11. Special Treatment

38 2 0
                                    

Chapter 11

Daine's POV

Andito parin ako sa ospital tumatambay. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Boring talaga dito. Lahat na siguro ng games sa phone ko nilaro ko na. Bagot na bagot na talaga ako ugh. Si Nay Tina ngayon ang kasama ako. Buti pa siya, hindi nabobored. Nagbuburda siya ngayon at sumisipol-sipol eh ako? Nga-nga. Kanina binisita ako ni Lolo at pinagalitan pa dahil raw hindi ko siya tinawagan ng maaksidente ako. Aba naman Lolo, sino ba ang mahihimatay na at my time pa natawagan ka? Sabi niya raw pinaghahanap na ang may kasalanan sa nangyari. Alam kong nag-aalala silang lahat sa akin at dahil sa nangyari, kaya 100x na bantay sarado na ako. Kahit nga sa labas ng kwarto ay my mga body guards na rin. My CCTV na sa loob at labas ng kwarto ko at si Lolo ang my pasimuno ng lahat ng iyon. Wala rin si Mommy at si Daddy ngayon dahil my meeting sila sa kumpanya. Bored talaga ako, jusmiyo ano kaya ang magandang gawin?

"Ay anak ng tipaklong!" gulat na sigaw ni Nay Tina. "Nay? Okay lang kayo?" binigay niya sa akin yung IPad. "Jusmiyo, anak. Nagulat ako dahil ng vibrate ito ng todo. Mukhang my tumatawag po sa inyo." kinuha ko yung IPad at nakita kong tumatawag si Myrr sa Skype. I answered it and fixed the camera. "HI D!" bungad sa akin ni Trick. "Hello D, how are you?" sabi naman sa akin ni Stan at nagsisiksikan sila sa harap ng camera. "Guys! Di ako makahinga dito!" reklamo ni Neil na naiipit na. Umayos silang lahat sa harap ng camera. "Hey D, we will go there later after practice." Myrr smiled at me. Hinanap ko si Vaid at nakita ko siya sa gilid ni Myrr na nakasimangot. "Vaid, my problema ka ba? " tanong ko at umiling lang siya. Tatanungin ko pa sana siya pero agad siyang tumayo at umalis. "Problema non Myrr?" nagpout ako, bakit ba nagkakaganito si Vaid? "Kaninang umaga pa yan D, ikaw nga ang bukang-bibig ng gagong yun. Hinahanap ka eh huli niya lang naalala na nasa ospital ka. Badtrip lang yun." Stan explained at ngumiti ako sa sinabi niya. Loko talaga si Vaid. "Sige D! See you later, may practice pa kami at pinasasabi ni Coach na get well soon raw!" at nagflying kiss silang lahat sa akin. Natawa ako sa inasal nila. Pinatay ko yung call at humiga ulit. Vaid calling... oh? Tumatawag ang loko. "Yes Vaid?" bungad ko sa kanya. "How are you?" he asked at napaka husky nung boses niya, shete oh. "Vaid, sana sinabi mong gusto mo akong masolo eh sana nabigyan nila tayo ng time para mag-usap." pinipigilan ko lang yung tawa ko. "Pssh, adik ka. Ano gusto mong dalhin ko diyan mamaya?" hmmmm ano kaya? "I don't know and pwede bilisan niyo magpractice? Hehehe, bagot na bagot na kasi ako." Please Vaid bilisan niyo naaaaa. "Bored ka? Gusto mong chocolates ang dalhin ko mamaya?" kilalang-kilala niya talaga ako. "Pwede, hehehehe" Vaid knows me well. "Gusto mo ferrero at Meji? Alam ko namang yan ang gusto mo basta bored ka." I can imagine na ngumingiti si Vaid habang sinasabi ang mga ito. "Omg, yes Vaid. Damn, nagcrave ako ng di oras." at tumawa siya sa kabilang linya. "Okay D, see you in a bit!" we bid our goodbyes at pinatay ko na yung call.

Boogsh! "Waaaa! Kilala niya kami! Bitiw! Oy! Wag! Ano ba!"

"Nay, bat may nagkakagulo sa labas?" ang ingay eh, parang my nagrarambol sa labas. "Teka lang nak, puntahan ko lang." pagbukas ni Nay Tina ay nakita ko sina Trev at Aedan na pinipigilan ng mga body guards. Napailing na lang ako. "Kilala kami ni Daine! Bibisita lang kami!" pumipiglas si Zeth sa hawak ng mga body guards ko. "Daine! Andito kami! Bitiwan mo nga ako!" reklamo ni Trev sa hawak ng isa pang body guard. "Hindi mo ba kami kilala? Ha? May banda kami!" pero hindi parin nakinig ang mga body guards sa kay Blake at hinaharangan parin ang daan. "Nak, kilala mo ba ang mga yan?" nagtatakang tanong ni Nay Tina. "Ah, oo nay. Kaibigan ko po sila. " at natawa na lng ako sa mga nagyayari sa labas. "Sige nak, kakausapin ko na lang ang mga nagbabantay." Lumabas si Nay Tina at tumahimik na sa labas. Mukhang kinausap na niya ang mga nakabantay. Nay opened the door at nakita ko ang mga mukha nina Blake, Zeth, Trev at Aedan. Parang nagmula sila sa rambol at may mga gitara silang dala. "Nak, labas muna ako" umalis si Nay tina at iniwan niya kami ditong lima.

Me and the Rest of the GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon