Warning: Tissue.
Dejokelang. hahaha.
follow me on twitter: @StaberryBlends salamat!
Enjoy reading
pakinggan niyo yung KISMET ng silent sanctuary habang binabasa tong chapter na to. wala lang parang mas maganda lang eh hahaha.
read, vote and comment
xxxxxxxxx
AKANE's POV
"...can we talk?" hiling niya. parang may kakaiba. malungkot siya.
kinabahan ako bigla
Di ko akalain na susundan niya ko sa may CR para kausapin.
tumango ako.
nagsimula siyang lumakad palabas ng villa. sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa may dalampasigan. umupo siya at nyakap ang mga tuhod.
Hindi ako makapagsalita kaya umupo na lang din ako sa may tabi niya.
Di ko alam ang sasabihin ko. nakita ko siyang nakatanaw sa may dagat habang patuloy pa rin ang yakap niya sa kanyang tuhod.
mga ilang minuto pa kami sa ganitong pwesto bago siya nagsalita.
"Alam ko may namamagitan sainyo. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa Akane." Malungkot na sabi niya.
yumuko lang ako na parang isang batang nahuling kumukuha ng sitsirya sa tindahan.
"Four years ago bago ako umalis papuntang Australia nagtapat siya sakin. Sabi niya mahal niya ko. isa yun sa napakasayang araw sa buhay ko. Bata pa lang kami mahal ko na siya." sabi niya nakita kong dumadaloy ang luha sa maganda niyang muka.
"Ang sabi pa niya, 'Candy, pangako maghihintay ako. mahal na mahal kita.' tandang tanda ko yung sinabi niyang yung nung nasa airport ako. Yun yung pinanghahawakan kong salita niya." patuloy na kwento niya.
"bago maging kami, naging magbestfriend muna kami fo almost 10 years. I was five and he was six nung una ko siyang nakita and from that day iniisip ko na siya na ang prince charming ko. mula nuon hanggang ngayon di nagbago yung pagmamahal ko sakanya." lalong lumakas ang pagragasa ng luha sa mga mata niya. naguguilty ako kasi alam ko isa ako sa dahilan kung bakit malungkot siya.
"...Candy" tanging sabi ko.
"Dati nahuli ko siya may kasamang babae sa condo niya pero binalewala ko lang. ang sabi ko sa sarili ko may pangangailangan din siya na di ko maibibigay nung panahon na yun nangako kami na walang mangyayari samin hanggat di kami kinakasal" tumawa siya ng pagak.
"buong buhay ko siya ang naging sandigan ko. lahat ng problema ko nawawala pag nanjan siya. masyado akong confident na mahal niya ko at di siya magbabago. may mga babae siya , oo pero mga pang one night stand lang. Alam ko di siya mahirap mahalin." binago niya ng pebbles yung dagat. nakangiti siya pero may luha pa ring bumabagtas sa magaganda niyang pisngi. napaka perpekto ng pagkakagawa sa physical attributes niya. lumalala ang insecurities ko lalo na sa mga sinasabi niya.
"Babae ka rin Akane, alam mo yung pakiramdam ng maagawan at mawalan. Maganda ka naman eh. Mabait at Sexy pa. I'm sure makakahanap ka ng iba." parang sinampal ako sa sinabi niya. oo alam ko lahat yun at naranasan ko na. MASAKIT. sobrang sakit. ayun nga ang dahilan kung bat ako naging miserable di ba? nagsisimula ng mamuo yung mga luha sa mga mata ko. parang alam ko na kung saan hahantong ang usapang ito.
"Dati confident akong ako lang ang mahal niya until you came into the picture. Lahat nag-iba, lahat nagbago. I'm not blaming you. you are very lovely and hindi ko itatago sayong naiinsecure ako sayo. pero sana lang hayaan mo na lang kami. iwasan mo na siya. di ko kasi kayang mawala siya sakin. I am no saint Akane. Tao lang din ako. nasasaktan at nagmamahal. Matagal kong pinag-ingatan yung relasyon namin. ayokong mawala lang to dahil sayo." puntong punto niya sakin. and with that, kumawala na ang mga luhang naipon sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
When Landi Meets Hinhin (Published)
Teen FictionThis story is a work of fiction, Names, characters, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales are entirely coincidental. First Half: July...