Chapter 11 "sa gilid ng bundok"

97 7 3
                                    

Chapter 11

"Sa gilid ng bundok"

Isinulat ni Neil dos

Christopher's pov

Hindi ko matanggihan ang kaibigan kong si Romeo.

"Oo, kailan tayo magsimulang maghanap? May isa lang akong kondisyon romeo."

"Ano iyon?".

"Kapag nakita natin ang patay na ilog na ito, hindi ako kasali sa paghuhulog mo doon ng kahit na ano.? Hindi ako interesado sa gintong makukuha mo. Tutulungan na lang kitang hanapin ito."

"Ikaw ang bahala.. sa susunod na linggo tayo magsimulang maghanap.. may kasalukuyan akong assignment ngayon."

"Tawagan mo ako kapag ready kana." sabi ko.

"HUWAG sanang makalabas ang ating pinag-usapan. Delikado ito.. at baka magdagsaan ang mga magsisipunta sa patay na ilog kapag kumalat ang balitang ito."

"Asahan mo romeo.."

"Kilala kita Christopher. Mabuti kang tao. Kaya ikaw ang napili kong makatuwang sa misyong ito. Alam kong kailangan ng pamilya mo ang pera."

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Kapag nakita ni romeo ang patay na ilog. Tiyak na maraming mga kriminal ang ihuhulog niya upang maipalit sa ginto. Alam kong may pagka-ganid sa pera si romeo.

Kailangang makaisip ako ng paraan upang huwag makita ng kaibigan kong pulis ang patay na ilog.

"Pero paano?". sabi ng isip ko.

Naalaala ko ang isang albularyo na matalik na kaibigan ng aking ama nang buhay pa ito. Nakatira ito sa isang kubo sa gilid ng bundok.

Naisipan ko na puntahan ang albularyo upang humingi ng payo.

Kailangan kong malaman kung ano ang dapat kong gawin upang maiwasan ang lagim na maaaring idulot ng patay na ilog kapag natagpuan ito ng isang taong walang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba.

Naghanda ako para magpunta sa gilid ng bundok. Malayo ito sa aming nayon.

"Saan ka na naman pupunta Christopher? Mukhang hindi ka matigil sa bahay nitong mga nagdaang araw.." tanong ni ilyn.

"Naghahanap ako ng pera. Hindi ba gusto mo nang umalis tayo dito?".

"Oo, pero ayaw ko nang magbalik sa maynila."

"Sa cavite, gusto mo?".

"Oo ba. Maganda doon. Tahimik ngunit maunlad ang buhay. Ngunit imposibleng magkaroon ng katuparan ang pangarap mong iyan." sabi ni ilyn.

"Malay mo baka bigla tayong doon mapatira.. ikaw ang taong napakadaling mawalan ng pag-asa."

"Sana nga, Christopher na magkatotoo ang mga pangarap mo. Mag-iingat ka sa iyong mga lakad."

Bago ako magtungo sa bundok ay ipinalipat ko sa mga sangay ng mga bangko sa cavite ang aking mga naipong pera.

Matanda na ang lalaking si mang cardo. Nagpakilala ako sa kanya.

Nasiyahan siya dahil nakita niya ang anak ng matalik niyang kaibigan na aking ama.

"Ano ba ang atin, amang?." tanong ng matanda.

Isinalaysay ko ang tungkol sa patay na ilog ngunit sinabi niyang hindi siya ang nakatuklas dito kundi isang kaibigang taga maynila na ngayon ay nasa America na.

Iniba ko ang sitwasyon at mga pangalan. Hindi ko binanggit ang aking sarili at ang kaugnayan ko sa patay na ilog.

"May ganyan ngang mga patay na ilog na pinamumugaran ng mga lamang lupa. Takot silang lumabas kaya naghihintay lamang ng makukuhang pagkain na aksidenteng mahulog sa kinaroroonan nila." sabi ng matanda.

"Bakit po sila takot na lumabas?."

"Dahil takot silang masikatan ng araw. Takot sila sa apoy at sa liwanag ng araw. Kailangan nilang manatili sa dilim."

"Para po pala silang mga drakula o mga bampira." sabi ko.

"Oo, pero matalino ang mga lamang lupa. Alam nilang ang mga nilalang sa ibabaw ng lupa ay ganid sa salapi at ginto. Sa mga batong hiyas. Kaya gumagawa sila ng paraan na tumbasan ng ginto ang bawat taong ialay para sa kanilang pagkain. Hindi dapat na masamang tao ang makatagpo sa patay na ilog. Hindi isang ganid sa salapi at ginto. Dahil tiyak na maraming taong mapapahamak..."

Napalunok ako sa sinabi ni tatang cardo.

"Paano po ba mapupuksa ang mga lamang lupa?".

"Hindi sila mapupuksa habang nasa ilalim ng tubig o lupa. Kailangang makalabas sila upang masinagan ng araw.. o masunog ng apoy.,"

"Paano masusunog ang isang ilog?."

"Kailangang buhusan ito ng maraming gasolina at sindihan. Hindi naman kakalat ang apoy dahil ilog ito. Ngunit tiyak na masasalanta ang mga lamang lupang naroon."

"Mamamatay na po ba ang mga lamang lupa?."

"Hindi amang, lilipat lamang ang mga ito ng ibang matitirahan kung saan sila puwedeng matapunan ng makakain. Kapag taong buhay ang nahulog sa kanila, maraming ginto ang kapalit nito."

Kinilabutan ako. Naalaala ko na naman ang kaibigang pulis na si romeo.

Tiyak na maraming mamamatay na walang katarungan kapag natuklasan ni romeo ang patay na ilog.

"Sabihin mo sa kaibigan mo na buhusan ng maraming gas o gasolina ang patay na ilog at silaban ito."

"Ano po ba ang anyo ng mga lamang lupa tata.?".

"Hindi ko alam, Christopher. Hindi pa ako nakakakita ni isa sa mga ito. Pwedeng nakakatakot.. matutulis daw ang mga ngipin at kuko ng mga ito.. yan ay ayon sa matatanda."

Nang makabalik ako sa amin ay ipinasiya kong sunugin ang patay na ilog. Kahit na mawalan na ako ng pag-asang muling makakuha ng mga butil ng ginto dito.

Marami na akong naipong mga ginto at batong hiyas. Marami na akong naipong pera sa pinag-bentahan ng mga ito. Tama na iyon upang makapag-tayo kami ng isang maunlad na negosyo.

Hindi naman ako gahaman sa labis na kayamanan. Tama na sa akin ang magkaroon kami ng maayos at maginhawang buhay. Magkaroon ng sapat na ipon para sa mga emergencies ng buhay.

Ayaw ko nang magkasalang muli. Ang tatlong taong nahulog sa patay na ilog dahil sa kagagawan ko ay pawang masama. Iyong una na mangangaso ay gusto akong barilin dahil lamang sa baboy damo. Ipinagtanggol ko ang aking sarili.

Ang pangalawa ay ang pedophile na iniligtas ko lamang ang maraming mga kabataang magiging biktima pa nito.

At ang huli ay si nestor, isang walang pusong usurero, babaero, at nakahandang wasakin ang aking pamilya. Na tanging kayamanan ko sa aking buhay. Hindi ko matanggap na mawala sa aking buhay ang aking asawa.

Naniwala ako na dapat lamang sa mga ito ang sinapit nilang malagim na kapalaran.

HATINGGABI nang lihim na nagpunta ako sa gubat. May dala akong dalawang drum ng gasolina sa aking kotse.

(End of chapter 11, watch out for chapter 12 on next update.)

(Comment, vote, and follow Neil dos)

PanaghoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon