Chapter 16
Daine's POV
Andito ako ngayon sa pool nakatambay at kakatapos lang namin magdinner. Yung iba hindi pa lumalabas dahil pinahugas sila ng pinggan. Yung Minorities ay una ng umalis dahil my documentary raw silang tatapusin. Kaming mga Primaries ay magpaparty-party pa mamaya ngunit yung Minorities mukhang tutok sila sa pag-aaral eh. Ang mga parents namin ay nasa loob rin dahil daw my 'adult talk' silang gagawin. Sus, you mean business talk? May chips akong dala pero nakalimutan kong magdala ng inumin. I was about to stand up but Vaid appeared and gave me a glass of wine. "Here." abot niya sa akin ng wine at napaupo na lang ako. "Thanks Vaid." ngumiti ako sa kanya. I dipped my feet on the pool at tumingala sa langit. "How I wish this will last forever." I whispered. "Bakit naman?" sulpot niyang tanong. "Hmmm, masaya kasi ang lahat at walang inisip na problema." sagot ko pero nakatingala pa rin ako. I can see how the stars shine with the presence of darkness. The wind blew at napakalamig nito. Naka jersey parin kasi ako. "Ugh, forgot my hoodie inside." tatayo na ako pero Vaid held my hand. "San ka pupunta? Umupo ka nga." ma-otoridad niyang sabi at wala akong nagawa kundi sundin ito. "Heto oh." he took off his jacket at binigay ito sa akin. "Umm thanks." naka jersey rin pala siya. Sinuot ko ito and can smell his masculine scent. Pagtingin ko kay Vaid, I caught him staring at me at umiwas siya ng tingin agad.
"YON ANG PUSTAHAN NATIN STAN! TALO KA! DO THE DEAL!" nagulat kami ni Vaid sa sigaw ni Trick. Unang lumabas si Stan at kasunod si Trick na parang hinahabol niya si Stan. "STAN GREER! NATALO KA ! DAYA MO!" nilakasan niya pa ang sigaw at napatakip kami ng tainga ni Vaid. Nagmamadaling lumakad si Stan papunta sa amin at hinabol ang kanyang hininga. "Oy Stan, ano ang problema ni Trick? Sigaw ng sigaw eh." tanong ni Vaid. "Ahh kasi naglalaro kami ng football sa Ps4 ni D, nagpustahan kami kung sino ang unang makagoal ay may wish." he scratched his head. "And then?" tanong ko naman. "Nanalo siya at ang wish niya ay ipiggyback ride ko raw siya." di ko mapigilan ang pagtawa sa sinabi ni Stan. Tumakbo si Trick papunta kay Stan at bigla siyang sumakay sa likod ni Stan. "Whoooo!" sigaw niya. "Ugh! Bumaba ka nga! Masakit pa ang likod ko dahil sa game kanina! Trick!" inis na daing ni Stan at sumasakit na ang tiyan namin sa kakatawa. "AYAW!" at kumapit siya ng mahigpit sa leeg ni Stan. "Baba! Isip bata ka! Kung hindi ka bababa ihuhulog kita sa pool! Sige ka!" pagbabanta ni Stan sa kanya. "Ayaw mo ha," Stan was about to jump sa pool pero agad kumawala si Trick. "DAYA MO!" napatawa na na lang kami sa pagbabangayan nilang dalawa.
"Tol, anyare sayo? Badtrip lang?" tanong ni Vaid sa kalalabas lang na si Neil. "Sino ang hindi mababadtrip kung ikaw lahat ang naghugas ng pinggan." ang sama ng tingin niya sa dalawang nag-aaway pa rin. "Hindi ba tumulong silang dalawa? Eh si Myrr?" Myrr is always doing the chores, impossible na hindi siya nanghugas ng pinggan? "Yang dalawang iyan? Nagbabangayan lang yan kanina pa. Hindi nga tumulong kahit magligpit man lang at si Myrr naman ay kinausap nila ni Tita kaya hindi niya ako natulungan." umupo si Neil malapit sa amin. "Okay lang yan Neil, minsan may mga bagay na dapat natin gawing mag-isa. Mahirap sa una dahil nasanay kang may kasama ka pag ginawa ito pero sa huli doon mo na lang mapagtatanto na hindi mo sila kailangan dahil kaya mo na." sabi ko at kumain ako ng chips. "Hugot na hugot ka D ah! Ganyan ba ang tama ng wine sayo? Di mo pa nga nauubos oh! Hahahah!" tinawanan ako ni Neil at ni Vaid. "May mali ba sa sinabi ko?" Napakamot na lang ako ng ulo. "Lakas ng tama mo D!" sabi ni Vaid at ginulo niya ang buhok ko. "Guys naman, totoo naman ang sinasabi ko ah." at nagpout na lang ako.
Bumukas yung sliding door at lumabas si Myrr. Agad siyang umupo sa tabi ko at may dala siyang red cups at isang Johnie Walker. "Myrr! Bat my dala-dala kang mga ganiyan? Titirahin mo yan ng mag-isa? Hardcore ka!" sabi ni Stan na may nakakalokong ngiti sa kanyang mukha. "Loko, let's play a game!" pag-aaya ni Myrr sa amin. "Ano na man ba yan Myrr? Baka pasolvin ma kami ng equations tulad ng dati eh wag na lang!" sabi ni Neil na tinitirintas yung buhok ko. Pinagtitripan yata ako eh. "Iba to! So sali kayo?" tanong niya at parang game na game rin kami. "Okay so ang game natin ay 'Truth or shot' ang mechanics ng game ay napakasimple. These red cups are filled with our drink with different volumes." he said while pouring our drink into the cups."Each one of us has boundaries. These two cups will serve as your boundaries." turo niya sa mga cups. "Gagawa tayo ng bilog with these cups and this empty bottle ang gagawin nating spinner sa gitna." we formed a circle using the 12 red cups. "Okay so here's the best part of the game. You spin the bottle and we will ask you a question. We are only allowed to ask and answer, not ask and ask okay? So you will either choose to answer it or drink the cup kung saan nakatuon yung bottle. Each one of us has a turn na magspin ng bottle para walang daya. And the one who will break the rule will just simply treat us. Pizza maybe? So game?" tanong niya at mukhang excited na kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Me and the Rest of the Guys
Ficção AdolescenteShe grew up with boys around her. Being one of the guys is easy for her. It's in her nature. The way she walks, talks and even the way she eats, the way she acts and the way she dress. Just like one the of guys. But we can't deny she still have...