17th Dance- Lost

76 6 0
                                    


"Louloubelle, you need to know something." Hinila niya ako pagkatapos niyang sambitin ang pangalang Izabelle. 


"Xan, huwag dito. Please." Hinila siya paalis ni Lucy mula sa akin. 

Lucy and Lucci, Lucy and Lucci. Is this some mind game? Parang sa isang iglap ay nagbalik lahat ng nakaraan ko mula noong high school. Yung mukha ni Lucy bago ko iwan ang Korea. Yung pagtulo ng luha niya, pero wala akong nagawa. Luhan kicked me out of SoKor, what can I do?

Nagtama ang mga mata namin ni Lucy, para bang nagulat siya sa pagkakita sa akin. Pero agad itong bumalik sa normal niyang ayos.



Lucy and Lucci. Lucy and Lucci.. How can I forget the twins that made my days in Seungri High possible? How can I forget Lucy, who had been my best friend since Kinder 1 in China? How can I forget his brother who kissed me? And lastly, Alexander. The one I was supposed to date that day.


What a small world to see them both here, again. The shocking part is they're engaged.

Lucy and Alexander are engaged.



"Kuya Xan, you know her?" Lumapit sa amin si Kara.


"Y-yes. Long-time friend namin nina Lucci." Si Lucy na ang sumagot para sa kanya, he's still out of his mind. Para bang may iniisip, nababalisa. Napansin kong may palapit sa aming lalaki, I recognized his features. Lalo na yung mga mata niya. Lumapit si Lucy rito at may binulong.



Naglakad siyang patungo sa direksyon namin. I kept repeating his name in my mind, Prime. Prime yun. Yung nakipagsayaw sa akin kanina lamang.


"Kuya Xan, doon muna tayo." Saad nito.


Siya iyon, yung humila sa akin. Prime is his name. How can I forget?



Wait what the hell is this family tree? Prime is Alexander's brother at kapatid din nito sina Kara at Xiara? Sumasakit bigla ang ulo ko, epekto ng pinainom sa akin kanina nina Gavin at Manila.

Apat silang magkakapatid. Alexander, Prime, Xiara and Kara. Tell me I'm dreaming, will somebody slap the hell out of me?


"Lou, I missed you!" Niyakap agad ako ni Lucy pagkatapos makaalis nina Prime.

"Akala ko hindi ka na babalik." Dadgdag pa nito.


"I-I missed you too, Lucy. Hindi ka na nagpakita sa akin after that.. that incident. What happened to us?" Mariing kong sabi, naiiyak ako dahil ngayon ko pa lamang siya nakita ulit. I really missed my best friend.


"Wala namang nagbago diba? Bestfriend pa rin naman tayo diba, I really missed you. Anong nagyari sa buhok mo? Why are you wearing that? Bakit ang ikli? Kailan ka pa natutong mag-ayos?" Nagtatakang tanong nito pero agad ring natawa. Pakiramdam ko may mali sa tawa niya. I hate to admit it pero parang nagpipigil siya o kung ano man.

The First And Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon