"Ano ba?!Asan ka na?!Kanina pa kita hinihintay,hindi dapat pinaghihintay ang mga magaganda at sexy katulad ko!" Bulyaw ko kay Jestephanie sa kabilang linya.
"Oo nga,oo nga!On the way na!" Napairap ako at humigop sa kape ko galing starbucks.Binabaan ko na siya ng telepono.Nagdekwatro siya at 'di pinansin ang mga lalaking napapatingin sa kaniya dahil sa taglay niyang kagandahan at kasexyhan.
Nagulat ako nang maya-maya ay may humihingal na lumapit sa 'kin,pag tingin ko ay si Jes pala.Grabe,pawis na pawis na siya.And she stinks!Kinuha ko ang perfume sa loob ng bag ko at inihagis sa kaniya.Agad naman niya itong sinalo.
"Anong gagawin ko dito,friend?" Tanong niya habang tinititigan ang pabango at inaamoy-amoy pa.
"Try mo kainin," napairap ako nang suminghal siya. "Iwisik mo sa katawan mo!Amoy pawis ka," bulyaw ko.Ngumuso naman siya pero ginawa pa rin ang sinabi ko.
"Bakit mo ba 'ko pinapunta dito?Akala ko sabi mo sa 'kin sa New Zealand ay hindi mo naman ako kailangan?"
"Sa New Zealand 'yon," inirapan ko siya.
I've been to New Zealand for over two years.Yep,two years at sa new zealand ko na nareach ang goal ko na pumayat at maging sexy.Akala ko no'ng una 'di ko kaya,turns out,nando'n si Jestephanie na willing naman na tulungan ako.
Tumingin ako sa wrist watch ko,it's already 7pm at wala pa 'ko sa mood bumalik sa condo unit ko.Saan ba pwedeng magpalipas ng oras?
Aha!
Tumayo ako at sinakbit ang sling bag ko.Tumingin naman sa 'kin si Jestephanie na nakakunot ang noo. "Saan ka pupunta?"
"Correction.Saan TAYO pupunta," pagco-correct ko. "Tara sa bar.Gusto ko uminom," sabi ko at nauna nang maglakad palabas ng mall.
"Ay!Gusto ko 'yan," ngiting-ngiti siya na tumayo at sumama sa 'kin palabas ng mall.Sumakay ako sa kotse ko at ibinigay sa kaniya ang susi.Kumunot ang noo niya "Ako talaga magdadrive?"
"Sino gusto mo?" Taas kilay kong tanong
"Nasaan ba ang driver mo?" Nakanguso pa niyang tanong.
"Kung ayaw mo,edi---"
"Hindi!Biro lang,ako na magdadrive.Hehe," tapos kinuha niya sa 'kin yong susi at pumasok sa driver's seat
Mga sampung minuto ay nakarating na rin kami sa gusto kong puntahan pampalipas ng oras.Sa bar.Napangisi ako.Naalala ko noong mataba pa ako,wala akong confidence na pumasok sa mga ganitong klaseng lugar.Pero ngayong maganda na ang pangangatawan ko,alam kong maglalaway ang mga lalaki sa akin.
Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang binubully noon,kinakantyaw at pinandidirihan,sasambahin ang kagandahan ngayon?
Pagpasok ko sa bar ay maraming mata ang sumalubong sa akin,especially mata ng mga lalaki.Pero binalewala ko at dumeretso sa counter,si Jestephanie naman ay humiwalay.Gwapo rin talaga ang bartender nila dito kaya ginaganahan akong magshot.
Dahan-dahan akong umupo sa may counter at tinitigan siya nang malagkit.Mukha namang type niya din ako kasi agad siyang napangiti at lumapit sa 'kin "Nice seeing you again,Ms.Ericka," he said in a flirty tone
"I know," mayabang kong sagot at pinaglaruan pa ang shot glass na nasa harapan ko
"So,anong gusto mong inumin?We've got everything," sabi niya at hinagis-hagis pa sa ere 'yong shaker ng alak
"Give me the best alcohol you've got," hamon ko at nagpahalumbaba sa counter table,'yong para bang sineseduce siya.Mukha namang gumagana kasi ilang beses siyang napalunok
"Challenge accepted,madame," sabi niya at nagbow pa bago umalis.Sinundan ko lang siya ng tingin habang nangunguha siya ng mga drinks.
