ERICKA'S POV"Girls!girls!please,hindi toh laban ng suntukan."awat samin ng principal kaya tumingin ako sakanya
"I know right principal,tsaka hindi naman boxing ang mangyayari kundi sumo wrestling kapag linabanan ko siya."sabi ni Aisha na ngayon ay naglilipstick na,tsk.mas lalo lang siyang nagmumukhang clown.tse.
"Anyway,I gotta go Mr.Principal,I have a date with Dwake."agad akong napabaling kay Aisha.si Dwake?date niya?pero..bakit?
"Teka lang Aisha,sinong ide-date mo?"tanong ko sakanya,then she arched her brow.
"Why?are you gonna steal my boyfriend?"nagiinit na talaga ang bumbunan ko dito sa Aisha na toh,masasapak ko talaga siya akala niya.
"Putek Aisha!sagutin mo nalang!ang dami mo pang arte e!"singhal ko sakanya,mukha namang natakot siya
"Alright!fine.si Dwake ang bf ko.bakit ba?"na-stuck ako sa kinatatayuan ko,si Dwake?kadate niya?pero bakit?diba..diba fiancee' ko na siya?pero..ugh.ano bang pakialam ko kung si Dwake ang bf niya diba?mas okay nga yun e,para hindi matuloy ang kasal diba?pero..pero bakit parang may kumikirot sa...puso ko?hindi!naiinis lang ako kay Aisha.oo tama.naiinis lang ako sakanya.
Hindi ko namalayan na nakaalis na pala si Aisha.hindi ko manlang siya nasapak,sayang.uupo na sana ako sa upuan para magpahinga nang sunigaw ang principal
"Wag Ms.Falcon!baka masira yung upuan!1000 pesos isa yan!"pinanlisikan ko agad ng mata yung principal,gago toh ah.
"Chill lang Ms.Falcon,pwede kang umupo,hehe."inirapan ko siya at dahan-dahang umupo habang siya sunod-sunod ang lunok habang tinititigan ako
*craaaaack*
Ay putek!ano yun? "
"Ms.Falcon!umalis kana sa upuan!"sigaw niya pero hindi ko siya pinansin,hinanap ko yung tumutunog hanggang sa
*BOOGSH!*
"ARAY KO PUTEK!!"angal ko agad habang hinihimas ang pwetan kong nalamog na ata
"Sabi sayo Ms.Falcon e,masisira yung chair,haist!mapapagalitan nanaman ako ng Supervisor nito!"reklamo niya habang papadyak-padyak pa.
"Hoy principal!hindi ako ang may kasalanan!yung upuan!fake kasi yung upuan e!FAKE!TSE."padabog akong lumabas ng principal's office habang nakabusangot,maglalakad na sana ako paderetso nang biglang may magsalita sa likudan ko
"Bakit naman nakabusangot ka?"kumulo nanaman talaga yung dugo ko,huminga muna ako ng malalim bago sumagot
"Wala.kang.pakialam."sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad
"Hoy!teka nga Eri-taba!huy!"hinablot niya yung braso ko at iniharap sakanya "Ano nanaman bang problema mo?!"inis na sagot ko sakanya,sunod-sunod na talaga ang pagkabadtrip ko.
"Pinapahatid ka sakin ng parents mo honey.oo nga pala."lumapit siya sakin at bigla akong hinalikan ako sa..sa..sa labi!
"I love you hon-"
*PAAAAAAAAAKKK!!*
"POTA KA DWAAAAAKKKEE!!!"hinabol ko siya hanggang paglabas niya,pero limang metro na ang pagitan namin,yung takbo ko kasi jogging lang sakanya e,agad akong tumigil at hinabol ang hininga ko
"Uy hingal ka agad Eri-taba?wala pang 5 inch yung tinakbo mo ah?"natatawang sagot niya,pinanlisikan ko siya ng mga mata
"DAKYU KA TALAGA DWAKE!FIRST KISS KO YUN!!"nanggagalaiti kong sigaw sakanya
"Oh so what?sakin din naman mapupunta lahat ng first mo pag naikasal na tayo."sabi niya habang tataas-taas ang kilay at nakangiti ng nakakaloko.inirapan ko nalang siya,totoo naman siya e..even my first..basta alam niyo na yun.
"Ihatid mo na ko.inaantok na ko."kalmado kong sagot at nauna na sakanya.tumapat naman siya sakin "Akala ko ba may date kayo ni Aisha?"
"Hayaan mo siya," sabi naman niya. "Ericka.seryoso ka bang magpapakasal ka sakin?"seryoso niyang tanong sakin.
"Oo seryoso ako,I'm willing to do everything for my beloved lola."sabi ko ng nakatungo.
"Even if labag sa loob mo?"bumuntong hininga ako at tumingala para pigilan ang luhang gustong pumatak sa mata ko
"Yes."maikli kong sagot
"Gusto mo bang hindi matuloy yung kasal?"tumingin ako sakanya,yung mata niya seryoso lang,dahan-dahan akong tumango
"Oo.ayokong matuloy ang kasal,ayokong ikasal sa lalaking hindi ko naman mahal."deretso sa mata na sagot ko sakanya,tumango-tango naman siya at binuksan na yung kotse
"Alright.if that's what you want then I'll make a way para hindi yun matuloy."huli niyang sabi bago isara ang pintuan ng kotse niya.
~~~~~^__^~~~~
Nasa kama ko ako ngayon.thinking about what Dwake says a while ago.seryoso ba siya?gagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal?ano kayang gagawin niya?sobrang saya ko ngayon kasi posibleng hindi na matuloy ang kasal,pero deep inside me,parang napapansin kong hindi labag sa loob niya na ititigil ang kasal,pero imposible.ayaw niya sakin diba?oo ayaw niya sakin.tama.kasi mataba ako at maldita kaya ayaw niya sakin,kasi wala akong shape,kasi para akong poste.pero diba may shape naman ako ah?circle nga lang.pero diba shape din yun?ay teka ano toh?sariling husga?
*knock knock*
Sumigaw ako ng 'pasok' at pumasok si Dwake.nakangiti siya pero matipid lang
"D-Dwake.bakit?"bati ko agad sakanya at umupo sa tabi ng kama ko
"Ericka.pag-planuhan na natin kung anong gagawin natin para hindi matuloy ang kasal."nagkatitigan kami ni Dwake ng ilang segundo
"S-sure kana ba Dwake?n-na hindi na natin itutuloy ang kasal?"nakatungo kong tanong
"Ewan ko sayo,ikaw?ano bang gusto mo?hindi ka pa ba sure?"tanong niya sakin at dahan-dahan akong tumango.
"Then we'll-"
"No,wag na kayong gumawa ng plano para hindi matuloy ang kasal."sabay kaming napalingon ni Dwake kay dad na pumasok sa kwarto ko
"Ericka.akala ko ba nakapag-pasya kana?e ano toh?"hindi na ko makatingin ng deretso sa mga mata ni dad,ngayon lang ako kinabahan ng ganito
"Kahit anong gawin niyo,matutuloy at matutuloy ang kasal na toh."tumingin sakin si dad at sunod kay Dwake
"Kayong dalawa,umupa kami ng unit sa Hearst condo units.number 104.nandun na lahat,at kayong dalawa,ay magsasama dun hanggang sa kasal."nagkatinginan kami ni Dwake na may gulat na ekspresyon,agad naman akong napatayo
"What dad?seriously?are you trying to kill me?"gulat na tanong ko kay dad
"I'm not trying to kill you Ericka,talagang kailangan niyo lang magkasama para hindi na kayo parang aso't-pusa pag naikasal na kayo."pagpapaliwanag na sabi ni dad
"No dad.hindi ako papayag,please dad.I'm too young,pano kung..pano kung may mangyari samin?I'm only a minor dad.please lang."pagmamakaawa ko kay dad
"No Ericka,Dwake is a goodman,he's always in control."sabi ni dad.bumuntong hininga ako,ganun ba kalakas ang trust niya kay Dwake?hindi naman sa lahat ng oras nasa control si Dwake,pano kung lasing siya?
Nang makalabas si dad agad akong napahiga sa kama ko
"I can't believe this,i really can't.it's like my parents are trying to kill me,if they want to kill me say it to me,tulungan ko pa silang patayin ang sarili ko."pagbulong ko sa sarili ko at pinikit ang mga mata ko at natulog,hindi ko na pinansin si Dwake.
-----------------
EDITED!!
BINABASA MO ANG
My Chubby Maldita Wife (ON GOING/UNDER EDITING)
Fiksi Remaja"Dwake Almonte na nga mapapangasawa mo ayaw mo pa,pakipot ka kasi e.ang taba-taba mo naman,hindi ka sexy,at ang haba pa ng sungay mo,tingin mo kung hindi dahil sa forced marriage na toh,magkaka-asawa kapa?" Oh ano ngayon kung Mataba ako?kung wala ak...