Akane Marie Sachiko
NAGSE-SELFIE ako nang may narinig akong sumigaw.
"Aaaaaaaaaaaaaah! @$#^&!%#^%! HUTANGENA! MAY IPIS!"
Boses ng lalaki
Huh?
Sino 'yun? Shems naman, oh. Tinaguan ko na nga sina Yaniyan kasi akala ko may peace of mind ako dito kasi walang tao. Tapos nagse-selfie pa ko para i-post sa twitter at sa FB para makita ni NicoBabe at umuwi na siya dito.
Pero mali ako dahil ngayon ay may narinig akong boses ng lalaking daig pa si Marian kung makatili.
"Ang bading mo naman," 'di ko napigilang sambit.
Hindi maipinta ang itsura niya. Psh! Si Miggy pala 'to. Akala ko pa naman tipong lalaking-lalaki 'to 'yun pala bading ata 'to.
"Ang ingay mo naming, bading ka. Ipis lang 'yan daig mo pa babae kung makatili," pagpapatuloy ko. 'Di niya pa rin ata napapansin kung nasan ako. #MedyoTanga
Paglingon niya, nakita niya kong nag-iinat ng katawan.
Haaaay...nagtunugan na mga buto ko. Dalawang oras na pala akong nandito. Paano naman kasi, masarap dito sa rooftop.
Tapos nakita ko si MiggyBading na parang nairita ng itsura.
Aalis na sana ako pero mukang naka-recover na siya sa kabadingan niya.
"Sinong bading?"
"Ikaw," walang emosyon kong sagot.
Mukha naman kasi siyang bading sa kakasigaw niya kanina, eh. Kalalaking tao nga kasi napakabading! Tapos crush ko nga siya'di ba? Ayun ang nakakasar du'n.
"Tibo." Narinig ko naman sabi niya.
Ako? TIBO?! What the?!
"Ano?!" sigaw ko sa kanya.
Nai-istress ako sa bading na 'to! Tawagin daw ba kong tibo? sa mala-DYOSA kong itsura, tapos tibo?!
Ugh!
"Du'n ka na nga, Akane. Matutulog na ko. Alis na, pumasok ka na," pagtataboy niyasa'kin.
Wow, close lang?
"Close tayo? Maka-Akane ka diyan, ah. At oo na, aalis na ko. Ayoko kasing may kasamang bading," pang-aasar ko pang sabi habang papunta sa may pintuan.
"Lalo naman ako, ayokong may kasamang TIBO," sabi niya habang nakangisi.
Letse!
'Pag ako na-badtrip dito papakita ko dito ang alindog kong mala-dyosa, pero'wag n,a baka ngumanga pa 'to, eh.
Kaya nu'ng papasok na ko sa pinto pababa ng building ay binalibag ko 'yung pinto. Bad trip, eh!
AT dahil wala naman akong gagawin ngayon at tapos na ang klase ko at hindi naman ako required sa SC ngayon ay gagala na lang ako.
Hmmmm...
Saan kaya pwedeng pumunta?
Gusto kong kumain.
Gusto ko ng unli samgyeopsal (Samgyeopsal is a grilled pork belly na traditional food ng Korea).
Matawagan nga sina Mikee.
"Oh, bading, bakit?"
"Tara, punta tayo du'n sa bagong bukas na resto. Punta tayong Don Day." Gusto ko talagang kumain. Huhuhu!
"Di ako pwede bading. May pasok ako.
"Awww. Sayang libre ko pa naman sana. Okay, bye!" Sayang wala akong kasama. Mukha naman akong tanga if mag-isa ako magpunta du'n. Leshe.
BINABASA MO ANG
When Landi Meets Hinhin (Published)
Novela JuvenilThis story is a work of fiction, Names, characters, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales are entirely coincidental. First Half: July...