"Tignan lang natin kung magagawa mo pa akong lubayan ngayon." At siniil niya ako ng isang halik. Isang halik na nagpalambot ng tuhod ko.
Hindi ako nakagalaw pa. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang itulak o ano.
Hinila niya ako mula sa likod ko at lalo pang diniin ang pagkakahalik niya sa akin. I'm not responding to his kiss, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit hindi ko pa siya pinipigilan? Am I liking this?
"Sh-t" He cussed at hinalikan ako muli. Inihiga na niya pala ako sa kama at hinahalikan niya pa rin ako. Akmang itataas niya ang dress ko nang marinig namin na sumarado ang pinto sa sala.
Nakauwi na sina Kuya. Agaran ko siyang itinulak at inayos ang damit ko. Nakangisi siya sa akin pero inirapan ko ito. Huminga ako ng malalim at binuksan na ang pinto. Nakita ko sila kuya at ang E12 na pawis dahil galing sila sa jogging.
Nakatulala ako at napansin iyon ni Kuya Lay na hawak ang towel nito at ipinatong sa balikat niya.
"Any problem, princess? Bakit ka nanggaling sa kwarto ni Kai?" You heard him right. Princess ang tawag niya sa akin dahil ako lamang ang babae sa bahay. Naging close na rin kami at itinuring ko na rin siyang parang isang tunay na kuya, though Chinese rin kasi siya.
"H-huh? W-wala naman a-akong problema.. M-may sinabi lang ako kay Kai, p-para roon sa D-dance competition lang." I said as I was stuttering. Oo dahil kabado ako, ayokong malaman nila ang nangyari.
"I thought may date ka? Why are you still here? 10:38 na ah." Sabi kuya Xiumin na umiinom ng tubig sakto na pagkatanong niya noon ay lumabas si Kai mula sa kwarto niya.
Dinaanan niya ako at nakangisi pa rin siya. Ugh, I hate him. I hate how he can manage to smile at me. Kinuha niya yung first kiss ko! Sinong hindi maghuhuramentado?
Akala ko sa taong espesyal ko maibibigay iyon. Yun pala sa isang pervert lang pala. Siguro dapat bumalik na lang ulit ako ng China?
"Something got up, Kuya Xiumin. But that's okay maybe I'll be spending this day to do some practice for the dance competition." Nilakasan at inemphasize ko ang sinabi ko para marining naman ni Kai ang sinasabi ko. Ugh, careless freak. Kiss stealer. Womanizer! Devirginizer!
Shut up, Lou! Hindi ka pa naman niya ginagalaw. But I still hate the thought na kinuha niya ang first kiss ko at nagawa niya pa akong ipahiga sa kama niya.
~~
"What the eff, Lou. Hindi mo ba alam na... Nakuha ko yung number ni Alexander! Kyaa!" Masayang sabi ni Lucy sa kabilang linya. She sounded serious at first at akala ko magagalit siya dahil tinulak ko siya papunta sa date namin ni Alexander.
"What's with you and your damn giggles? Love at first sight? Di na uso yan." Tanong ko sa kanya at tumatawa pa rin siya dahil sa kilig.
"Maka-damn ka naman. Mayroon ka ba ngayon at ganyan ka makasalita, aren't you happy? Akala ko nga magagalit siya noong sinabi kong hindi ako si Louloubelle Han pero ipinaliwanag ko naman na hindi ka makakapunta talaga dahil hindi ka pinayagan ng boyfriend mo ha-ha-ha! Dapat ako ang nagtatanong sa'yo, what's with you and Kai!" Masayang sabi niya sa akin.
"W-what? Hindi ko siya boyfriend! Ok sige, masaya ako na magkakalove life ka pa nga yata ngayon. Pero di ka pa ba babalik sa China?"
"No, I'm staying here kasama si Kuya Lucci. Huwag mo nga ibahin yung usapan! Bakit ka hinila ni Kai kanina?" Intrigang sambit niya.
"You know what? Late na! Go to sleep, now!" Pag-iiba ko ng usapan.
"Oh! Kabisado kita, Lou! Something happened ri-" Di ko na siya pinatapos at binaba ko na ang cellphone. Tinanggal ko na rin ang battery para di na siya makatawag ulit.
BINABASA MO ANG
The First And Last Dance
Romance©inkedcheeks // Completed // You know this is war. It's a fight against all odds. Pero hindi ka handa at kang walang plano. But you have to, 'cause they're armed with words, ready to drag you down. You have to survive this battle. Pero kaya mo bang...