Chapter 6: Girlfriend

4 0 0
                                    



ANGEL P.O.V

Binuhat niya ako sa gitna ng ulan ,

Binuhat niya ako kasi namulikat ang binti ko,

At dahil binuhat niya ako para hindi ako maiwan mag isa sa lilim ng puno.

Bakit ba ganito nalng umasta si Niel , eh pare-pareho lang naman silang mga lalake

Walang ginawa kundi paglaruan at saktan lang kami mga babae!

"dito ka pala nakatira". He said habang nag pupunas siya ng tuwalya na pinahiram ko muna sa kanya , agad naman tumila ang ulan , nag dala lang ng singaw kaya ang baho sa labas at pina pasok ko na sa loob ng bahay si Niel , ewan ko nga ba kung bakit ko siya pinapasok , ang alam ko lang sinusuklian ko lang siya sa ginawa niya kanina.

"nasaan mga magulang mo? May kapatid ka ba ?". He continued.

"nasa work ang magulang ko , only child lang ako ,".

"ah kaya pala"

"anong kaya pala?". I asked him.

"kaya pala naka punta ka sa clubhouse kasi na boboring ka dito".

Tumayo siya at nilibot ang paningin niya sa bahay , grabe yung tingin niya nakaka curious . Hindi kaya mag nanakaw siya ? Na una mabait lang tapos nanakawan kami? Pero hindi yun ang feel ko sa kaniya .

"eto pala yung tuwalya". Inabot niya sakin yung tuwalya.

"dito din kayo nakatira , right?". I asked him again .

"oo, kakalipat palang namin , kaya natanong kita kanina kung dito kalang naka tira.". He said .

"pala kibo karin pala , akala ko sadyang tinatamaan kalang ng pagka pipi mo".sabi pa niya

Hindi ako pala kwento sa mga lalake nung nag break kami ni Jayson ,

Simula nun ayaw ko ng makipag kaibigan sa mga boys , ayaw ko ng makipag usap sa mga lalake .

Kaya nung nag ka boyfriend si Kristel tinanggap ko nalang , una may takot ako kay Aaron na baka lokohin niya lang si Kristel pero hindi pala .

Kaya kahit papaano mat matino pang lalake sa mundo , pero iniiwasan ko talaga ang makipag usap sa mga boys , pero ito ngayon sa harap ko , hindi ko matiiss na hindi kausapin , para bang kailangan namin makilala ang isat isa . Hay napapano na ba ako ?

"minsan lang to ,". Sabi ko sa kaniya

"bakit ba ang taray mo ? Alam mo hindi mo bagay . Promise!"

"wala kanang pake"

"ohw see ang taray mo talaga , alam mo ba walang ikakaganda ang pagiging mataray".

May ikakaganda kaya at yun ang maiwasan ko ang mga lalakeng manloloko !

Hindi lahat ng mataray , ay mataray talaga . Yung iba kasi may dahilan kung bakit ganoon nalng sila umasta .

"ano naman kung walang ikakaganda ?"

"ay ayaw mo gumanda ? Paano nalng yung mga tao na gusto ligawan ka?"

"kahit may manligaw , reject parin sila". I said it to him .

Umupo siya sa tabi ko at tinitigan niya ako , ano nanaman to ? Pa curious effect?

Natandaan ko lang si Jayson tinitigan niya lagi ako , kahit na masaya,galit.naiinis at napipikon ako tinititigan niya ako , tsaka nalang ako ngingiti sa kaniya , pero ngayon ? Hindi ko kayang ngumiti kahit gwapo ang kaharap ko . Kasi wala naman dapat ngitian sa kaniya.

The Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon