Chapter 3: Psychogenic Amnesia

3 0 0
                                    



Akala ko ok na ang lahat ,

akala ko magiging masaya na kami,

Pero akala ko lang pala ang lahat ng iyon .

Weeks na ang lumipas , lumipas na hindi ko siya maka usap,

mayakap ,

at ilang days ko ng sinasabi na mahal ko siya na sana lumaban siya .

Naglakad ako ng naglakad patungo sa kaniya , sa taong mahalaga sakin , sa taong minahal ko ng lubos.

Nandito na ako sa puntod niya, lumuhod ako para mahawakan ang lapida niya . Miss ko na siya sobra.

Carl John Kenneth Sarmiento

Ang pangalan ng kuya ko , nag alaga sakin nung pumunta si papa sa ibang bansa, naaging sandalan ko sa lahat ng oras , at ang kuya ko na gagawin ang lahat maging masaya lang ako .

"kuya miss na miss na kita". Tuluyan na bumuhos ang mga luha ko na kanina pang gusto makawala sa aking mga mata .

Namatay si kuya sa sakit nya sa puso , nung araw na yun ay yung araw na naaksidente si Aaron , hndi ko alam kung kanino ako pupunta , hindi ko alam kung sino ang sasamahan ko ng araw na iyon . Pero mas pinili ko si kuya dahil kami lang naman dalawa ang nagdadamayan .

Natuklasan na may sakit sa puso si kuya noong 7 years old siya , ayon sa doktor may butas daw ang puso niya , kaya habang lumalaki siya mas lalo lumalaki ang butas ng puso niya dahilan para mawala siya , para kunin siya samin.

"kuya anong masakit sayo ? Gusto mo ba ng tubig ?" i asked him . Naalala ko pa nung nasa hospital siya , na ako ang nag babantay sa kanya . Ayoko matulog kasi baka pag gising ko wala na si kuya .

"alam na ba ito ni daddy ?"

"oo kuya kaso hindi siya makaka uwi sa pilipinas kasi marami daw siyang ina asikaso . Pasyensya na ha kuya hindi ko napilit si Dad na umuwi man lang dito"

"its ok baby Kristel . Para lang naman sayo yung ginagawa ni Dad . Syempre mawawala na ako , kukunin na ako ni Lord , pero sana nga si Lord ang kumuha no ? Takot ako kay satanas hahaha"

Nakaka inis ! Bakit kuya ko pa ? Bakit sa lahat ng tao sa mundo siya pa ang nag karoon ng sakit na ganito ? What the fuck world its so unfair ? Si Mommy patay na , si Aaron na aksidente , pati ba naman kuya ko ? Ano bang ginawa ko bakit lahat ng taong mahal ko kinukuha sakin ? Masama ba ako kaya ganito lahat ang nangyayare ?

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko . Hindi ko na kaya itago , gusto ko pakita kay kuya na magiging ok din ang lahat .

Pero ang hina ko , ang hina kong tao . Kaya nagawa ko ng umiyak sa harap ni kuya .

"oh bakit ka umiiyak ?"

"kuya lumaban ka please , kuya hwag mo ako iwan , mahal na mahal kita kuya , kaya please lang hwag mo akong iwan , iniwan na nga tayo ni mama , pati ba naman ikaw kuya ? Kung iiwan mo ako patayin mo nalang ako!" wala ng tigil ang mga luha ko , siguro isang tabo na ang pwdeng mapuno.

The Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon