Happy Mornight!
Naka pag UD ako kasi nakita ko syang OL eh ^3^
Mwehehehehe.
READ, VOTE && COMMENT!!! ILOVEYOU GUYS!
Dedicated kay Nhie. I love you sooo! salamat sa pagpunta sa bahay
xxxxxxxxxx
MIGGY's POV
"Hey food for you." Bungad ko kay Tibo pagbukas niya ng pinto.
"Oh? Pasok ka." Sabi niya sakin at niluwagan ang bukas ng pinto. Mukang bagong gising siya. Siguro pagod talaga to.
"Para sayo. Mukang di ka pa ata kumakain ng hapunan eh. I'm proud of you Tibo galing mo kanina ah" sabi ko sakanya habang ginagala ko yung paningin sa bahay niya
Syempre perstaym ko makapunta dito.
kung titignan mo siya mula sa labas ay parang simple lang yung itsura nung bahay pero pagpasok ko ay nakita ko yung isang malaking portrait malapit sa hagdan tapos yung bahay ay halatang bahay ng babae kasi Colorful masyado yung bahay ni Akane pero in a good way na ang lamig tignan sa mata
Umupo ako sa sofa sa sala niya, kulay pula.
Ang linis ng bahay niya
"bading tara kain na" Sabi niya sakin at dumiretso kami sa dining area ng bahay niya. Malaki yung bahay niya para sa isang tao.
"Tibo, Ikaw lang mag-isa dito?" Tanong ko sakanya pagkaupo ko.
"Ah oo. wala kasi yung parents ko nasa Japan pero uuwi sila sa Wednesday para sa kasal ng tito ko." sabi niya sakin
Ah makikita ko kaya yung mga soon-to-be inlaws ko?
Hahahaha
"Ah. Nga pala sorry kanina ah?" Sabi ko sakanya.
"Ha? para naman saan?" Takang tanong niya sakin.
"Eh kasi kanina dun sa outreach kasi naman si Clarine eh." sabi ko sakanya
"Hayaan mo na yun, sanay na ko sa pinsan kong yun." sabi niya pa sakin.
Ano? Pinsan niya si Clarine?
"What? Pinsan mo siya?" tanong ko sakanya
"Bading, Ano to? Tanga-tangahan? Kakasabi lang diba?" Pilosopong sagot niya sakin habang kumakain kami
"Eh bat parang magkaibang-magkaiba kayo?" sabi ko sakanya
"Talagang magkaiba kami. Ganda ko kaya sakanya" Mayabang na sagot niya
Pagkatapos naming kumain nagcoffee lang kami saglit at umuwi na rin ako alam ko kasing pagod na rin si Akane at gusto niyang magpahinga pinuntahan ko lang talaga siya para bigyan ng pagkain.
Para na rin yung pagpapasalamat ko para sa pagalaga niya sakin nung injured ako.
"Sige Tibo alis na ko." Sabi ko sakanya pagkahatid niya sakin sa gate ng bahay niya.
"Okay ingat sa pagdadrive bading! Salamt ulit sa foods." sabi ni AkaneBabes sakin
"Donnut" Sabi ko tapos pinat yung ulo niya at sumakay na ko sa kotse.
Habang nagdadrive ako ay tumunog yung phone ko.
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya
"Bading!!!!" Tili ni Akane. Aray naman ang sakit sa tenga
"Oh bakit?" Tanong ko sakanya
"Ano ba yung 'donnut' na yun? nung nakaraan ka pa donnut ng donnut eh" Sabi niya. Tsss.
BINABASA MO ANG
When Landi Meets Hinhin (Published)
Ficção AdolescenteThis story is a work of fiction, Names, characters, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales are entirely coincidental. First Half: July...