Louloubelle's
"Rise up, dear sister." At sa isang iglap ay naramdaman ko ang pagtalsik ng malamig na tubig sa pisngi ko.
"Nice way of waking me up, Luhan." Masungit kong sambit. Kinuha ko kaagad ang handkerchief ko mula sa bulsa at pinanuasan ang basang pisngi at buhok ko.
Ugh, this brother is so annoying. Gigisingin na nga lang ako, kailangan pa ba akong paliguan?
He dragged me to this hell. Hindi ko gustong pumunta dito sa Korea. I want to go back sa China.
Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako sinama rito, sa gayong siya lang naman ang mag-eenjoy. My life is in China and not in some city called Seoul.
"Kuya, saan ba tayo pupunta? Pwede ka naman mag-aral sa China. Ang dami mo pang arte." Pagmamaktol ko sa kanya habang palabas na kami ng airport.
"Louloubelle Han. Makulit ka rin eh. Sinabi nila mama na isama kita dito kaya wag makulit."
"Yeah yeah. You always drag me to your childish plays, sinama ako ni mama kasi pasaway ka.. Dapat ikaw na lang pumunta, tsaka saan ba tayo titira?"
"May kakilala ako dito. Susunduin tayo ng mga kaibigan ko."
"Oh ayun na pala sila." Turo niya sa isang malaking van.
Nakita ko ang labing-isang lalaki *ehem* tumigil na ang van at nagsi-babaan na ang mga ito.
Mukha namang mababait sila.. yata? Pero may isang partikular na lalaki ang pumukaw sa paningin ko.
"Louloubelle? Hindi sinabi sa akin ni Luhan na maganda pala yung kapatid niya!" May nagsalita sa tabi ko at kinuha ang bag ko mula sa kamay ko.
"Hoy! Isara mo nga yang bibig mo!" sabi ni Kuya habang nakatitig ako dun sa lalaking may kakaibang tingin. Eyes dark. Lips were full blood red.
Ang gwapo niya.
Hindi pala, ang lakas ng dating niya. Basta malakas.
"Sige na Kuya, tara na. Payag na ako rito mag-aral." Madali kong sabi sa kanya.
The guy is interseting. Lalo na kapag tinitigan mo siya. Sa unang tingin, hindi siya kagwapuhan. Pero habang tumatagal, nag-iiba. Mas nagiging ma-appeal.
Damn him and his black hair.
"Papayag ka rin pala. Aarte pa, o-siya sige magpakilala na kayo." Senyas ni Kuya sa labing isang mga lalaki.
"Kyungsoo." Sabi ng lalaking may hindi katangkaran. Ito yung kumuha kanina ng bag ko.
"Thehunnie here!" Sabi naman ng isa, ang puti niya. Nahiya naman ako sa balat ko. Pagkatapos ay matangkad pa siya. May hawak itong bubbletea sa kanang kamay.
"Sehun!" Sigaw ni Kuya Luhan.. Hirap sigurong bumugkas ng s ang isang ito.
"Kris." Malamig na sabi ng matangkad na lalaki. Matangkad talaga siya, marahil baba lang ng braso niya ako o mas mababa pa. Pamilyar siya at naalala ko ang picture ni Kuya Luhan sa wallet.
"Chanyeol!!" At ngumiti ng todo sa akin yung katabi nung Kris. Creepy and weird.
Marami pang nagpakilala dahil nga labing isa sila. Pero hindi nagpakilala yung nasadulo na lalaki. Yung sinabihang kong gwapo sa isip ko.
BINABASA MO ANG
The First And Last Dance
Romance©inkedcheeks // Completed // You know this is war. It's a fight against all odds. Pero hindi ka handa at kang walang plano. But you have to, 'cause they're armed with words, ready to drag you down. You have to survive this battle. Pero kaya mo bang...