16th Dance- Who Came

63 4 5
                                    

 

————————————————————————————————-


Masiglang tunog ang sumalubong sa amin papasok ng The Capitols.


Nagsasayawang mga tao ang nasa gilid at gitna ng pinasukan naming bar. Mga lalaking nasa kanya-kanyang upuan, may kasamang babae't may hawak na inumin sa kabilang kamay. These bright lights caught my eyes, pati na rin sina Amy ay napapasayaw na.


Pagkapasok ko pa lamang ay ramdam na ang kakaibang aura sa loob ng bar na iyon. Pati na rin ang pagiging malamig na pakiramdam ko, siguro ay dahil iyon sa manipis na soot kong damit. Pumunta sina Ma'am Jackie sa isang table at doon nagsi-ayos.


Pati na rin ang ibang team ay naki-upo na, habang ang mga lalaki naman ay kumuha ng maiinom. Narinig ko pang humirit si Manila na, "Prince, kahit wag ka na sumama. Ha?" Ngumisi ito kay Prince at nagtaas-baba pa ang kilay. Tila nairita naman ito sa pinakita ng babae at sumunod na kay Gavin.


Kasi naman Manila sounded annoying kaya ayan, sinusungitan na siya ni Prince. Nakilala ko pa naman siya na laging masayahin, sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras. He's very optimistic. Kaso nga lang, nag-iba yung timpla niya simula nang banggitin ni Manila ang pagkakaalam nito sa sikreto niyang pagiging tagilid sa kasarian.



"Manila, tigilan mo na nga yun." Mariing saad ni Amy at umiiling. Kahit kailan talaga, laging pumapagitna si Amy sa lahat ng bagay. Para siyang neutral. Yung patas lang siya, walang kinakampihan. Basta naisip niya, sasabihin niya. She's frank but in a good way. Lagi yata siyang tumatayong referee nung dalawa.

Dumating yung mga lalaki dala ang mga inuming pina-order nila Ma'am Jackie, kahit bakas sa mukha ni Prince ang pagkainis. Di niya pa rin mapigilang di tumabi kay Manila.



"Umiinom ka ba? Oh." Inabot naman sa akin ni Gavin ang isang cocktail, tumango na lang ako kahit na hindi naman talaga ako umiinom ng alcoholic beverages.


"Dyan ka na." Sabi sa kanya ni Amy at tumabi ito sa akin.


Halata sa team nila ang pagka-close, kaya naman minsan Gavin lang ang tawag nila kay Sir Gavin. Siguro ay hindi lang ako sanay na tawagin siya hindi nakakabit ang 'sir' sa pangalan niya. Di rin naman kami ganoon magkakilala, ang awkward naman kung Gavin lang agad ang tawag ko sa kanya, hindi ba?


Maliban na lang kay Ma'am Jackie at Janine dahil sila ang may-ari ng kompanya kaya laging kadugtong ng pangalan nila ang ma'am.


"Matagal ka na ba dito?" Kinausap ako ni Sir Gavin na para bang walang nangyari kanina. There was no sign of irritation on his face. Medyo maaliwalas na ito, di tulad ng pinakikita niya sa akin sa office.


Napansin niya yata ang reaksyon, napangisi ito sa akin at umiling. "Sorry nga pala. Alam mo na, for being rude to you. Minsan kasi pati personal na problema ko nasasama sa trabaho." Saad niya at ininom ng mabilis ang vodka ng walang chaser. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkapait ng ininom niya, I bet it tastes awful.

The First And Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon