Chubby-Nineteen

1.1K 32 2
                                    

ERICKA'S POV

"Uuuugggghhh!!!"

Nakailang sigaw na ko ng ganyan habang pagulong-gulong sa kama ko.Hindi ko padin kasi makalimutan yung kissing scene na ginawa sakin ni Dwake kanina.

Seryoso pala siya na hahalikan niya ko!

Leche naman ooohhh!!!

Narinig kong bumukas at sumarado ang pinto ng unit namin ni Dwake.So andito na siya.Waaaaah!Ayokong lumabas!Anong mukha nalang ang ihaharap ko sakanya?!

Teka,Bakit ba ko nagwoworry ng ganito?Diba siya ang unang nanghalik?Diba siya yung nagpull sakin para halikan ako?So the responsibility and bashfulness should be on him!

Okay.

Hoo.

Hingang-malalim.

Lalabas na ko.Nagugutom na kasi ako eh.

Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko at tumambad sakin si Dwake na topless at nakaboxer lang.

Lagi siyang nakaganyan lalo na pag andito siya sa unit.Pero parang ngayon,Parang ilang na ilang ako sa katawan niya.

"Oh?Makatitig ka naman diyan.Kay Janella lang toh oy." Sabi niya sabay ngisi.

"Kapal naman ng pagmumukha mo na sabihin sakin yan noh?" Actually,nagulat ako kasi hindi siya sinuntok ni Johnny kanina.Kahit alam na ni Johnny na karibal niya si Dwake.

"Tss.May pagnanasa ka naman sa katawan ko.Sexy ko kaya." Pagmamayabang niya.

"Ikaw nga ang may pagnanasa sakin eh.Tamo,Hinalikan mo ko kanina sa labi."

"I just proved you that I'm not gay.Hindi na ba pwedeng ipagtanggol ang sarili?"

"Bahala ka sa buhay mong walang kwenta." Sabi ko at inirapan siya sabay alis papuntang kusina.

Binuksan ko ang fridge at kumuha ng coco krunch tapos sterilized milk at naglagay sa bowl ng puno.Diet kasi ako ngayon eh.

Kumuha ako ng kutsara sabay kumain sa mesa.

Habang nakain ako.Biglang may mahiwagang kutsara na dumutdot sa coco krunch ko at kumain din.

"Aba ang kapal talaga ng laman mo at nakidutdot ka pa talaga sa coco krunch ko!Kumuha ka kaya ng sarili mo?Dami-dami sa fridge eh."

"Eh gusto ko share tayo sa pagkain honeybunch."

Honeybunch..

Sheteeee..

Pwede ba Ericka?Wag kang kiligin?

Hindi naman diba tunay yang endearment-endearment niyan ni Dwake.

Tinapunan ko siya ng nakakadiring tingin.

"Yuck.Mandiri ka sa sinasabi mo.Honeybunch-honeybunch ka diyan."

"Why?Dati naman okay lang sayo kung tawagin kita ng honeybunch ah?Bakit ngayon hindi na?Teka,Wag mong sabihing---"

"Mali yang iniisip mo.Maling-mali.Kaya lang ayaw ko na na tawagin mo ko sa endearment na yan dahil naman!Nasa bahay tayo!Pwede namang wag nang gamitin yang endearment na yan eh."

"Pano kung may spy pala ang mga magulang natin?Edi nabuking pa tayo."

"Tss.Bahala ka sa buhay mo."

"Mananalo din pala ako eh."

"Hindi ka nanalo.Suko lang ako sa kakulitan mo." Sabi ko sakanya sabay subo ng coco krunch.

"Tch.Bahala ka.So,Honeypie---"

My Chubby Maldita Wife  (ON GOING/UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon