14th Dance- Alexandria

46 3 4
                                    


Dedicated para sa iyo ;) Salamat sa pagbabasa!



"Hey there. You quite look familiar." Lumapit siya sa akin habang hawak ko pa rin yung folder.



"Ugh.." Hindi ako kaagad nakasalita dahil napansin ko yung kagandahan niya. Yun yung gandang di mo mai-dedeny.


"I heard you're Luhan's younger sis. And as I expected, you're prettier in person." Ngumiti siya sa akin, nagdalawang isip pa ako kung ngingitian ko rin siya. Ang sama ko naman kung hindi.


"Thank you." Maikling tugon ko nahalata kong bumaba ang tingin niya sa folder na hawak ko at napataas ang kilay niya.


Oo nga pala, kaya ako bumaba dahil dito ko gagawin mismo sa company nina Kara ang pag-aaudit para kapag may kailangan pa ako ay hindi na ako mag-aabala pang bumalik ulit. This is how my work is done.


"Yeon Hee Auditing Firm? Auditor ka?" I replied yes, of course. "Matalino ka pala talaga, like I heard. Lagi kang nakukwento sa akin nina Xiumin. You are pretty and smart. Smarter than your brother, kaso you left Korea raw. That's kinda sad sana dati pa kita nakilala." Napataas ang kilay ko pero agad ko ring inayos ang sarili ko. Alam niya kaya yung tungkol sa amin ni Kai? If she does then dapat hindi niya ako kinakausap diba or is she just friendly?


"Thanks for all the compliment but I didn't get your name." Walang atubiling sabi ko. Tumawa siya sa harap ko at di ko alam kung bakit.


"Sorry for being rude, Louloubelle." Buti pa siya alam yung buong pangalan ko. Ako nga hindi ko siya kilala.


"I'm Alexandria, fashion designer of EXO and this whole company is owned by my sister, Kara and Xiara na lang itawag mo sa akin." Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya.


"K-kapatid mo si Kara?"


"Yeah. So I know you're going to audit her company, aalis na ako at baka nakaka-abala pa ako. Kukuha pa kasi ako ng gagamiting damit ng EXO sa mga performance nila. See you around, Lou." What the hell did she say?




~




"Uy!" Nabalik ako sa ulirat ng tumabi sa akin si Prince at nilapag ang binili niyang pagkain. 


"Oh, dyan ka pala." Wala sa sarili ko pa ring sabi sa kanya.


"Bumili ka pa ng pagkain di ka naman pala kakain." Ngumuso siya at napatingin ako sa pagkain kong hindi pa nagagalaw.


"Manila, uy. Tara upo ka dito." Tinawag niya yung babaeng may maikling buhok. Her name is really nice. Gusto ko yung pagka-unique nito, parang yung akin lang. Umusog ng kaunti si Prince para makaupo si Manila. Lumapit siya sa amin at padabog na nilagay yung pagkain niya sa mesa.

The First And Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon