Chubby-Twenty Two

1.2K 26 1
                                        

ERICKA'S POV

Pagbaba ko,Nakita ko si Dwake.Nakatalikod siya at mukhang may kausap sa phone.Siguro si Janella yun.Kahit gaano talaga sila kahiwalay walang makakapigil sa pagmamahalan nila.Walang forever lintik.

Oh Ericka,Tumigil ka na.Dumadali nanaman yang pagiging bitter mo,Kaya wala kang boyfriend eh.

Habang tinititigan ko si Dwake.Hindi ko mapigilan na maisip na sobrang hot niya.Kahit nakatalikod ang lakas ng dating niya.Hayop talaga ang charms ng lalaking toh.

Ibinaba na niya ang phone at humarap sakin.

He was just wearing a plain gray shirt,With matching red jersey shorts.Tapos nakarubber shoes siya.Pero bakit sobrang gwapo niya?!

Ako kaya?Maganda kaya ako sa suot ko na,Pink plain sando with matching blue leggings at naka-snickers tapos ponytail na buhok?

"Wow.You look sexy honey.",husky voice na sabi niya sakin.Inirapan ko siya.

"Tse.Sexy mo mukha mo."

"Talaga.Sexy mukha ko.Sexy sa sobrang gwapo.",tapos nagpogi points siya na pose pa.

"Tara na nga.",sabi ko sakanya sabay pinasak ang headset sa tenga ko.

Lumabas ako saka tinawag si manong driver.Sasakay na sana ako kaso bigla akong hinawakan ni Dwake sa braso kaya napatigil ako.

"Problema mo?"

"Diba mag-eexercise tayo?"

"Oo nga."

"Hindi tayo sasakay ng kotse.".

"Eh pano tayo makakapunta sa gym?"

"Magjojogging tayo."

"Ano?!"

"Yep.Magjojogging tayo papuntang gym."

"Naman Dwake!Papatayin mo ba ko?",umiling-iling siya.

"Nope.I'm helping you to get fit."

"No.You're helping me to die."

"Wag ka na nga umarte!Diba gusto mong pumayat?"

"Oo.Pero---"

"Wala nang pero-pero!Tara na!",Wala na kong nagawa.Nahila na niya ko papunta sa kalsada at nauna na siyang magjogging.

Napabuntong-hininga nalang ako at sumabay sakanya.

~

DWAKE'S POV

Habang tuloy-tuloy ako sa pagjojogging,Bigla kong narinig na sumigaw si Ericka.Pagharap ko sakanya,Muntikan na kong humagalpak sa tawa dahil sa itsura niya.

Yung buhok niyang nakaponytail,Basang-basa na.Tapos yung mukha niya,Lagatak na ang pawis.Mukha na din siyang hingal na hingal.Seriously?Eh hindi pa nga kami nakakalabas nitong village nila eh pagod na pagod na agad siya?

"Dwake..Tulong..Dwake mahihimatay na ata ako.",hingal na hingal niyang sabi sakin.

"Pagod kana agad nun?Ano ka ba naman honeybunch!Ang taba-taba mo kasi eh!",panlalait ko sakanya.Bigla siyang sumimangot with matching pout pa.Haha,Ang cute talaga ng napang-asawa ko.Pero don't get me wrong ha,I don't like her.Mahal ko si Janella at loyal ako sakanya.Tanging si Janella lang ang babaeng para sakin.Tama.At oo nga pala,kinasal na kami ni Ericka bago umalis sa pinas.

Hindi naman siya engrande,sa totoo lang ay sa munisipyo lang talaga kami ikinasal kaya hindi na iginawa pa ng chapter ni tamad na Author.Tsk tsk.

My Chubby Maldita Wife  (ON GOING/UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon