Chapter 12

1 0 0
                                    



KRISTEL P.O.V

"17 years old ka palang , sa tingin mo ba kaya mo ang trabaho dito?". Tanong ng masungit na kausap ko ngayon ,

Tumingin ako sa paligid ko ,

Isang coffee shop ang pinuntahan ko

At alam ko kakayanin ko ito

Gusto ko talaga mag trabaho

"kaya ko naman po , kahit waiter lang"

Napabuntong hininga nalang ang kausap ko

Hindi siya ang may ari nito pero maka pag interview parang siya na mismo ang may ari.

Bigla nalang may dumating na babae.

Napaka ganda niya. (0.0)

"ma'am". Biglang napatayo ang babae na kausap ko kanina

"why are you here? Hindi mo naman trabaho to ha!". Sabi ng girl

Wow ang taray niya tinaasan niya ng kilay yung babaeng kausap ko kanina .

Hindi yata magada ang pinasukan ko.

Nag sorry naman yung babae atsaka na siya umalis ,

Tiningnan ako ng girl

"hintayin mo si Mom. What's your name?"

"Kristel chloe Sarmiento". Tumayo ako

"noimie almosara sebastian". Nakipag shake hands siya sakin

Dumating naman ang isang babae.

Eto yata yung mommy na sinasabi niya.

"yes my daughter. Napa dalaw ka?". Sabi ng babae na kakadating palang.

"pumunta ako dito baka kasi umeksena nanaman si Carol, i have to go . Nandito kana , goodbye Mom". Umalis na si Noimie

"have a sit". Sabi ng may ari , umupo naman ako.

"sinong naabutan mo dito?"

"ah yung po babae"

"si Carol yun , mala seniorita siya dito pag wala ako , hindi ko naman mabitawan kasi may sakit sa puso ang nanay niya".

The Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon