong mga batong nagmula sa tubig ng ilog. Nag-landing ang mga ito sa loob ng nakataling bangka.
Maingat akong lumapit sa bangka. May tatlong mga butil na ginto akong nakuha. Maliit ang mga ito, kasing laki lamang ng itlog ng butiki. Napangiti ako. (×_×)/.

"Kapag maliit pala ang pagkaing inihagis ko sa mga mahiwagang creatures sa ilog, maliit din ang KAPALIT na ginto." sabi ng isip ko na nakangiti.

"May mga kung anong uri ng hayop sa pusod ng patay na ilog na nagugutom. Laging nag-aabang ng makakain. May isip ang mga ito dahil pinapalitan nila ng ginto ang pagkaing ibinibigay sa kanila. Hindi nila kailangan ang ginto ngunit alam nilang gusto ito ng tao. Ano kaya ang mga ito? Mga lamang lupa? O mga lamang ilog?." tanong ko sa aking sarili.

Napatingin ako sa aking kalabaw na payapang nanginginain ng damo.

"Gaano kaya kalaking ginto ang KAPALIT ng aking kalabaw kung ito ang ilubog ko sa ilog?". naitanong ko sa aking sarili.

Kaagad kong iwinaksi ang isipang iyon. Hindi ko maaaring sayangin ang aking kalabaw. Ito ang katulong ko sa paghahanapbuhay.
Palihim akong nagpunta sa aking suking alahero at ibinenta ang apat na maliit na butil ng ginto. Binayaran niya ako ng sampung libo.
Idiniposito ko ang pera sa aking savings account. Ibinili ko ng mga damit ang aking mga anak. Pero hindi ako bumili ng kahit na ano kay ilyn.
May hinanakit kasi ako sa kanya. Dahil sa sama ko ng loob kay ilyn ay nagbabad ako sa gubat.
Nag-abang ng mga hayop na mababaril para ihagis sa patay na ilog. Pinalad naman akong nakabitag ng malaking baboy damo sa ginawa kong mga patibong.
Inisip kong huwag na ito ihagis sa ilog. Iuuwi ko na lang at itatapa para may masarap kaming uulamin sa loob ng isang linggo.
Ikakarga ko na sana sa kariton ang nahuling baboy damo nang may nakita akong lalaki na may dalang baril.

" Hoy! Akin ang baboy damong iyan! Ibaba mo iyan kung ayaw mong barilin kita!". sigaw na malakas ng isang estranghero.

Alam ko na akin ang baboy damo. Dahil nahuli ito sa ginawa kong patibong. Nagtatakbo ako papunta sa may patay na ilog. Dahil alam kong naandoon ang aking kaligtasan. Mabilis akong tumakbo kaya malayo na ako sa tumutugis na lalaki nang makarating ako sa gilid ng ilog. Ay
Inilagay ko sa bangkang nasa tabi ng ilog ang baboy damo. Tinanggal ko ang pagkatali nito sa punong kahoy. Pagkatapos ay nagtago ako sa pagitan ng malalaking punong kahoy na malapit sa ilog. Humihingal na dumating doon ang estranghero na mabalasik ang mukha. Hawak pa din nito baril. Ngunit napangiti ito nang makita na nasa ibabaw ng bangka ang baboy damo na nakatali ang mga paa.
Agad na lumusong sa tubig ang lalaki upang kunin ito sa bangka na medyo umusad nang kaunti mula sa kinalalagyan sa gilid ng ilog.

(End of chapter 4, watch out for chapter 5 on next update)

(Comment, vote, & follow neil dos)

PanaghoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon