Psychogenic Amnesia is a memory disorder characterized by sudden retograde autoboigraphical memory loss,
Said to occur for a period of time ranging from hours to years.
Hanggang nagyon hindi parin ako makapaniwala na may ganon kaso si Aaron . Na talagang wala ng siyang maalala kahit isa , o pangalan man lang niya.
Kahit ako na girlfriend niya ay hindi niya maalala.
Hindi ko nga alam paano ko ipapaalala sa kanya lahat , hindi ko alam paano ko ipapakilala ang sarili ko bilang girlfriend niya . Hindi ko talaga alam >.<
After a few days naka uwi na ng bahay si Aaron . Doon nalang daw siya mag papa medikal . Na feel din ng magulang at kapatid niya na may amnesia siya . Una ang hirap daw ipaintindi lahat kay Aaron , marami daw siyang tanong tungkol sa nangyayare lalo na sa ibang tao na nakikita niya.
"ate!". Sigaw ng dalawang kambal na kapatid ni Aaron.
Ang cute talaga nila , para silang siopao na masarap lamutakin ang mga mukha hahah!
"hello, may dala akong cupcake para sa inyo". Nilagay ko ang paper bag sa mesa para ilabas ang cupcake . Paborito kasi nila ito , ako pa nag bake nyan para sa kanila .
"anong ginagawa mo dito?". Biglang nag salita si Aaron sa tabi ko . Yung expression ng mukha niya parang wala talga . Parang hindi siya masaya na nandito ako , ano pa ba magagawa ko kung ako mismo bago palang para sa kanya ? Hay hirap ng ganito , miss ko na si Aaron na pagnakikita ko masaya siya .
"ah dinadalaw ka , dinalhan ko rin ng cupcake yung kambal, cute mo talaga." tsaka ko siya kinurot sa pisngi agad niya naman tinanggal yung daliri ko sa kanya nung kinurot ko siya, nga pala hindi niya pa talaga ako kilala . Naninibago palang siya sakin . Ako ? Bagong bago sa ginagawa niya pero yung pagmamahal ko sa kaniya hindi nag babago kahit hindi niya ako kilala , kahit na wala siyang ma alala samin .
"sorry hindi ko maiwasan na kuritin ka sa pisngi , nasanay kasi ako, sorry"
"ka ano ano ba talaga kita?". He asked me.
Ka ano ano ? Ewan ano isasagot ko , kaibigan ? Girlfriend?
Hindi ko alam ! Hindi ko alam kung maniniwala siya na girlfriend niya ako ,
"pag gising ko ikaw na ang kasama ko , hanggang sa nakalabas na ako lagi kang pumupunta dito , hindi ko alam kung ano ba talaga kita ."
"gusto mo ba talaga malaman ?". Tanong ko sa kaniya.
Tumango lang siya , atska niya ako tinitigan .
Yung titig na gusto niya talaga malaman , at hindi yung titig na mahal niya ako.
"girlfriend mo ako ,"
Silent...
Wala siyang sasabihin ? So ganon lang wala man lang ba siya na aalala ngayon sinabi kong girlfriend niya ako .
"Hahaha! Hindi nga ? May girlfriend ako ? At ikaw yun?"
"bakit ka natatawa ? Oo girlfriend mo ako , hindi mo ba feel ? Utak lang ang may damage sayo , pero yang puso mo wala . Hindi mo ba nararamdaman na mahal mo ako ?"
Silent...
Sabihin mo Aaron na may nararamdaman ka sakin , masakit kasi isipin kung wala , parang ako nagkaroon ng boyfriend na one click naging ex ko na . Na wala ng nararamdaman pa!
"sorry natawa lang , hindi kasi ako makapaniwala. Sa totoo lang kasi wala naman akong nararamdaman sayo ".sabi niya .
Oo na wala na siyang nararamdaman . Tanggap kona na hindi nya talaga ako maalala , na hindi niya talaga alam kung anong meron samin .