Marin Grace Elizarde
Nagugutom pa ko.Nakakasawa 'yung popsicles sa refrigerator ni Akane Ukelele.
Hmmm. Ay, teka?
Matignan nga 'yung iba pang laman ng ref ni Akane.
Pagbukas ko sa chiller nakakita ako ng ground pork then nakakita rin ako ng iba pang ingridients na pwedeng pang-siomai at may siomai wrapper pa!
Umakyat ako sa kwarto ni Akane Ukelele.
"Ukelele! Yohoooo! Are you there?" sabay katok ko sa pinto ng kwarto ni Akane.
"Problema mo, baliw?" bungad na agad niyasa'kin pagbukas niya ng pinto.
"'Pag mukha kong maganda, baliw agad? Aba, umayos ka, Akane Ukelele. 'Wag ganun."
"Eh, ano ngang problema?"
"Eh, kasi nagugutom ako."
"Anong oras na kaya, Yaniyan. Pati, anong tingin mo sa'kin? Pagkain? Doon ka maghanap ka sa ref."
"May nakita na ko. Tatanungin lang sana kita if gusto mo ng siomai."
"Wala namang siomai sa ref ah?"
"Wala nga. Pero gagawa ako. Gusto mo? Hindi ka ba nagugutom?"
"Siomai? Gusto ko niyan! So gagawa ka? Ako rin, gusto kong gumawa."
"Surenessss! Taraaaa, dali!"
Bumaba kami at dumiretso sa kitchen.
Ako 'yung nagbalat ng ibang vegetables and si Anake naman 'yung sa pagtimpla at pagpalasa nung pork.
After nu'n ay pinagtulungan naming balutin 'yung Siomai.
"Grabe, ang dami pala neto! Yummyyyy!" natutuwang pahayag ni Akane.
"Sige, isalang mo na 'yan, Akane," utos ko sa kanya. Aba,siya may-ari ng bahay dapat siya magsalang nu'n. Hahahaha!
"Ayos ka, ah. Maka-utos, wagas?" reklamo ni Akane.
Magsasalita pa sana ako pero may nag-doorbell. Eh? Gabi na, ah. Sino kayang bisita ni Ukelele?
"Uyyy, Ukeleleng Baliw, sino bisita mo?" tanong ko sa kanya.
"Kilala ko na agad? Nabuksan ko na ba 'yung pinto?" Taraaaay naman nitong babaeng 'to.
Hmmm. Sino kaya 'yun? Gabi na, ah.
"Ako na magbubukas. Tignan mo na lang 'yang siomai natin. 'Wag kang kakain agad, ah. Bilang ko 'yan," sabi ko kay Akane.
"Aba, Chismosa. Sige na, buksan mo na 'yun."
Pagpunta ko sa gate para pagbuksan 'yung bisita ni Akane ay nagulat ako."Oh, Mikee, bakit ka napasugod? Gabi na, ah?" takang tanong ko habang pinapapasok siya sa bahay ni Akane. Nakita ko naman si Akane na papalapit sa'min ni Mikee.
"Mikee, umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya. May luha kasi na tumutulo galing sa mga mata niya.
"Marian, common sense mo iniwan mo na naman sa kung saan. Natural umiiyak siya. Baka tumatawa siguro kaya may luha siya?" sabat naman ni Akaneng Baliw.
"Dala ko kaya lagi 'yung common sense ko. Naka-turn-off nga lang."
Nakita ko na dire-diretso si Mikee sa loob ng bahay. Pagpasok namin nakita ko siyang pumunta sa kusina at hinawakan 'yung takip nu'ng niluluto naming siomai.
BINABASA MO ANG
When Landi Meets Hinhin (Published)
Teen FictionThis story is a work of fiction, Names, characters, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales are entirely coincidental. First Half: July...