Maya-maya pa ay naramdaman kong may lumapit sa 'kin.Pero hindi ko siya linilingon.I've got my eyes fixed on the bartender. "Hey,miss," rinig kong bati no'ng lalaki.
Teka,parang pamilyar ang boses niya?Humarap ako sa kaniya at agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakangisi niyang mukha...
"J-Johnny?"
What the f*ck is he doing here?!
Matapos naming mag-usap ng kaunti ni Johnny ay dali-dali na akong umalis.Hindi ko na rin hinanap pa si Jestephanie.Ang importante,matakasan ko si Johnny.Buti na lang talaga at hindi niya ako nakilala...
Paglabas ng bar ay naisip ko ang plano ko.Umikot-ikot 'yon sa isip ko at hindi ko maiwasang mapangisi.Mukhang umaayon sa akin ang tadhana.
"Miss!Wait,you forgot something," rinig kong tugon ng isang lalaki at hinawakan ako sa braso,sanhi ng malumanay kong panginginig.Bakit niya pa ako sinundan?!
"A-ano 'yon?" Tanong ko pero hindi ako humaharap sa kaniya.Nakilala niya ba ako?
"To tell me what's your name," nagtindigan ang mga balahibo ko nang bumulong siya malapit sa tenga ko.Mygosh!Bakit niya ba ako nilalandi?!
Pumiglas ako para makalayo sa pagkakahawak niya pero mas lalo niya pa 'yon hinigpitan.Bigla niya akong hinarap sa kaniya at tinitigan ako sa mga mata.
"Pamilyar ang mga mata mo," tugon niya at bahagyang kumunot ang noo.
Hindi!Hindi pwede!Hindi niya ako pwedeng makilala kundi masisira lahat ng plano ko!
"P-Pakawalan mo na ako!Ano b-ba!" Sigaw ko at mas linakasan pa ang pagpiglas pero walang epekto.Titig na titig pa rin siya sa 'kin.
"Kamukha mo 'yong ex ko," sabi niya at nagulat ako nang ilapat niya ang hintuturo niya sa pisngi ko.Tapos tinrace niya 'yon pababa sa jawline ko. "Pero imposible.Wala siya dito,e.Atsaka mataba 'yon," sabi niya na umiiling-iling pa
Aba!Linalait pa ako nito kahit ang alam niya ay wala ako.Haleer,nandito lang ako sa harapan mo,Johnny!
Bigla siyang tumawa at binitawan na ako.Tapos umupo siya sa semento at yinapos ang sarili niya.Linalamig ata siya.Tumalikod na ako at aalis na sana nang bigla siyang magsalita ulit "But I really miss her.I miss her to the point that I can pay my life just to see her again," sabi niya
Nagulat ako sa sinabi niya.Willing siyang ibigay ang buhay niya para lang makita ako?
"Kung sana lang,mas narealize ko kung gaano siya kahalaga sa 'kin noon.Sana hindi ko na siya pinakawalan pa.Ang tanga-tanga ko kasi at napagtripan namin siyang magkakaibigan," kwento niya at narinig ko ang mahihina niyang paghikbi.Umiiyak siya? "K-kung sana lang,h-habang maaga pa..Sana hindi ko inisip na si Janella na talaga ang nakatadhana sa 'kin...Edi sana,n-nasa akin pa siya ngayon."
Nagsisisi siya.Naiiyak na rin ako dahil sa narinig ko.So after all this time,pinagsisihan naman pala niya ang ginawa niya sa 'kin?
Pero kailangan kong magpakatatag.Hindi dapat ako bumigay sa mga simpleng bagay lang.Napapikit ako ng mariin at bumuntong hininga "Sabi nga nila,nasa huli ang pagsisisi," tugon ko at naglakad na palayo.Hindi ko na rin siya tinapunan pa ng tingin.
Sorry,Johnny.Hindi na kasi ako 'yong dating Ericka na tatanga-tanga.
// yiiEeeEi3 sinisipag ako mag-updatee skllll
![](https://img.wattpad.com/cover/42256002-288-k955266.jpg)
BINABASA MO ANG
My Chubby Maldita Wife (ON GOING/UNDER EDITING)
Fiksi Remaja"Dwake Almonte na nga mapapangasawa mo ayaw mo pa,pakipot ka kasi e.ang taba-taba mo naman,hindi ka sexy,at ang haba pa ng sungay mo,tingin mo kung hindi dahil sa forced marriage na toh,magkaka-asawa kapa?" Oh ano ngayon kung Mataba ako?kung wala ak...