Chubby-Twenty Seven

106 7 2
                                    

    Natapos na 'yong anniversary date namin ni Janella.Bumalik na kami sa unit namin.Hinintay ko munang makatulog siya ng maayos bago ko ilabas ang laptop ko at kausapin si Johnny.

Ako: Johnny,ano nang balita?

Johnny: Hindi pa rin,repa,e.Ikaw ba?

Ako: Hindi.

Napabuntong hininga ako at pumunta naman sa facebook account ni Ericka.Wala pa ring pinagbago at wala din siyang pinopost.Kaya wala talaga kaming clue ni Johnny kung nasaan siya.Pati din naman ang lolo ni Ericka ay nakikihanap.Malaking tulong din siya dahil marami at malawak ang connection niya,kuno.

Sinarado kong muli ang laptop ko at humiga sa kama.Tumaas ako hanggang sa magkapantay na kami ni Janella.Tulog na tulog na siya pero ang ganda niya pa rin.Alam kong napakasama kong tao dahil hindi ko agad sinabi sa kaniya na fiance at naging asawa ko si Ericka.At dahil do'n ay lalong nasira ang pagkakaibigan nila.

Napapikit ako at inisip si Ericka.Nasaan na kaya ang baboy na 'yon?Napakatagal na simula no'ng huli kaming magkita at takasan niya 'ko.Buti na lang talaga at mabilis ang move ng lolo niya at napakuha agad ako ng ticket pabalik dito sa pinas.Pero hindi ko naabutan si Ericka dahil hindi pala siya dito dumeretso.At hindi ko alam kung saan pa siya dumeretso.

"Babe,bakit 'di ka pa natutulog?" rinig kong tanong ni Janella sa 'kin.Dumilat ako at liningon siya saka ngumiti ng tipid.

"'Di pa 'ko inaantok,babe,e," sagot ko.

"Naku,gusto mo lang ng lambing 'no?" Lumapad ang ngiti ko.

"Siguro nga," and with that,she lean onto me and started kissing me.

JOHNNY'S POV

      Tugs tugs tugs.

Sarap talaga magparteh parteh!Ang dami pang chikababes dito sa bar ni Hiro,kaibigan ko. "Johnny!'Lika may papakilala ako sa 'yo!" Bigla akong tinawag ni Hiro at pinalapit na agad ko namang sinunod dahil alam kong may ipapakilala siya sa 'king chikababes.Maganda din ang taste nito ni Hiro sa babae kaya trusted ko siya dito.Huahua.

"Nasaan ba?" Nang makalapit ako ay may tinuro si Hiro na babaeng nakatalikod at nakaharap sa counter.Hindi ko makita ang mukha niya pero ang sexy niya lalo na dahil hapit na hapit sa katawan niya ang kulay black na dress.Mahaba at wavy din ang kulay brown niyang buhok.Lalong gumanda ang figure niya dahil dinala ito lalo ng kulay red niyang heels. "Pre baka naman pagharap niyan hipon pala,ah!" Natatawa kong sabi.Pero ayos na din,mapapakinabangan ko na din naman ang katawan.XD.

"Hindi 'yan pre!Nakita ko na mukha niyan!Go na,mukhang masarap sa kama--este,kasama e!" Humagalpak kaming dalawa ng tawa bago ako dumeretso do'n sa babaeng nakaupo.

Umupo ako sa kalapit niya at umorder ng isang tequila.Humarap ako sa kaniya at nginitian,pero 'yong chix ay nanatiling nakaharap sa mga alak.Gusto niya ba no'n?Pero pinaglalaruan lang naman niya 'yong alak niya,e.

Napatingin ako sa gawi ni Hiro na ngayon ay may dalawa nang kasama na chikabebe.Inutil talaga 'to.Muling bumalik ang mata ko dito sa chikabebe.

"Hey miss," tawag ko.Mukhang nagulat siya at biglang napaharap sa 'kin.Hmm,mukhang pamilyar siya?

Namilog ang mata niya,animo'y nakakita ng multo pero nakatingin siya sa 'kin.Gwapong multo ko naman?

"J-Johnny?" Tawag niya.Teka,papa'no niya nalaman ang pangalan ko e hindi pa naman ako nagpapakilala?Kumunot ang noo ko.

"How did you knew my name?" Gano'n na ba 'ko ka-famous?Mukhang natauhan siya dahil unti-unting bumalik sa dati ang mata niya at humarap uli sa mga alak at muling pinaglaruan ang baso niya.

"Nothing,pinakilala ka na kasi sa 'kin ng kaibigan mo," sagot niya na ikinangisi ko.So I'll have to thank Hiro later.

Maya-maya pa ay dumating na din ang order kong alak.Nag-request ako ng isa pa na agad naman niya sinunod.Dumating din ito agad.

"You'll drink them both?" Tanong ng chikabebe sa kalapit ko.Tumingin ako sa kaniya at ngumisi saka inusog ang baso sa kaniya.

"Ofcourse not," itinaas ko ang baso ko. "Cheers?" Ngumisi din siya at itinaas ang baso niya saka nakipag-cheers sa 'kin.Lagok ako ng lagok.Bottoms up.Muli kong ibinalik ang baso sa lamesa then I leaned towards her.Mukhang nagulat siya kaya napaatras siya ng konti.

Ngumisi ako. "So,what's your name?" Tanong ko.Ginantihan niya 'ko ng ngisi at marahan akong itinulak palayo.

"Well,it's a secret," sagot niya na lalo kong ikinangisi.So is she playing hard to get?

"Secret?Well,your secret's safe with me," ganti ko naman.Napatawa siya ng mahina.God,I like her voice.Pero sobrang pamilyar niya talaga.

"I'd like to keep all my secrets to myself," sambit niya at ibinaba ang glass saka tumayo at isinuot ang sling bag niya. "Nice meeting you,Johnny," ngisi niya at tinalikuran na 'ko saka umalis.

Ngumiti ako "Nice meeting you,anonymous," muntangang sambit ko dahil mag-isa lang ako at mukhang kinakausap ko ang sarili ko.Napailing-iling na lang ako at tumayo saka pumunta kung saan madami pang chikabebe na easy to get.

THIRD PERSON'S POV

      Dere-deretsong lumabas ng bar na kaniyang pinanggalingan ang dalaga.Hindi siya makapaniwalang nakausap niya si Johnny.Ni hindi niya inaasahan na magku-krus ang landas nila kaylanman.Matagal na kasi nitong hindi nakikita ang kaibigan.

Pero nagulat din siya dahil hindi siya nito nakilala.Which is a good thing dahil hindi pa siya handa na pagsagawin ang plano niya ngayong nagbalik na siya.Pero mabuting bagay din na nakita siya nito para mas mashock ang binata pag nalaman na siya ito.

Umaayon na sa kaniya ang tadhana.Siguro ay kampi ito sa plano niyang maghiganti.

Napangisi na lang siya habang napapaisip ng magiging reaksyon ng dati niyang mga tinuring na kaaway.

"Sit tight and watch out,Janella,Johnny and especially you,Dwake.I'm back.And I'm back,for my revenge."

Ang paikot-ikot sa isip ni...

Ericka.


------------*0*------------

My Chubby Maldita Wife  (ON GOING/UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon