20th Dance - Finally Home (Epilogue)

33 3 10
                                    


This is the final chapter.  I hope sa pagtatapos nito, masatisfy kayo. I cannot think more of a better ending kundi ito. :) Thanks for supporting The First And Last Dance kahit na ang tagal mag-update ng author. Muntikan ko nang di ito matapos but thank God! Salamat din sa ever-supporting girlfriend kong si erythrism.

-New story soon-

Song is at the side kung gusto niyo mapakinggan. Always by Panama, credits to the owner of the video! :) 

- A


------------------------------------------------------

Lourdes Izabelle's


"So are you ready to give everything up for the girl you love?" Tanong ng interviewer sa kanya, his face's still the same. Walang pinagbago kundi ang pagpapalit niya ulit ng black na buhok. 

Ngumiti siya at humarap sa screen, sasagot na sana siya nang biglang may pumasok sa dressing room ko.


"Ready ka na ba, Lourdes?" Approach ni Manila sa akin, pinatay ko na agad yung tv para walang distraction sa aming dalawa.

"May flowers nga pala for you, bigay ni Prince. Congratulations sa best seller mong libro! Debut mo pa lang pero lagi nang sold out. May perks rin pala maging kaibigan ka hahaha." Ipinakita niya sa akin yung librong niregalo ko sa kanya, which is yung librong sinulat ko. Yes, I am the author of the book entitled Mending The Broken Him. 

Iwinagayway iyon ni Manila sa harapan ko at sinabing buti raw at nakalibre raw siya ng libro ko. This girl never disappoints me, napakaentertaining kausap.


 "Para sa akin ba talaga yang mga bulaklak, o para sa'yo talaga ibibigay ni Prince?" Taas-baba ang mga kilay ko habang sinasabi sa kanya iyon.

"Che, bakla yun. Wag ako." Masungit na sambit pabalik ni Manila. 

Ewan ko ba bakit pa niya niloloko sarili niya na bakla si Prince sa gayong hindi naman talaga.

I saw how Prince looked at her, nahuli ko pa nga itong hinalikan si Manila ng tulog. Natutuwa ako sa kanilang dalawa. It's silly that love is already at their grasp, nasa harapan na nila, yet patuloy pa rin sila sa pagiging bulag. 


Someone knocked on the door, dahilan para buksan iyon ni Manila. Bumungad sa amin ang isang long stem rose, hawak ng isang staff na kasama sa programa na magiintrview sa akin. 

"Miss Lourdes, pinapabigay po." Kinuha naman agad iyon ni Manila at pinasa sa akin para hindi na ako tumayo.


Do your best, I hope I can be there baby. 

Wag kabahan sa interview! 

- Lu Han



He left a small note doon sa rose. Yup, sadly he's not here. Hindi siya agad nakapagbook ng flight papuntang California. This is where I stayed, dito ko din sinimulan at natapos yung librong isinulat ko. Almost two years na rin yata. 

The First And Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon