Chapter 6
Avril's POV
Ngarrr...
Grabeh ang sarap ng Tulog ko. Hehehe.
"morning!" bati ni Kei.
"morning din! ^_^"
Uwaa. Bakit ang refreshing ng mukha ni Kei ngayon? Mukhang masaya siya. Ang Cute *___*
"hoy baka matunaw ako niyan. Kung makatitig ka parang almusal ako."
"Tss. Kapal mo. Tinitignan kita kasi napansin kong medyo masaya ka. Anong meron? Huh? Huh?"
"masaya talaga ako nuh. Kasama ko yata ang bestfriend ko matulog kagabi ^_^"
HUH? Dahil lang dun? Ang babaw yata?
"weh. E di naman big deal yun eh. Psh. Ayaw mo lang mag-share eh."
Bilang sumeryoso ang mukha niya. Lumapit siya at bigla akong Inakbayan.
"sana lagi paggising ko, ikaw ang unang makikita ko.." bulong niya.
Ewan pero.. bakit parang.. ang saya ko nung marinig ko yun? aish. Comedy din kasi tong si Kei eh.
"edi sa'min ka lagi matulog." Yun na lang nasabi ko. Wala ng maisip eh hehe
"yaan mo Ril, malapit na ^_^"
?_____? Ano daw?
"huh? Anong malapit na?"
"ang sabi ko, Birthday mo, malapit na." aahh. Parang iba kasi yung narinig ko e.
So bale last day na ng Event. As usual, tumugtog kami that day, and after nun, umuwi na kami, marami pa kasing gagawin eh, since Christmas Vacation na din naman, nagpe-prepare na rin kami sa pagdedecorate ng bahay.
*beep*
From: Kei
Punta ka sa bahay. Wala kausap e.
------------------------------------
Pfft. Kahit kailan talaga to si Kei, demanding. Anyway, wala din naman akong gagawin e, tapos na rin si Dad sa pag-aayos ng chritmas tree.
Dali dali akong nagligpit at nag-ayos para makaalis na agad.
"Dad, alis na po ako!"
"oo sige ingat ka"
Mga 30 minutes lang yung biyahe papunta sa kanila kaya naman di rin nagtagal nakarating na ako sa kanila.
Bago ko pa man mabuksan yung pinto, nauna ng binuksan.
"bulaga!"
"HA.HA.HA. nakakagulat. =____="
"eto naman, kahit kailan napaka epal."
"che. An lakas naman kasi ng pang-amoy mo. Lalapit pa lang ako sa pinto nabuksan mo na agad."
"syempre ganyan kita kamahal kaya malayo pa lang ramdam na kita. ^_^"
"pwe.ano ako multo? May pa ramdam ramdam ka pa dyan."
"hehehe. Halika dali nuod tayo movie"
At ayun na nga. Wala naman kami ibang nagawa kung hindi manuod ng DVD. Ganito lang kasi buhay namin pag wala yung parents namin. Madalas kami ang magkasama. Ang boring naman talaga kasi pag mag-isa eh!
"So anong plans mo sa Birthday mo?"
Hayy. Oo nga nuh malapit na pala Birthday ko.
"hmm.. ewan. Pero as usual, gagala tayo. Ikaw lang naman lagi kong kasama pag birthday ko eh, maliban na lang kung may pasok pa."
BINABASA MO ANG
Bestfriends DO fall in love
Teen FictionBestFriend.. Nandiyan pag may problema ka. Nagpapatawa pag malungkot ka. Nakukulit mo ng walang malisya. Nang-aasar pag walang magawa. Pero.. Bestfriends pa rin ba.. Pag madalas nagseselos pag may iba kang kausap? Pag madalas na I LOVE YOU ang sin...