15th Dance- Burn

52 3 3
                                    



"Xiara!" Saan ko nga ba huling narinig iyon?


Napatayo sina Ma'am Jackie habang si Amy naman ay nakatitig lang sa likuran ko, sinisiko-siko niya pa rin si Prince na hindi naman siya pinapansin.


"Yeah, Oo. Yun yung singer." Narinig kong tugon ni Gavin habang kausap nito si Manila. Hindi ko alam kung sinong singer ba ang tinutukoy niya dahil di ko pa nakikita kung sinong kasama noong Xiara, kaninong pangalan nga ba iyon?


"Lou, kilala mo pala si Alexandria!" Lumapit sa akin si Ma'am Janine, tumango ako bilang sagot at umalis sa kinauupuan ko para lingunin sila.


And then I saw her, like she's dressed to kill. Naaninag ng mata ko kung sino yung kasama niya, he's wearing something nice, that it fits him very well. Napansin ko kaagad na hindi na pala blonde ang kulay ng buhok niya, bumalik na pala ito sa pagiging itim.


"Please have a sit with us." Alok ni Ma'am Jackie sa kanila. "Alright, Jackielyn. Pero sandali lang kami ah? Wala pa kasi yung brother ko and her fiance, so we'll stay here muna. And thank you nga pala." Sambit ni Alexandria at ngumiti ng matamis.


Umupo si Xiara sa tapat ni Gavin. Napabuntong hininga naman ako dahil alam ko kung saang upuan na lamang ang bakante. Iyon ay sa tabi ko, mahinahong tumabi sa akin si Kai.


Mabilis ang pagkabog ng puso ko. Gugustuhin ko sanang tumakbo palayo pero huli na ang lahat.


"Uy, ayos ka lang? Fan ka ba ng EXO? Ako kasi oo. Hihi, swerte mo katabi mo si Kai." Sambit ni Amy sa akin. Nako, Amy. Kung alam mo lang!


"Uy Prince chill ka lang. Ako lang naman may alam ng secret mo." Narinig ko yung bulong ni Manila at nakita ko kung paano ang pagngisi niya kay Prince na nakasimangot pa rin. Hindi ko alam kung nagpipigil lang ba siya ng inis o ano.


Bakas kasi sa mukha niya ang pagkairita sa sinabi ni Manila.



"Lou, have you talked to your brother yet? Ang rinig ko di raw kayo on good terms?" Ambisyosa! Hindi dapat sinisiwalat ni Alexandria yun rito sa harap ng marami. Napatigil tuloy ako sa pagkain ng chicken!


"We talked, but not that much." Matabang na sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. 


"Oh, kung ganon siguro mag-usap na kayo. Alam mo bang paranoid na si Luhan? Hindi yata siya makausap minsan." Nakita ko ang reaksyon ng lahat na nakaupo. Sabi ko na e. Kaya nga hindi ko binubuksan yung topic na yun dahil walang nakakaalam na kapatid ko si Luhan. I've stayed long in China kaya walang nakakaalam.


I've stayed long enough para makalimot ang lahat.


"You know what? Just leave it, ako na ang may problema roon. Marami nang nagbago noon at hanggang ngayon. May mga bagay na hindi ko kayang bitawan, like the argument between us siblings and there's big reason behind kung bakit hindi ko pa siya masyado kinakausap. And since hindi mo rin naman alam kung ano yung nangyari. No offense, Alexandria pero stay out of my family's business." Napatahimik lahat sa sinabi ko. Goddamnit! Masyado ba masakit yung sinabi ko? Eh sa madaldal na siya. Nakakainis pa. Naramdaman ko rin kung paano natigilan si Kai. 

The First And Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon